Madalas na worry nating mga magulang habang lumalaki si baby ay kung paano siya lalaruin at kung anong puwedeng gawin para hindi siya ma-bore. Kapag natuto na kasi siyang tumayo at gumabay, simula na rin ng hilig niya sa pag-explore. Karamihan sa atin ay pinipiling bumili ng mga walker para matutong maglakad at maaliw si baby. Ngunit ayon sa mga pediatrician, dapat ipatigil ang pag gamit ng baby walker!
Pag gamit ng baby walker
Taon-taon, libo-libong mga baby ang dinadala sa emergency room ng mga ospital. Ang kalimitang dahilan: aksidente dahil sa pag gamit ng baby walker! Sa katunayan, noong nakaraang taon, mayroong isang sanggol na muntik nang mamatay dahil dito.
Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa medical journal na Pediatrics, mahigit sa 200,000 na bata na nasa 2 taon pababa ang na-o-ospital sa Amerika dahil sa pagkabagok, pagkabali ng buto, at iba pang injuries dahil sa pag gamit ng baby walker mula 1990 hanggang 2014.
Lubos na nababahala ang mga pedia dahil ang mga injuries na ito ay puwede naman sanang maiwasan. Kaya naman nagpapatawag sila ng ban sa mga walker.
Pahayag ni Dr. Benjamin Hoffman, chairman ng American Academy of Pediatrics Committee on Injury, Violence and Poison Prevention, “Labis na mapanganib ang mga walker at walang benepisyo ito sa mga bata. Hindi dapat ito pinapayagang ibenta sa Amerika.”
Anong nagagawa ng mga walker?
Dinisenyo ang mga walker upang tulungan ang mga baby na hindi pa marunong maglakad na makagalaw at makapunta sa gusto nilang puntahan. Mayroon itong mga nakakabit na laruan, ilaw, at kung anu-ano pa.
Nagsisimula ang problema sa mga walker dahil hindi nako-kontrol ang mga gulong nito. Naitutulak ito ng paa ng mga bata sa iba’t ibang direksyon—kalimitan bumabangga ang mga ito sa mga pader o sa mga matutulis na edge ng mga furniture. May iba pa na hindi nako-kontrol ang bilis at nahuhulog na lang sa hagdanan.
Noong 2010, nanawagan ang U.S. Consumer Product Safety Commission sa mga kumpanya na magdagdag ng safety features sa mga ito katulad ng mga brakes. Ngunit kahit may karagdagang safety measures, maraming mga baby pa rin ang naaaksidente dito.
Ayon kay Dr. Gary Smith ng Pediatrics, sang-ayon siya sa panukalang i-ban na ang pagbenta ng mga walker dahil may 2,000 mga bata ang naaksidente kada taon dahil sa mga walker.
“Sinusuportahan namin ang American Academy of Pediatrics sa panawagan na itigil na ang pagbenta nito—bago man o gamit na. Walang rason upang maging available pa ito sa market.”
Hindi maganda ang walker sa development ng baby
May mga magulang na naniniwala na nakakatulong ang pag gamit ng baby walker upang makapag-lakad ang baby. Ngunit may panganib sa pagpipilit na maglakad ang bata nang mas maaga kung hindi pa ito handa. Kabilang na dito ang pagiging sakang ng baby.
Paliwanag ni Dr. David Gellar na mas nade-delay ng isang buwan sa paglalakad ang baby na gumagamit ng walker kaysa sa mga natututo lang nang mag-isa. Natututo raw kasi ang bata na maglakad sa pamamagitan pag gamit nito ng kaniyang muscles, pag-balance, at coordination. Kusa din silang natututo na malaman kung paano nagwo-work ang mga paa nila.
Kapag gumagamit daw ng walker, hindi nakikita ng baby ang kaniyang mga paa kaya nahahadlangan ang pag-intindi nito kung paano gumagana ang mga paa niya. Bukod pa ito sa mga aksidente dahil sa pag gamit ng baby walker.
Paano turuan ang bata na maglakad nang walang walker?
Narito ang ilang tips upang matuto ang baby na maglakad kapag handa na siya:
- Hayaan na umupo siya nang mag-isa nang hindi tinutulungan. Siguraduhing abot ng paa niya ang sahig upan ma-push niya ang sarili niya patayo. Kapag na-master na niyang umupo mag-isa, susubok na siyang tumayo galing sa posisyong ito.
- Maglagay ng mga bagay na makaka-interes sa kaniya sa paligid niya upang ma-encourage ang pag gamit niya ng neck at back muscles niya—muscles na kailangan din kapag naglalakad.
- Imbis na baby walker, may mga push o pull toys na puwedeng bilihin para sa kaniya. Ine-encourage nito na tumayo ang bata para tumayo.
- Hayaan siyang maglakad nang naka-paa. Mas nakakatulong ito sa kaniyang pag-balanse.
- Kapag nagsimula na siyang maglakad, siguraduhing nasa likod ka at hawak ang kaniyang mga braso para matulungan siyang mag-balanse.
References: NPR, Pediatrics
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Lim Venturanza
https://sg.theasianparent.com/right-time-for-baby-walker