theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
  • COVID-19
  • Becoming A Parent
    • Project Sidekicks
    • Trying to conceive
    • Pagbubuntis
    • Delivery
    • Losing a Baby
  • Edad at Yugto
    • Baby
    • Toddlers
    • Pre-schooler
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Balita
    • Relasyon at Sex
  • Kalusugan
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Edukasyon
    • Pre-school
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Contests & Promotions
    • Mga Artista
    • Fitness
    • Wellness
    • Pera
  • Press Room
  • Shopping

Ito ang epekto sa bata kapag nakikita niyang nag-aaway ang magulang

4 min read
•••
Ito ang epekto sa bata kapag nakikita niyang nag-aaway ang magulangIto ang epekto sa bata kapag nakikita niyang nag-aaway ang magulang

Nag-aaway sa harap ng inyong mga anak? Narito ang mga posibleng epekto nang pag-aaway ninyo sa harapan ng inyong mga anak

Kayo ba ng iyong asawa o partner ay nag-aaway sa harap ng inyong mga anak? Narito ang mga posibleng epekto nang pag-aaway ninyo sa harapan ng inyong mga anak.

May malaking epekto sa inyong mga anak kapag nakikita nila kayong nag-aaway. Normal lang pag-aaway o hindi pagkakaunawaan ng isang mag-asawa. Subalit kung maaari hindi dapat ito ipinapakita ang pag-aaway sa harap ng kanilang mga anak.

 

Epekto ng pag-aaway sa harapan ng mga bata

Ito ang epekto sa bata kapag nakikita niyang nag-aaway ang magulang

Image from Family photo created by freepik – www.freepik.com

Ibinahagi ni Dr. Marilyn Wedge na sa karanasan niya bilang psychologist na nakapokus sa pag-aaral ng may kinalaman sa mga bata. Bukod umano sa pang-aabuso ng mga magulang at neglect ay isa sa pinagmumulan ng children’s pyschilogical problems ay ang mga magulang na nag-aaway sa harap ng kanilang mga anak.

May isa umano siyang naging pasyente na 17-anyos na si Emma. Kinuwento umano sa kanya nito ang kanyang karanasan. Mahiyain at nagkakaroon ng mababang grades sa school si Emma. Kahit noon ay palagi itong nakakakuha ng matataas na grado sa eskuwelahan.

Na-diagnose ito na mayroong ADHD (Attention-Deficit / Hyperactivity Disorder) at kinalaunan ay itetest din kung mayroon siyang high functioning autism. Nang tinanong niya umano ito kung ano ang problema. Sinagot siya ni Emma na ang kanyang mga magulang ay nag-aaway ng walang tigil at pinag-uusapan nila ang divorce. Tinanong ni Dr. Wedge kung gaano na katagal ang ganitong tagpo at sinagot siya ni Emma ng, “My whole life.”

Wala umanong ginawa ang bata kundi magkulong lamang sa kanyang kuwarto Subalit nang sumailalim si Emma ang kanyang mga magulang sa counselling unti-unting tumataas ulit ang grades ni Emma sa kanyang paaralan.

Kaugnayan ng pag-aaway ng mga magulang sa harapan ng mga anak sap ag-recognize at pagproseso ng emosyon

Ito ang epekto sa bata kapag nakikita niyang nag-aaway ang magulang

Image from Family photo created by freepik – www.freepik.com

Sa mga nauunang pag-aaral nabanggit ng mga mananaliksik na ang severe early adversity katulad ng maltreatment at neglect. Nauugnay ito sa pagbabago kung paano mag-deal ay isang bata sa kanyang emosyon.

Natuklasan sa isang pag-aaral noong March 13, 2018 na inilathala sa The Journal of Social Personal relationships, ““to build on such findings by testing whether children’s exposure to inter-parental conflict, a much less severe form of adversity, is also associated with children’s emotion recognition.”

Ang pag-aaral ng 99 na bata na nasa edad 9-11 ay mayroong hiya sa kanilang personality. Natuklasan din ng mga mananaliksik na ang mga bagay na hindi kasing tindi ng maltreatment at neglect ay nagkakaroon ng malaking epekto sa isang bata. Katulad na lamang ng pagkakaroon ng hirap sa pagproseso ng emosyon, partikular sa mga batang mahiyain.

Wika ng pangunahing mananaliksik na si Alice Schermerhorn, isang assistant professor sa University of Vermont’s Deparment of Psychological Sciences. Ipinaliwanag niya na,

“Compared with abuse and neglect, inter-parental conflict is a less severe, less traumatic experience, but it is also more prevalent, and therefore has implications for a larger portion of the population.”

Rekomendasyon ng eksperto

Ito ang epekto sa bata kapag nakikita niyang nag-aaway ang magulang

Image from Office photo created by freepik – www.freepik.com

Huwag na huwag umanong ipakita ang pag-aaway sa mga bata. Nagkakaroon ito ng malaking epekto sa kanilang personalidad. Lalo na kung nasa taong 9-11 pa lamang.

Normal lamang umano ang pag-aaway ng isang mag-asawa, parte ito ng isang pagsasama. Kapag may hindi kayo pagkakaunawaan ng iyong asawa mabuting pag-usapan niyo ito ng maayos.

“Stop fighting for a month in front of your child. Have your arguments outside the house: go out to dinner, take a walk in the neighborhood, seek marriage counseling if the marital difficulties are severe.” Wika ni Schermerhorn.

 

Pamamaraan upang maiwasan ang pag-aaway sa harapan ng mga anak

  • Kapag nakaramdam na ng galit ng ulo sa inyong asawa habang nasa harapan ng iyong mga anak. Umalis muna saglit at umiwas sa mga anak.
  • Ayain ang inyong asawa sa isang kuwarto kung saan hindi kayo maririnig ng inyong mga anak.
  • Iwasan ang pagsisigawan.
  • Mag-set kayo ng rules ng inyong asawa kung hahantong kayo sa ganitong sitwasyon
  • Kapag tingin niyo’y nasa bingit na talaga ang inyong relasyon huwag mahiyang humingi ng tulong sa isang marriage counsellor

Kaya mga mommy, daddy, mama, papa, nanay, at tatay. Huwag ipakita pag-aaway sa harap ng mga anak. May long-term effect ito sa kanila. Maaaring makaapekto rin ito sa pag-develop ng kanilang personality.

Kung magtatalo siguraduhing wala ang mga bata at hindi kayo naririnig. Pag-usapang mabuting ang problema.

 

SOURCE:

psychologytoday

BASAHIN:

Payo ni Pope Francis sa mga magulang: Huwag mag-away sa harap ng anak

35 deep questions na dapat itanong sa iyong partner para maging mas malapit sa isa’t isa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • Ito ang epekto sa bata kapag nakikita niyang nag-aaway ang magulang
Share:
•••
  • 6 dahilan kung bakit minsan ay okay lang mag-away sa harap ng anak

    6 dahilan kung bakit minsan ay okay lang mag-away sa harap ng anak

  • Magulang, tumangay ng lost and found bag sa harap ng anak nila

    Magulang, tumangay ng lost and found bag sa harap ng anak nila

  • 11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

    11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

  • Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

    Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

app info
get app banner
  • 6 dahilan kung bakit minsan ay okay lang mag-away sa harap ng anak

    6 dahilan kung bakit minsan ay okay lang mag-away sa harap ng anak

  • Magulang, tumangay ng lost and found bag sa harap ng anak nila

    Magulang, tumangay ng lost and found bag sa harap ng anak nila

  • 11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

    11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

  • Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

    Babae nagkaroon ng tumor sa atay matapos ang 12 years na paggamit ng contraceptive pills

  • Pagbubuntis
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Advice for Parenting Kids
    • Relasyon at Sex
  • Lifestyle
    • Local celebs
    • Mga Artista
    • Pera
    • Balita
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Kalusugan
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore
  • Thailand
  • Indonesia
  • Philippines
  • Malaysia
  • Sri Lanka
  • India
  • Vietnam
  • Australia
  • Japan
  • Nigeria
  • Kenya
Mga Partner ng Brand
Mama's Choice Partner Brand Logo
© Copyright theAsianparent 2021. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use
Articles
  • Community
  • COVID-19
  • Becoming A Parent
  • Edad at Yugto
  • Pagiging Magulang
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • Press Room
  • Shopping
Tools
  • ?Mom Community
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
  • Recipes
  • Food
  • Poll
  • VIP Parents
  • Contests
  • Photobooth

I-download ang aming app

  • Advertise With Us
  • About Us
  • Team
  • Guidelines ng Community
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Maging Contributor
  • Tools
  • Articles
  • ?Feed
  • Poll
Buksan sa app