Naniniwala kaba na “Not all heroes wear capes.”? Kadalasan kasi, nasa kwarto sila at nagpapadede ng baby. May iba rin namang nasa kusina at naghahanda ng makakain o kaya nagpapaligo sa mga chikiting!
In other words, hero ang ating mga nanay! Ang pagiging ina ay hindi nagtatapos sa anim na buwan na pagdadala ng sanggol sa kanilang sinapupunan. Marami ang kanilang mararanasan isa na diyan ang mga pagbabago sa katawan matapos manganak.
Mababasa sa artikulong ito:
- 11 pagbabago sa katawan pagkatapos manganak
- Ano ang dahilan nito?
Pero moms, kung kasalukuyan mong nararanasan ang mga ito, ‘wag kang mag-alala dahil normal ito at wala ka dapat na ikabahala. Parte ito ng iyong pagpapagaling at ng journey bilang isang nanay.
BASAHIN:
Paano makakatulong ang belly binder pagkatapos manganak ni mommy?
11 home remedies kung paano magpaliit ng tiyan matapos manganak
REAL STORIES: “Walang ganang makipagtalik ang asawa ko pagkatapos niyang manganak.”
11 pagbabago sa katawan pagkatapos manganak
Isa-isahin natin ang mga pagbabago sa katawan matapos manganak at kung bakit ito nangyayari.
1. Paglalagas ng buhok
May ibang nanay na nagkakaroon ng magandang texture ng buhok habang nagbubuntis. Maaaring magugulat ka na lamang na ang malambot, makintab at sumusunod sa galaw mong buhok habang buntis ay bigla na lang malalagas pagkatapos manganak. Moms, ‘wag matakot. Normal lang ito.
Ang pagkalagas ng buhok ay dahil sa pagbagsak ng lebel ng estrogen. Kadalasan itong nangyayari pagkatapos manganak at tumatagal ng tatlo hanggang apat na buwan. Subalit bumabalik sa normal na estado sa loob ng anim hanggang labindalawang buwan.
2. Paglaki ng dibdib
Ang paglaki ng dibdib ng isang buntis at nagpapasusong ina ay normal lang. Ito ay dahil kusang gumagawa ang katawan ng gatas na kailangan ng iyong anak sa unang taon nito.
3. Lochia
Ang Lochia ay ang vaginal discharge na nararanasan pagkatapos manganak. Ang discharge na ito ay may pagkakatulad sa menstrual discharge na mayroong hindi kaaya-ayang amoy.
Mapapansin din dito ang blood clot na hindi naman kalakihan. Kadalasang lumalabas ang lochia sa umaga, kapag ikaw ay pisikal na aktibo o kaya naman nagpapasuso.
Pagkatapos ng tatlong araw ng panganganak, ang lochia ay kulay pula. Pagsapit ng apat na araw, ang vaginal discharge na ito ay kulay pink o brown na matubig.
Hanggang sa magsampung araw, ang lochia ay magiging tila kulay dilaw na. ‘Wag mag-alala dahil tuluyang mawawala ito pagsapit ng anim na buwan.
4. Hindi komportableng pag-ihi
Maaari ring makaranas ng discomfort habang umiihi. Karaniwan itong nangyayari sa mga bagong panganak na nanay. Ngunit ‘wag kakalimutang sabihin sa iyong doktor ang iyong kondisyon kung ang pag-ihi ay sinasamahan na ng pananakit at hirap ka nang maka-ihi.
5. Menstruation
Ang unang buwan ng iyong menstruation pagkatapos manganak ay maaaring maging irregular. Tandaan na kung ikaw ay nagpapapasuso, hindi ka pa tuluyang babalik ang iyong period hanggang dumedede pa si baby. Ngunit hindi ibig sabihin na ikaw ay hindi mabubuntis. May posibilidad pa rin na ikaw ay mabuntis sa mga buwan na ito.
6. Breast discharge
Isa rin bang problema mo ang tumatagas na gatas mula sa iyong dibdib? Moms, normal lang ito! Dahil sa mabilis at patuloy na paggawa ng gatas ng iyong katawan, hindi posibleng ito ay kusang lumabas mula sa iyong suso.
7. Pagbaba ng sex drive
Pansin mo ba ang pagkawala ng gana mong makipagtalik kay mister pagkatapos manganak? Moms, hindi ka nag-iisa. Maraming nanay ang nakakaranas din nito.
Paliwanag ni Hope Ricciotti, MD., isang associate professor ng obstetrics and gynecology sa Harvard Medical School, “You are so focused on your child and your family that you have little to no time for yourself, and that includes sex.”
Kaya naman maraming nanay ang nakakaranas ng pagbaba ng kanilang sex drive pagkatapos manganak.
8. Paglaki ng tiyan
Normal nang maituturing ang paglaki ng tiyan pagkatapos manganak. Sa katunayan, tumatagal ng anim hanggang walong linggo bago tuluyang bumalik sa dati ang uterus ng babae.
Kung nais ibalik agad sa dati ang katawan, maaaring kumunsulta sa doktor kung ano ang mga ehersisyo na maaaring gawin dito.
9. Dry face
Isa pang pagbabago sa katawan matapos manganak ay ang pagkakaroon ng dry face ni mommy. Ito ay dahil sa pagbabago ng hormones nila na siyang dahilan ng pagiging dry ng mukha ng bagong panganak na babae. Kung napansin ang tuluyang pagbabago ng iyong mukha, ‘wag kakalimutang magpatingin sa dermatologist.
10. Discomfort sa perineal area
Kung ikaw ay sumailalim sa episiotomy, ang perineum mo ay maaaring maging sensitibo at makakaranas ng sakit. Makakatulong ang sitz bath upang maibsan ang nararanasan. Kumuha lang ng batya, lagyan ito ng maligamgam na tubig at maaari nang upuan ang tubig dito.
11. Hirap sa pagdumi
Sa pagkakataong ito, maaaring mahirapan ka pa ring makadumi. Lalo na kung ikaw ay sumailalaim sa c-section at natatakot kang dumumi dahil sa pag-aalala na maaaring bumuka ang iyong tahi.
Uminom ng madaming tubig upang lumambot ang dumi at madaling mailabas ito.
Source: