Mahilig ka ba sa alak? Time na yata ito para bawasan dahil ayon sa mga eksperto ito raw ay nakapagpapaliit ng volume ng utak. Kahit isang pint ng beer o kaya baso ng wine sa isang araw ay maaaring magdulot daw ng masamang epekto sa utak ng tao. Mas lumalala pa ito kung mas marami ang iyong naiinom.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- STUDY: Pag-inom ng alak nakapagpapaliit ng utak
- 5 tips para mabawasan ang pag-inom ng alak
STUDY: Pag-inom ng alak nakapagpapaliit ng utak
Ayon sa mga naunang pag-aaral, ang heavy alcohol umano ay maaaring may dulot sa brain atrophy, neuronal loss, at poorer white matter fiber integrity ng utak.
Sa pag-aaral na inilathala sa journal sa website ng Nature, ang mga tao raw na umiinom ng sobrang alak ay may 2 taong mas matanda ang edad ng utak kaysa sa hindi.
Kinumpara ng pag-aaral ang pag-inom ng 36,678 participants na karamihan ay middle-aged at older adults mula sa UK Biobank. Ang mga tao raw na umiinom ng pint ng beer o 6 na baso ng wine kada raw kaysa sa taong isang pint ng beer lamang ang iniinom. Dito nila napag-alamang may epekto nga ang alak sa volume at edad ng utak.
“It’s not linear. It gets worse the more you drink.”
Nakita nilang ang utak ng taong may edad 50 na nagsabing umiinom sila ng 3 alcohol units kada araw ay may reductions ng white at gray matter na tila raw dumagdag ng 3.5 taong sa edad ng kanilang utak.
Sabi rin ng mga eksperto ang pag-inom ng 4 na alcohol units sa isang araw ay nakadadagdag ng 10 taon sa edad ng utak na isang tao.
“A problem in this study is that they only have information on people’s drinking habits for the one year prior to the (brain) imaging,”
5 tips para mabawasan ang pag-inom ng alak
1. Uminom lagi ng tubig, maging hydrated lagi.
Kung minsan, ang pagkauhaw ay pinapawi na ng beer o ng iba pang alcoholic drink para sa mga sanay nang uminom. Bago maisipan uling uminom ng alak, uminom muna ng maraming tubig. Sa ganitong paraan nababawasan ang pagkauhaw at magiging kaunti na lang ang consumption mo ng alak.
2. Gumawa ka ng plano
Bago magsimulang uminom, gumawa ng plano kung ilan lang ba ang dapat mainom mo sa araw na iyon. Dapat ay partikular kung ilang pint o bilang ng baso lamang ang iyong icoconsume. Maganda ito para kung sakaling mareach mo na ang limit ay maiisipan mo nang tumigil.
3. Mag-set ka ng budget
Hindi mo napapansin malaking gastusin din ang bisyo ng alak. Kung mapupunta sa mga kaganapang hindi maiiwasang bumili ng alak, mainam na magset ka ng tamang budget lamang para dito.
Katulad ng pagpaplano kung ilang baso lamang ang iniinom ganoon din sa budget. Kapag nareach na ang limit ay dapat disiplinahina ng sariling itigil na ito.
4. Ipaalam mo sa iyong pamilya
Dapat ang mga mahal mo sa buhay ang unang nakakaalam na ikaw ay magbabawas ng alak. Sa kanila kasi manggagaling ang suporta para tuluyan mong matigil na ito. Maaari kasing hindi ka na nila piliting uminom kung sakaling may okasyon dahil alam nilang tumitigil ka na.
5. Gumawa ng step-by-step progress
Pwede mo pa rin naman maenjoy ang pag-iinom, pero go for little consumption. Step by step kasi dapat ang pagtigil nito, araw-araw dapat ay magbawas ka ng intake para masanay kang kaunti na lang ang iniinom.
Maaaring subukan muna ang mga bottled beer kaysa sa pint o gumamit ng mas maliliit na baso. Pwede ring i-consider ang pag-inom ng mga alak na may mabababang alcohol strength, makikita mo ito sa bawat baso.
Mainam din na makakatulong sa ‘yo ang pagbibigay ng ilang araw sa isang linggo na wala talagang iniinom na alak. Kung makakasanayan, mapapansin mong mas dadami ang araw na kaya mo na nang walang iniinom na kahit anong alcholic drink.
Kada hakbang na ito ay maituturing na success para sa gusto mong pagbabago sa lifestyle mo.