Ang pagtatalo ng mag-asawa ay nakakapagod para sa parehong panig. Minsan, maaaring maisip na paulit-ulit lang ang pinag-aawayan kahit hindi naman talaga. Nagmumukha lamang itong paulit-ulit dahil sa paraan ng pakikipag-away ng dalawa. Alamin natin ang sinasabi ng mga eksperto kung paano hindi mapapalala ang pagtatalo ng mag-asawa.
Paraan ng pakikipagtalo
Ayon sa licensed clinical social worker na si Susan Pease Gadoua, paulit-ulit lamang ang paraan ng pakikipagtalo ng mga mag-asawa. Nagbabago ang dahilan ng pagtatalo ngunit madalas ay bumabalik ang isa’t isa sa dating paraan ng pagharap sa pagtatalo.
Karamihan ng mga paraan ng pakikipagtalo ng isang tao ay natututunan sa edad na 5 hanggang 7 taong gulang. Kasama sa mga ito ang pagsigaw, name calling, at pananakit. Kadalasan man ay natatanggal ang pananakit sa mga paraan ng pakikipagtalo, madalas paring nananatili ang ibang nakasanayan.
Isa sa mga nagdudulot ng matinding pag-aaway ay ang mga pinipiling salita na gagamitin kapag may hindi napagkasunduan. Sa kabutihang palad, natutunan ni Gadoua sa kanyang karanasan na maaaring gumamit ng flashcards. Ilalagay ang mga flashcards na ito ng mga tamang salita bilang paalala sa mga mag-asawa na ito ang gamitin imbes na ang mga nakasanayang salita. Ilagay ang mga ito sa bahay, sa sasakyan, o kung saan man na maaaring pagsimulan ng pagtatalo ng mag-asawa.
Nahahati ang mga flashcards sa ilang kategorya ngunit 3 dito ang kanyang nakikita na pinakamabisang gamitin. Alamin ang 3 uri ng flashcards na maaaring gamitin sa simula ng pagtatalo.
Heart cards
Ang layunin ng mga heart cards ay patibayin o ipaalala ang pagkagiliw ng mag-asawa sa isa’t isa. Ito ay naidevelop nila Sam Jinich, Ph.D., at Michelle Gannon, Ph.D. na mga facilitators ng Hold Me Tight Workshop sa San Francisco.
Makikita sa mga flashcards na ito ang mga salita na magpapa-alala kung gaano kamahal ang isa’t isa. Halimbawa sa mga ito ay “Kahit galit ako sa iyo, nagaalala parin ako”. Naka-disenyo ito upang maibalik ang intimacy at pagaalala sa asawa. Samantalang ang mga cards na may “Ayos lang tayo, kailangan lang natin ng oras para sa sarili” ay nagsisilbing paalala. Maaari ring gumamit ng simpleng “Mahal kita” upang mapaalala sa mag-asawa na nais nilang maintindihan ang isa’t isa at maayos ang problema.
Psychobabble cards
Ang mga psychobabble cards ay ginagamit upang mas maintindihan ng asawa ang sinasabi ng isa. Nagbibigay ito ng ibang paraan ng pananalita na hindi magdudulot ng pagka-inis ng asawa na nagiging dahilan ng pagsara ng isip nito. Sa pamamagitan ng paggamit ng ibang salita na walang bahid ng pag-atake, mas naipapahiwatig ng mga mag-asawa ang kanilang saloobin.
Iminumungkahi ng mga cards na ito na gamitin ang mga salitang “Maaari ka bang gumamit ng ibang mga salita?”. Ito ay imbes na sabihing “Bakit lagi kang nagsasabi ng mga bagay na makakasakit sa akin?”. Nagmumungkahi din ang mga cards na ito na sabihin ang “Maaari ba tayong tumigil at magsimulang muli?” kapag hindi naging maganda ang simula ng pag-uusap.
Can we talk cards
Ang mga can we talk cards ay mga maaaring gamitin upang magsimula ng pag-uusap sa mga mag-asawa. Ginagamit nito ang magandang komyunikasyon upang hindi magdulot ng pag-aaway. Kinokonekta ng mga cards na ito ang saloobin ng mga mag-asawa higit pa sa personal na koneksiyon lamang. Maaari rin gamitin ang mga ito upang madaling mapababa ang init ng sitwasyon at hindi na lumala.
Sa mga can we talk cards, makikita ang mga tanong na “Ano tungkol sa akin ang nagpapangiti sa iyo?”. Kabilang din sa mga cards na ito ang mga may tanong na “Paano ka nag-grow sa nakaraang taon na ito?”.
Kailangan ay mabago ang paraan ng pakikipagtalo upang mapabuti at hindi lumala ang mga argumento ng mga mag-asawa. Maaaring maging mahirap ito ngunit, malaking bagay ang dulot na pagbabago ng pagpili ng mga tamang salita.
Basahin din: Ito ang isang ginagawa ng mga masasayang mag-asawa
Source: Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!