Pagbabago sa katawan ng buntis, pinatuyan ng babaeng ito na totoo. Dahil ng siya ay nabuntis, tumatanda at napuno ng wrinkles ang kaniyang mukha.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang naging pagbabago sa itsura ng isang babae ng ito ay magbuntis.
- Paano ang tamang pag-aalaga sa balat ng babaeng buntis.
Pagbabago sa katawan ng buntis, pinatuyan ng babaeng ito na totoo!
Marami sa atin ang makakapagpatunay nang malaking pagbabago na nagaganap sa katawan ng mga babae sa tuwing nagbubuntis.
Ang pinaka kapansin-pansin nga sa lahat ay ang balat ng babaeng nagdadalang-tao na nakakaapekto sa kabuuan niyang itsura. Ito ang kinatatakutan ng marami at nagiging dahilan para mag-alinlangan silang magdalang-tao.
Kabilang na nga dito ang paglobo o pagtaba ng katawan na isang challenge para sa maraming babae na alisin matapos manganak.
Bagama’t nakaka-bahala ang mga pagbabago na ito sa katawan ng buntis, ang mga ito ay temporary lang naman. Ito ay nawawala at nagbabalik sa dati matapos makapanganak ang babaeng buntis.
Pero kung matapos manganak ay hindi pa rin nagbabalik sa dati ang itsura ng isang babae ay maaari siyang humingi ng advice sa kaniyang doktor. Lalo na kung ang kaniyang itsura ay nakakaapekto na rin sa kaniyang emosyon o pag-iisip.
Babae tumanda at napuno ng wrinkles ang mukha
Ang pagbabago na ito sa katawan ng isang babae ay kitang-kita sa isang babaeng nagngangalang Nor Sahira. Dahil si Nor, nag-mukhang matanda at napuno ng wrinkles ng nabuntis siya.
“Ang laki ng pinagbago sa mukha ko nang mabuntis ako sa pangatlo kong anak. Lalo na sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ko. Noong mga panahong iyon, ay namaga, nangitim at napuno ng wrinkles ang mukha ko. Ito ay kaiba at mas nakakagulat kumpara sa mga nakaraan kong pagbubuntis. Kaya naman ang pagbubuntis ko noon ay nakaka-stress dahil nahihiya akong humarap sa iba. Ngumingiti lang ako pero deep inside sobrang affected ako sa itsura ko. Pero matapos naman ako makapanganak, bumalik naman sa dati ang itsura ko. Ang pamamanas sa mukha ko ay umimpis, ang dating malaki kong ilong ay bumalik na sa dati at ang nangingitim kong balat ay pumuti na ulit. Wala akong ginamit na kahit anumang produkto. Ang itsura ko ay kusa lang bumalik.” Sa naging karanasan ko ay hindi makakaila na malaki talaga ang pagbabago sa katawan ng babae kapag nagbubuntis. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binalik niya sa dati ang itsura ko. Nagpapasalamat rin sa ako sa mister ko na pinupuri ako at pinararamdam na maganda parin ako sa kabila ng nangyari sa itsura ko. Kahit alam ko na ginagawa niya lang iyon para gumaan ang pakiramdam ko.”
BASAHIN:
Buntis Guide: This is what happens when your blood type is not compatible with your husband’s
Buntis Guide: 11 na dapat gawin para masigurong healthy ang pagbubuntis
Extra info: Masama ba ang pagbabago sa facial skin ng babae habang buntis?
Kahit na normal ang pagbabago sa balat ng babae kapag buntis at hindi naman nagdudulot ng seryosong problema sa kalusugan, mahalaga na dapat pa ring ipaalam ito sa iyong doktor.
Lalo na kung ang balat ay nagpaltos, makati o nag-rashes na nawawala matapos ang ilang araw. Ganoon din kapag ang dating nunal sa balat ng buntis ay lumalaki o ang kulay nito ay nag-iiba at sinasabayan ng pananakit. Pati na kung ito ay sasabayan ng pamamaga o pamamasa na dapat maipaalam agad sa doktor.
Dahil ang balat ng babae ay mas sensitive sa tuwing nagdadalang-tao. Ito ay hindi lang dahil sa pagbabago sa hormones sa kaniyang katawan kung hindi dahil ito ay normal na nababanat at lumalambot.
Isa sa mga posibleng dahilan sa pagbabago sa kaniyang balat ay dahil sa ginagamit niyang sabon. Dahil kung matapang ang ginagamit na sabon ay maaaring mamaga at mag-sugat ang balat ng buntis. Ito ay maaari ring mangati lalo na kung matatamaan ng init at sinag ng araw.
Kaya naman kung nakakaranas ng pangangati o pagbabago sa balat ay mabuting tukuyin kung ito ba ay dahil sa sabon o pabangong iyong ginagamit.
Paano alagaan ang balat habang nagbubuntis?
- Mag-suot ng maluluwag na damit na gawa sa cotton at makakapagpanatili ng moisture sa katawan.
- Kung gustong maglublob sa bathtub ay haluan ito ng bath oil na makakatulong para ma-maintain ang elasticity ng balat. Pero ingatan na huwag madulas na lubhang delikado sa pagbubuntis.
- Higit sa lahat ay dapat ding protektahan ang balat laban sa labis na init ng araw. Gawin ito sa pamamagitan ng paggamit ng sunscreen product na nagtataglay ng SPF15 o higit pa.
Ang mga bagay na ito o pagbabago sa iyong katawan ay dapat ipinapaalam sa iyong doktor. Ugaliin rin dapat ang regular na pagpapacheck-up para masigurado ang kaligtasan mo at ng iyong dinadalang sanggol.
Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa the Asianparent Malaysia at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
Source: