Sunod-sunod ang mga naging balita tungkol sa iba’t-ibang mga “suicide challenge” sa internet na tinatarget ang mga bata. At isa na rito ang “Momo Suicide Challenge” na ikinakalat sa iba’t-ibang mga apps sa mga smartphone. Kaya’t mahalaga ang pag-iingat sa apps, lalo na kung ito ay ginagamit ng iyong mga anak.
Ngunit ayon sa DICT, o Department of Information and Communications Technology, wala raw magagawa ang gobyerno upang ipagbawal, o i-regulate ang ganitong mga apps.
DICT, walang magagawa sa pagkalat ng “Momo Suicide Challenge”
Mula sa statement ng DICT, wala raw silang kakayahan upang ma-regulate ang laman ng mga apps, kabilang na ang mga ginagamit sa Momo Suicide Challenge.
Ang Momo Suicide Challenge na ito ay sinisisi ng ilan sa pagkamatay ng isang 11-taong gulang na bata. Ayon sa mga ulat, na-udyok raw ang bata na mag-overdose sa gamot matapos makakita ng mensahe tungkol sa Momo Challenge mula sa isang messaging app.
Sinabi ng DICT na wala raw silang kakayahan mag-regulate dahil nasa ibang bansa ang mga gumagawa ng apps na ito. Ngunit sinusubukan rin daw ng DICT na magsagawa ng mga seminars kung paano mababantayan ng mga magulang ang ginagawa ng kanilang mga anak sa internet.
Ayon naman kay Aangat Tayo Party-list Rep. Neil Abayon, kailangan daw i-update ang batas sa cybercrime law at sa bullying.
Aniya, “When these laws were made suicide games and bullying on social media were not yet threats, but now they are. I believe government is virtually powerless against these cyberspace threats because of these gaps in our laws.”
“Right now, the best we can do is appeal to Facebook and Google to take down all of these offensive websites and activities that violate their own community standards because they promote self-harm and suicide, as well as enable criminals to commit cybercrime and harassment.
“We want to do this the right way, so among the people we will invite are game developers, child and youth welfare advocates, the education agencies, the Securities and Exchange Commission, and the officials of Facebook and Google,” dagdag niya.
Pag-iingat sa apps, paano nga ba magagawa?
Heto ang ilang mga importanteng tips tungkol sa pag-iingat sa apps, na galing mismo sa mga readers at mommies sa theAsianparent Philippines.
Ayon kay Mary Grace Imbag, heto ang mga steps upang mapigilan ang pagkalat ng mga apps na ito:
- Pumunta sa Google Play Store, i-type ang Momo sa search, at mayroong makikitang 5-6 apps na konektado sa Momo challenge.
- I-click ang mga apps na ito, at pumunta sa 3-bar na line sa gilid ng iyong screen. Dito puwedeng i-report ang mga apps upang masuri at tanggaling ng Google.
- Puwede rin itong gawin sa Blue Whale Challenge na apps.
Dagdag pa niya, puwedeng buksan ng mga magulang ang parental restrictions sa YouTube at Google Play. Heto naman ang mga steps para dito:
- Pumunta sa settings ng app, at i-on ang “Restricted Mode”
- Buksan sa settings ang “Parental Control” sa Google Chrome upang ma-restrict ang mga apps na puwede i-download online.
Ayon naman kay Jing Simbre, puwedeng i-download ng mga magulang ang Google Family Link app upang malimitahan ang mga apps na puwedeng ma-download sa Google Play.
Source: ABS-CBN News
Basahin: 7-anyos, naimpluwensiyahang mag-suicide dahil sa Youtube at Roblox
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!