5 madalas na pinag-aawayan ng mag-asawa at paano ito mareresolba

undefined

Alamin ang madalas na dahilan ng pag aaway ng mag asawa at kung paano ito maiiwasan at masusolusyonan para sa mas masayang pagsasama.

Ayon sa mga eksperto, may mga dahilan ng pag-aaway ng mag asawa ang maaring maiwasan para hindi magdulot ng malaking problema at manatiling masaya ang isang pagsasama. Paano maiiwasan ang away? Sundin itong mga tips na ito.

Paano maiiwasan ang away

pag-aaway ng mag asawa

Photo: Pexels

1. Pagbibilangan ng trabaho.

Ang simpleng pagbibilangan ng trabaho tulad na lang sa kung ilang beses at sinong huling naghugas ng plato ay isang sitwasyon na kung saan maaring makapagdulot ng tensyon at pag-aaway ng mag asawa, ayon ito kay Vanessa Marin isang sex therapist.

Ito daw ay dahil sa nagpapahiwatig ito na laging pinapanood at hinuhusgahan mo ang bawat kilos ng iyong partner. Ang tipikal na pangaraw-araw na away din na ito ay maaring mas lumaki at makaapekto sa gana ng isa sa inyo pagdating sa sex na mas nagpapalala ng gap sa pagitan ninyong mag-asawa.

Para maiwasan ang pagbibilangan ng trabaho, ipinapayo ni Vanessa Marin na maghati kayo ng responsibilidad o hindi kaya naman ay magkanya-kanya kayo ng gawain sa bahay.

Ngunit kung pati sa inyong sex life ay nagbibilangan narin kayo, mas mabuti kung maging open kayo at alamin ang opinyon ng isa’t-isa kung anong maaring gawing bago o kakaiba para naman mas madagdagan ang intimacy at excitement ng inyong pagsasama. Sa ganitong paraan ay mas magiging close kayo ng partner mo at mareresolbahan ang inyong mga pagtatalo.

2. Pag-eexpect na dapat ay nababasa ng partner mo ang naiisip mo.

Isa sa madalas rin na pinag-uugatan ng pag-aaway ng mag asawa ay ang pag-iexpect na dapat ay alam na ng partner mo ang nasa isip mo.

Oo nga’t dapat nagpapakita ng pagmamalasakit ang partner mo sa inyong relasyon ngunit hindi para asahan mo na alam niya na ang kaniyang gagawin o kung ano ang ano ang laman ng isip mo ng hindi nagsasabi tungkol dito. Madalas ang away na ito ay nauuwi sa mas malalim na alitan na kung saan sisihin mo ang iyong partner habang siya ay walang kaalam-alam o ideya sa pinag-ugatan nito.

Ayon kay Dr. Keith Sanford, isang psychologist, ang sitwasyon na ito kapag napabayaan ay nakakapagdulot ng anxiety o pakiramdam na hindi pinapahalagan ng partner mo ang feelings mo dahilan upang ikaw ay masaktan at mag-isip na maaring nagbago na ang pagmamahal niya sa iyo.

paano maiiwasan ang away

Image from Freepik

Para maiwasan ang problemang maaring idulot ng away na ito ay dapat maging open sa iyong partner tungkol sa iyong nararamdaman. At ipaintindi sa kaniya kung ano ang nagiging epekto nito sayo upang ito ay kaniyang mabago at maiwasan ng maulit pa.

3. Pagpilit na gawin din ng partner mo ang mga hilig mo.

Ayon parin kay Vanessa Marin, ang dalawang tao na may parehong kinahihiligan ay madalas na nagkakasundo at nagkakatuluyan. Ngunit, habang tumatagal at dumadaan ang panahon ang magkarelasyon daw na laging magkasamang gumagawa ng magkaparehong bagay ay may negatibong epekto rin sa kanilang pagsasama.

Isa nga rito ay ang pagkaramdam ng pagkabagot o boredom sa relasyon.

Ganun din ang pagpilit mo sa iyong partner na magustuhan ang mga hilig mo. Oo nga’t masakit isipin na hindi siya interesado sa mga bagay na kinahihiligan mo ngunit ito ay hindi dahilan para isipin mo na wala at ayaw niyang maglaan ng quality time para sa inyo. Dahil madalas ang pag-oo sa isang bagay na hindi mo gusto ay maaring magbigay ng feeling of guilt, resentment, at anger na hindi healthy para sa isang relasyon.

Paano maiiwasan ang away na ito, maaring magpasama o mag-aya ng iyong kaibigan na may parehong hilig sayo. Kung wala naman ay i-enjoy mo mag-isa ang mga activities na ito.

Ayon kay, Dr.Liz Powell, isang psychologist at sex educator, ang paggawa o pagmamaintain ng mga sarili mong interest ay isang paraan para hindi ka mawala sa inyong pagsasama. Dahil ito sa tendency na dulot ng isang relasyon na kung saan nagiging dependent ka dito at nawawala na ang iyong pagpapahalaga sa sarili na hindi healthy sa iyo at sa pagsasama ninyo. Nagiging dahilan din ito upang pilitin ang iyong kapartner na gawin ang gusto mo dahil hindi ka kumpleto o tila wala ka kapag wala siya.

4. Mabilis na pag-init ng ulo.

Ayon kay Sandi Kaufman, isang relationship at intimacy therapist, ang mabilis na pag-init ng ulo ay isa sa madalas na dahilan ng pag-aaway ng mag asawaa. Ito ay dahil sa kapag mainit ang ating ulo ay hindi na tayo nakakapag-isip ng maayos na minsan pati ang ating sinasabi ay wala na palang basehan at nakakasakit na sa ating asawa. Dahil dito ay mas umiinit ang pagtatalo na kung saan nagkakaroon na ng sagutan at batuhan ng mga salita upang maipaliwanag o depensahan ang sarili.

Ayon kay Kaufman, upang maipaliwanag ng maayos ang iyong nararamdaman ay hatiin ang iyong statement sa tatlong parte. Una ay kung ano ang iyong nararamdaman, pangalawa ay kung ano ang iyong kailangan at pangatlo ay kung ano ang iyong request. Tulad nalang kapag hindi siya agad nag-reply sa text mo maari mong sabihin na:

“Nasasaktan ako kapag sinusubukan kong makipag-communicate sayo tapos hindi ka sasagot. Parang pakiramdam ko ini-ignore mo ko. Pwede bang paki-check ang cellphone mo palagi?”

Ayon naman kay Dr. Liz Powell, taliwas sa paniniwala na hindi dapat natutulog ang mag-asawa ng magkaaway, dapat daw ay pahupain muna ng mag-asawa ang kanilang init ng ulo bago magsimula ng isang conversation. Maari mo parin naman daw sabihin sa iyong partner na mahal mo siya bago matulog kahit ikaw ay galit sa kaniya.

paano maiiwasan ang away

Image from Freepik

5. Pag-iwas na mapag-usapan ang problema.

Ayon parin kay Kaufman, isa rin sa nagiging dahilan ng pag-aaway ng mag asawa ay ang pag-iwas na mapag-usapan ang problema o sabihin ang tunay na nararamdaman sa bawat isa.

Ito ay kapag tinatanong kung ano ang problema ang laging sagot ay wala lang o hindi kaya naman ay idadaanan ito sa isang sarcastic joke kahit galit na pala. Nagiging dahilan ito upang mapaisip ang iyong partner kung ano ang tunay mong nararamdaman at mangapa kung ano ba ang dapat niyang gawin.

Kapag tumagal na hindi napag-usapan ang mga maliliit na away na ito ay maiipon at lalaki bilang isang problema na maaring maging banta na sa inyong pagsasama.

Paano maiiwasan ang away? Hayaan munang lumipas ang oras o magtime-out muna para makapag-isip. At kapag pakiramdam mo ay ayos at malamig na ang ulo ng iyong partner ay saka mo siya kausapin ng maayos kung ano ba ang gusto niyang sabihin at ano ba ang dapat mong baguhin o gawin. Dahil kung hihintayin mo siyang magsalita ay tatagal at lilipas ang problema na mauulit at masusumbat lang sa mga susunod ninyong pagtatalo na mas magpapalala lang sa sitwason.

Ang pag-aaway ng mag asawa ay normal lang. Isa nga daw ito sa paraan para mas mapatibay ang isang relasyon. Isa rin ito sa palantadaan na healthy ang relasyon ninyong mag-asawa. Ngunit, hanggat maari ay masayang magkaroon ng loving at caring environment sa tuwing kasama mo ang iyong asawa at umiwas sa mga away na maaring makasakit sa damdamin ng isa’t-isa.

 

Sources: Refinery 29, Psychcentral

Basahin: 5 bagay na dapat iwasang sabihin para hindi lumala ang away mag-asawa

3 bagay na dapat tandaan para hindi lumala ang argumento ng mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!