Payo ni Pope Francis sa mga magulang: Huwag mag-away sa harap ng anak

Ayon kay Pope Francis, mahalaga raw na iwasan ng mga mag-asawa ang pag-aaway sa harap ng anak dahil hindi ito makabubuti sa kanila

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isinagawang pagbibinyag kamakailan ni Pope Francis, na ginanap sa Sistine Chapel, mayroon siyang payo na ibinigay sa mga magulang. Aniya, hindi raw dapat ipakita ng mga magulang ang kanilang pag-aaway sa harap ng anak.

Bakit ba ito nasabi ni Pope Francis, at ano nga ba ang magiging epekto ng pag-aaway sa harap ng anak?

Pag-aaway sa harap ng anak, bakit kailangang iwasan?

Normal lamang sa mga mag-asawa ay magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kakaiba pa nga raw kapag hindi nagkakaroon ng pag-aaway ang mga mag-asawa. Walang masama dito, ngunit mahalagang hindi ito ipakita ng mga magulang sa kanilang anak.

Yan ang naging mensahe ng ginawang homily ni Pope Francis sa ginanap na binyag sa Sistine Chapel. Aniya, iba raw ang dalamhating nararamdaman ng mga bata kapag nakikita nila o naririnig na nag-aaway ang kanilang mga magulang.

Kaya’t dapat raw itong tandaan ng mga mag-asawa. Kapag mayroon silang hindi pagkakaunawaan, hindi nila dapat idamay ang kanilang anak dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa maiksing misa, dagdag pa ni Pope Francis na hayaan daw ng mga inang umiyak ang kanilang mga anak sa simbahan. Mahalaga raw na komportable ang mga magulang at anak, at huwag takpan ang kanilang bibig o, pagsabihan kapag umiyak.

Ano ba ang dahilan kung bakit dapat itong iwasan?

Bukod sa sinabi ni Pope Francis, may basehan sa sikolohiya ang hindi pag-aaway sa harap ng anak.

Tama ang Pope nang sinabi niyang naapektuhan nito ang mga bata. Kahit na sa tingin ng mga magulang ay hindi naiintindihan ng mga anak ang kanilang pag-aaway, nararamdaman ito ng mga bata. Kapag paulit-ulit itong nangyayari, dadamdamin nila ito, at magiging sanhi ng mental health problems.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakaapekto ito sa mga bata dahil minsan iisipin nilang sila ang may kasalanan ng pag-aaway. Dahil dito, posible silang makaranas ng anxiety, depresyon, at lumayo ang loob sa kanilang mga magulang.

Kapag mayroon kayong di-pagkakaunawaan ng iyong asawa, mahalagang huwag itong gawin sa harap ng iyong anak. Hangga’t-maaari, umiwas din sa pagkakaroon ng mga sigawan o kaya pananakit ng isa’t-isa.

Maging kalmado, at huwag hayaang madala ng init ng ulo. Tandaan, lahat ng problema ay nagagawan ng paraan, at nareresolba sa mabuting usapan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: ABS-CBN News

READ: Mag-asawang palaging nag-aaway, bihira raw magkasakit at mas mahaba ang buhay

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara