Narito ang mga tips o paraan kung paano turuan maglakad ang baby na isa sa pinakamalaking milestones sa kaniyang development.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tips kung paano turuan maglakad ang baby
- Payo sa mga magulang
7 tips kung paano turuan maglakad ang baby
Ang mga baby ay madalas na natututong maglakad sa oras na sila ay mag-isang taong gulang. Palatandaan ito na sila ay nagsisimula na sa pagiging independent at isa sa mga developmental milestones ni baby na ikina-eexcite nating mga magulang.
Maraming maaaring maging factors o dahilan sa kung kailan magsisimulang maglakad ang isang sanggol. Isa na nga rito ay ang role nating mga magulang kung paano turuan maglakad ang baby o ating anak. Pero dapat ay matukoy muna natin kung handa na ba siyang matutunan ito.
Bago pa sila matutong maglakad ay mauuna na muna silang matutong dumapa, gumapang, maupo at tumayo. Kapag ang mga ito ay nagagawa na ng maayos ng iyong anak ay maaari na siyang turuang maglakad. Ang mga sumusunod ang 7 tips na maaring gawin kung paano turuan maglakad ang baby.
1. Hayaan siyang maupo ng mag-isa.
Hayaang maupo ang iyong anak sa upuan na walang back support o siya lang mag-isa. Pero siguraduhin na malapit ka lang sa kaniya para masigurong ligtas siya. Ang mga paa niya ay dapat ding naaabot ang sahig. Para magamit niya ang kaniyang balakang at tuhod bilang panukod.
Kapag siya’y nasa nasabi ng position ay utusan niyang abutin o kunin ang laruan na sa sahig saka bumalik ulit sa kaniyang upuan. Maaaring gumamit ng ibang bagay kapalit ng laruan. Ang mahalaga lang ay mapraktis ang skills niya sa pag-abot at magamit niya ang kaniyang mga muscles sa katawan.
Sa pagawa ng activity na ito, ay nai-encourage si baby na galawin ang kaniyang mga paa para sa stability. Natuturuan din siyang maglagay ng bigat sa kaniyang mga paa na nag-i-improve ng mga muscles niya sa binti, balikat at likod.
2. Magpakita ng mga bagay na makakapukaw ng kaniyang pansin.
Sa paggawa nito ay nai-encourage ang iyong anak na igalaw ang kaniyang ulo at leeg na nagpapatibay sa mga muscles niya rito. Mahalaga ring isaisip na maliban sa kaniyang muscles sa binti ay kailangan ding palakasin ang muscles niya sa likod para sa kaniyag paglalakad.
Para palakasin ang muscles niya sa likod ay pahigain siya ng padapa at hayaan siyang tumayo mag-isa mula sa nasabing posisyon. Sa ganitong paraan ay natutunan ninyang ma-kontrol ang mga muscles niya sa likod na mahalaga sa kaniyang paglalakad.
3. Hayaan siyang maglakad pabalik-balik habang nakahawak sa sofa o ibang kasangkapan ninyo sa bahay.
Ang pamamasyal o cruising ay isa sa fundamental steps ng isang bata para mas mabilis siyang kumilos at makapaglakad. Kabilang na rito ang pagtayo niya habang nakahawak sa isang gamit o kasangkapan na gagamitin niyang tandayan o gabay.
Isa nga sa pinakamagandang gamit sa bahay na makakatulong para mapraktis si baby sa paglalakad ay ang sofa. Hayaan siyang magpabalik-balik dito habang inaaalalayan mo o hawak ang isa niyang kamay.
Maaari mong ilagay ang paborito niyang laruan sa dulo ng upuan para maging motivation ni baby. Sa oras na kaya ng gawin ito ni baby nang mag-isa ay maaari mo na siyang hayaan at bitawan na ang kaniyang kamay.
BASAHIN:
Paggapang ni baby: Isang guide ng mga magulang para sa major milestone na ito ng isang sanggol
Best car seat: Top 7 baby car seats para masiguradong safe si baby when traveling
4. Bilhan o bigyan ang iyong anak ng push o pull toys.
Ang mga push o pull toys ay may malaking papel na ginagampanan sa mga bata para matutong maglakad. Sa tulong ng mga ito ay natuturuan ang mga maliliit na bata na tumayo, gumalaw at matutong mag-balanse.
Mas mai-encourage din ang mga batang maglaro dahil mayroon itong music at lights na kagigiliwan nila.
5. Hayaang maglakad ng nakayapak ang iyong anak.
Bagama’t nakakatulong ang medyas at sapatos na maprotektahan mula sa ubo at sipon ang mga bata, mas mainam naman na pagyapakin lang siya para sa mas mabilis niyang pagkatutong maglakad.
Sapagkat mas nagagamit niya ang kaniyang mga daliri sa paa para makakapit sa sahig at makapagbalanse.
Ang pagsusuot ng sapatos ay maaari ring maka-irritate sa kaniyang balat. Kaya mabuting makasigurado na ang bibilhin mong sapatos sa iyong anak ay safe o hindi makaka-irritate sa kaniyang balat.
6. Alalayan ang iyong anak sa paglalakad.
Kapag nagsimula ng matutong maglakad ang iyong anak ay siguraduhing alam mo kung paano siya aalalayan. Gawin ito sa pamamagitan ng pagtayo sa kaniyang likod at paghawak sa ilalim ng dalawa niyang kili-kili.
Hayaan siyang kumapit sa mga bagay na maaari niyang tandayan habang paunti-unti siyang humahakbang. Gawin ito ng paulit-ulit hanggang sa hindi niya na kailanganin ang tulong o gabay mo.
7. I-childproof ang inyong bahay.
Mahalaga ito sapagkat sa oras na matuto ng maglakad ang iyong anak ay mas maraming lugar sa bahay ninyo na siyang mapupuntahan at mas maraming gamit na siyang maabot.
Kaya naman mahalagang iiwas sa kaniya ang mga babasaging gamit. Ganoon din ang mga gamit na may matatalas o nakakatusok na bahagi. Hangga’t maaari ay ilayo ito sa lugar na hindi makikita o maabot ng iyong anak. Ito ay para maiwasang masaktan at maaksidente rito si baby.
Ang makita si baby na naglalakad na ay isang special moment na kailangang i-celebrate at alalahanin. Kaya dapat lang na maalalayan siya at masigurong i-baby proof ang inyong bahay. Ito ay para ma-witness ang una niyang mga hakbang ng walang pag-aalala at may kasiguraduhan.
Orihinal na inilathala sa wikang Ingles sa the Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.