Hindi lang ang mga matatanda ang nakakaranas ng insomnia o hirap sa pagtulog, maging ang mga bata ay maaari rin itong maranasan. Kung napapansin mo na ang iyong anak ay hirap nang matulog baka mayroon na ring siyang childhood insomnia.
Alamin sa artikulong ito kung ano ang dahilan, gamot at iba pang bagay na dapat malaman tungkol sa kondisyong ito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang “childhood insomnia?”
- Causes and treatment ng childhood insomnia
Ano ang childhood insomnia?
Ano ang “childhood insomnia?” | Larawan mula sa Pexels
Isa sa mga common na problema ng mga bata ang childhood insomnia. Ayon sa Help Guide, ang insomnia ay isang kondisyon kung saan nahihirapang makatulog sa gabi ang isang indibiduwal.
“Insomnia is the inability to fall asleep or stay asleep at night, resulting in unrefreshing or non-restorative sleep.”
Tumutukoy raw ito sa kondisyon kung saan hindi makatulog ang bata o hirap panatalihin ang tuloy-tuloy na pagtulog nila. Nakakaranas ang ibang bata na hindi pa rin pagod o ayaw matulog kahit bedtime na o kaya naman hindi mapakali sa gabi kung hindi nakikita na nasa tabi ang magulang.
Bukod dito, maaaring makita na mayroon nang ganito ang iyong anak kung sila ay:
- Nagiging aggressive
- Bumababa ang attention span
- Mabilis mairita
- Mayroong memory problems
- Pagkakaroon ng mood swings
- Nag-iispace out
- Nawawalan ng concentration
Para sa mga parents, nakalulungkot nga naman ang ganitong pangyayari. Pareho kasing nahihirapan ang anak maging ang mga magulang kung mayroong childhood insomnia ang bata.
Hindi naman ito kailangang ikabahala kaagad, dahil mayroon pang lunas para dito. Ating alamin ang mga dahilan at iba’t ibang treatment ng childhood insomnia.
BASAHIN:
Parating galit ang bata? 4 na paraan para malaman kung anxiety ito
4 basic anger expressions para matulungan na i-manage ang galit ng bata
5 reasons kung bakit kailangan bigyan ang bata ng panahon para maglaro
Causes and treatment ng childhood insomnia
Causes
Unang maaaring dahilan kung bakit parating kulang ang tulog ng mga bata ay dahil sa hindi nila pagtulog sa tamang oras.
Kinakailangan kasing higit walong oras ang recommended na haba ng tulog nila lalo kung nasa pagitan sila ng edad 4 na buwan hanggang 18 na taon.
Kung hindi na ito nasusunod marahil nga mayroon nang childhood insomnia ang anak.
Bakit nga ba nagkakaroon nito? Paano ito nakukuha? Ano-ano ang mga bagay na nakaapekto upang makuha ito? Narito ang ilan sa mga kasagutan:
- Daytime habits – Malaking factor ang mga gawain nila sa umaga kung bakit hindi sila nagpapahinga sa gabi. Maaaring kumain sila ng mga pagkaing siksik sa sugar kaya hindi bumaba ang kanilang energy. Pwede rin namang nasosobrahan sa panonood ng telebisyon o paggamit ng gadgets.
- Pagkakaroon ng labis na stress – Hindi lamang matatanda ang naii-stress maging ang mga bata rin. Nagkakaroon din sila ng pinoproblema kaya nag-ooverthink at nagkakaroon ng stress sa kanilang brain. Ilan sa karaniwang pinanggalingan nito ay ang kondisyon ng pamilya o tahanan kanyang tinitirhan. Isang dahilan din ay sa paaralan kung saan maaaring hirap makasabay sa klase o nakakaranas ng bullying.
- Caffeine intake – Hindi namamalayan ng mga parents na nakakainom na pala ang kanilang anak ng inuming may caffeine kahit pa hindi hinahayaang uminom ng kape. Ang mga soda at iba pang energy drinks ay mayroong caffeine na nagpapanatili sa kanilang gising. Hangga’t maaari ay huwag na silang painumin pa nito lalo pagtapos ng kanilang lunch.
- Medications side effects – Kung mayroong iniinom ang anak niyo na medications, mainam na tanungin sa inyong doktor kung mayroong ba itong kemikal na nagdudulot para mahirapan silang matulog.
- Medical factors – Isa sa maaaring ikonsidera ay marahil mayroon silang iniindang sakit kaya hirap silang magpahinga. Kung nasa ganitong sitwasyon dapat lang na kumunsolta na sa inyong doktor.
Treatment
Hindi dapat mabahala sa ganitong sitwasyon dahil mayroong tamang treatment upang maiwasan na ito.
Maaaring sumubok na painumin sila ng gamot ngunit mayroon din namang natural na paraan kung saan ipapractice nila ang isang mabuting lifestyle.
Ang ilan ay ang mga sumusunod:
- Magplano para sa kanilang sleeping schedule – Kung didisiplinahin ang anak sa pattern ng kanilang pagtulog mapapractice nila ito hanggang sa makasanayan nang may sapat silang pahinga.
- Huwag hayaang matulog silang wala sa kondisyon ang sikmura – Hindi dapat hinahayaang gutom o kaya naman kumain ng heavy meal anak bago matulog.
- Limitahan ang gamit sa gadgets – Ang blue light na ini-emit ng mga gadgets ay maaaring makapag-disrupt sa pagtulog ng isang tao lalo na sa bata.
- Gawing komportable ang kanilang higaan – Para maging masrapa at mahaba ang kanilang pagpapahinga, kailangang ayusin ang kwarto ayon sa kanilang gustong matulugan.
- Magkaroon ng regular na ehersisyo – Hindi lang makakatulong ito sa pagtulog kundi maging sa kabuuang kalusugan ng bata.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!