Isa sa mga pinamasayang aktibidad ng isang bata ay ang pagbibisikleta. Kaya naman kung ang iyong anak ay binilhan mo na ng bisekleta, paano mo nga ba siya tuturuan sa paggamit nito? Narito ang ilang tips na maaari mong gawin kung paano turuan ang anak na magbisikleta habang bata pa.
Paano turuan ang anak magbisikleta? Ito ang dapat malaman
Maituturing na enjoyable activities sa kids ang matutong mag-bike. Maaari kasi nilang maging play time ito along with their neighbor friends. For sure, kung nakikita ng iyong anak na marami sa kalaro niya ang natututo nang magbike malamang gusto niya rin matutunan ito.
Maganda na maturuan ang bata na maaga pa lamang ay matuto nang mag-bike. May mga bata kasi na ginagamit ang bike papunta sa school. Ito ay dahil sa maaagang stage pa lang ng kanilang childhood ay tinuruan na silang gumamit ng bike. Ang iba nasa pagitan ng dalawa hanggang walong taon ang panahon na tinuturuan nila ang kanilang anak.
Maganda ang benefits nito dahil made-develop pa nila ang skills ng biking as they practice na magiging helpful for them in the future.
Mga importanteng bagay bago turuan ang iyong anak kung paano magbisikleta:
1. Magsimulang gumamit ng training wheels o balance bike.
Balance ang pangunahing inaaral sa pagba-bike. Kaya naman maraming parents at instructors ang nagpapayo na simulan muna ang pag-aaral ng bata sa bike sa paggamit ng training wheels. Ang training wheels ay ang dalawa pang gulong sa likod ng bike kung saan tumutulong upang balanse ang bike sa tuwing pinapaandar.
Sa pamamagitan daw kasi nito, bukod sa balance ay matututunan din ng bata ang coordination at shifting.
2. Pumili ng tamang bike para sa anak.
Mainam na tama ang bike na bibilhin para sa anak. Tignan ang mga bikes na may tamang laki para sa anak at siguraduhing abot pa rin niya ang lupa kung bababa. Dapat kasing kontrolado pa rin ng paa niya kung sakaling ma-out of balance siya upang ito ang aalalay na hindi siya tuluyang matumba.
Maaari ring pumili depende sa preference at design na gusto ng anak upang lalo niyang ma-enjoy ang biking. I-remind ang bata sa kung ano ang mga dapat niyang i-consider when choosing one.
3. Pumili rin ng tamang helmet para sa kanya.
Matapos makapili ng tamang bike, dapat lang na tama lang din ang helmet sa kanya.
Naiiwasan kasi ng helmet ang malalang head injury dala ng hindi inaasahang pangyayari.
Kung bibili ng helmet, make sure na kasama ang anak upang masuot niya ito personally. Dapat ay fitted ito at hindi madaling nagagalaw kahit pa hindi na naka-lock. Tignan din kung ang strap ay secured enough sa kanyang chin upang hindi kaagad matanggal.
Bukod sa helmet, importante ring mayroong siyang elbow at knee pads.
Kung isusuot ng bata ang helmet, sabihan siya na dapat ang fit nito ay dalawang daliri lamang ang kasya upang safe ang kanyang pagba-bike.
4. Turuan sila patungkol sa safe place
Bago magsimulang mag-bike, make sure na nasa safe space muna ang pagpapraktisan ninyo. Maaaring sa isang safe na parking area, park, o kaya naman sa inyong malawak na garage. Good choice rin kung pipiliin sa madamong lugar, mas ligtas kasi itong pagpraktisan dahil nale-lessen ang impact kung sakaling matumba.
Hindi dapat siya mag-practice kaagad kung saan mayroong maraming dumadaan na sasakyan dahil maaaring pagmulan ito ng aksidente.
5. Turuan sila patungkol sa practice safety precautions.
Bago mag-start palagi sa practice, siguraduhing nasa maayos na kalagayan lahat ng equipment lalo na ang bike. I-double check kung maayos pa ba ang brakes at iba pang mechanical issues na need tignan sa bike.
7 tips kung paano turuan ang anak na magbisikleta
- Kung gamay na niya ang training wheels, unti-unti na itong alisin.
- Sabihan siyang sakyan ang bike gaya kung paano niya sinakyan ito nang may training wheels pa.
- Ipaalala na pumunta sa opposite direction kung saan papunta ang bike upang ma-maintain ang balance.
- Huwag sumabay kung saan papunta ang bike upang maiwasang matumba.
- Sa paghinto ng bike, dapat ay gamitin ang kanilang paa o handbrakes gently upang huminto ito.
- Ituro sa kanila kung paano nila gagamitin nang sabay ang handbrakes at footbrakes.
- Unti-unti silang i-practice to go on a long ride with you.