Maraming pagbabago sa katawan ng buntis na kung minsan ay ipinag-aalala ng mga ina. Ngunit ilan sa mga pisikal na pagbabagong ito ay normal lamang na nangyayari sa mga nagdadalantao.
“During pregnancy, a woman’s body experiences very sudden and dramatic changes as a result of the increase in the hormones estrogen and progesterone,” sabi ni Dr. Dendy Engelman ng Manhattan Dermatology and Cosmetic Surgery.
“Most moms-to-be expect the signs of pregnancy they’ve heard before like bigger breasts and fatigue, but are totally in the dark when it comes to the other symptoms that can wreak havoc on—or work wonders for—their appearance,” sabi naman ni Dr. Joel Schlessinger, isang board-certified dermatologist sa U.S.
Narito ang paliwanag sa ilang pregnancy glow na nangyayari sa katawan ng mga buntis. Mababasa ang tungkol sa:
- Pagbabago sa katawan ng buntis
- Tumataba ba ang buntis?
- Senyales na healthy ang pagbubuntis
Talaan ng Nilalaman
Mga pagbabago sa katawan ng buntis
Ang pagbubuntis ay nagdudulot ng iba’t ibang pagbabago sa katawan. Ang mga ito ay maaaring mula sa karaniwan at inaasahang mga pagbabago, tulad ng pamamaga at pagpapanatili ng likido, hanggang sa mga hindi gaanong pamilyar tulad ng mga pagbabago sa paningin.
Hormonal Changes
Ang mga pagbabago sa hormonal at pisyolohikal na kaakibat ng pagbubuntis ay natatangi.
Ang mga buntis na kababaihan ay nakakaranas ng biglaan at kapansin-pansing pagtaas sa estrogen at progesterone. Nakakaranas din sila ng mga pagbabago sa dami at paggana ng ilang iba pang mga hormone. Ang mga pagbabagong ito ay hindi lamang nakakaapekto sa mood. Maaari rin silang:
- lumikha ng pregnancy glow
- makabuluhang nakakatulong sa pag-unlad ng fetus
- baguhin ang pisikal na epekto ng ehersisyo at pisikal na aktibidad sa katawan
Sensory Changes
Ang ilang mga kababaihan ay nakakaranas ng mga pagbabago sa paningin sa panahon ng pagbubuntis, na nailalarawan sa pamamagitan ng pagtaas ng nearsightedness.
Hindi alam ng mga mananaliksik ang tumpak na biological na mekanismo sa likod ng mga pagbabago sa paningin. Ngunit karamihan sa mga kababaihan ay bumalik sa prepregnancy vision pagkatapos manganak.
Kasama sa mga karaniwang pagbabago sa panahon ng pagbubuntis ang pagkalabo at kakulangan sa ginhawa sa mga contact lens. Ang mga buntis na kababaihan ay kadalasang nakakaranas ng pagtaas ng intraocular pressure.
Ang mga babaeng may preeclampsia o gestational diabetes ay maaaring nasa mataas na panganib ng mga bihirang problema sa mata, tulad ng retinal detachment o pagkawala ng paningin.
Bukod dito, karamihan sa mga kababaihan ay nakakaranas ng mga pagbabago sa kanilang panlasa sa panahon ng pagbubuntis. Karaniwang mas gusto nila ang mas maalat na pagkain at mas matamis na pagkain kaysa hindi buntis na kababaihan. Mayroon din silang mas mataas na threshold para sa malakas na maasim, maalat, at matamis na lasa.
Maaaring mag-iba ang ilang kagustuhan sa panlasa ayon sa trimester. Bagama’t maraming kababaihan ang nakakaranas ng dull na panlasa sa loob ng maikling panahon pagkatapos ng panganganak.
Kadalasan ay nababalik nila ang buong kakayahan sa panlasa pagkatapos ng pagbubuntis. Ang ilang mga kababaihan ay nakakaranas din ng metal na lasa sa bibig sa panahon ng pagbubuntis. Ito ay maaaring magpalala ng pagduduwal at maaaring magpahiwatig ng nutrient imbalance
Breast and cervical changes
Ang mga suso ng mga buntis ay madalas na sumasailalim sa isang serye ng mga makabuluhang pagbabago sa panahon ng pagbubuntis habang ang kanilang mga katawan ay naghahanda na magbigay ng gatas sa bagong silang na sanggol.
Ang mga hormone sa pagbubuntis na nakakaapekto sa pigmentation ng balat ay kadalasang nagpapadilim sa areola. Habang lumalaki ang mga suso, maaaring makaranas ng sensitivity. Mapapansin din na ang mga ugat ay mas maitim at ang mga utong ay mas portruded kaysa bago ang pagbubuntis.
Ang ilang mga kababaihan ay maaaring magkaroon ng mga stretch mark sa mga suso, lalo na kung sila ay dumaranas ng mabilis na paglaki. Maraming kababaihan ang mapapansin din ang pagtaas ng laki ng utong at areola.
Ang cervix ay sumasailalim sa mga pisikal na pagbabago sa panahon ng pagbubuntis at panganganak. Sa maraming kababaihan, ang tissue ng cervix ay kumakapal at nagiging glandular.
Hanggang sa ilang linggo bago manganak, ang cervix ay maaaring lumambot at bahagyang lumawak mula sa presyon ng lumalaking sanggol.
Mga pagbabago sa buhok, balat, at mga kuko
Maraming kababaihan ang makakaranas ng mga pagbabago sa pisikal na anyo ng kanilang balat sa panahon ng pagbubuntis.
Bagama’t ang karamihan ay pansamantala, ang ilan – tulad ng mga stretch mark – ay maaaring magresulta sa mga permanenteng pagbabago.
Bilang karagdagan, ang mga babaeng nakakaranas ng ilan sa mga pagbabago sa balat na ito sa panahon ng pagbubuntis ay mas malamang na maranasan muli ang mga ito sa hinaharap na pagbubuntis o kahit na habang umiinom ng mga hormonal contraceptive.
Circulatory system changes
Ang mga sumusunod ay karaniwan sa panahon ng pagbubuntis:
- Pagkapagod habang umaakyat ng hagdan
- nahihilo pagkatapos tumayo ng mabilis
- nakakaranas ng mga pagbabago sa presyon ng dugo
Dahil sa rapid expansion ng mga daluyan ng dugo at pagtaas ng stress sa puso at baga, ang mga buntis na kababaihan ay gumagawa ng mas maraming dugo at kailangang gumamit ng higit na pag-iingat sa ehersisyo kaysa sa mga hindi buntis na kababaihan.
Respiratory and metabolic changes
Ang mga buntis ay nakakaranas ng pagtaas sa dami ng oxygen na dinadala nila sa kanilang dugo. Ito ay dahil sa tumaas na pangangailangan para sa dugo at pagpapalawak ng mga daluyan ng dugo.
Pinipilit ng paglago na ito ang pagtaas ng metabolic rate sa panahon ng pagbubuntis, na nangangailangan ng mga kababaihan na pataasin ang paggamit ng enerhiya at mag-ingat sa mga panahon ng pisikal na pagsusumikap.
8 nangyayaring pagbabago sa katawan ng babae kapag buntis
1. Malago at makintab na buhok sa katawan
Isa ito sa mga unang mapapansin na pregnancy glow. “This is again thanks to your pregnancy hormones, which slow down the rate of hair loss, making your locks seem thicker and more voluminous,” sabi ni Dr. Engelman.
95% ng buhok ay tumutubo sa katawan ng isang babae sa yugtong ito ngunit malalagas din kalaunan pagkapanganak.
“Once your hormones return to normal, there’s a shedding process of everything your body worked so hard to build up during pregnancy—hair growth included,” paliwanag ni Dr. Engelman.
Kasabay rin ng pagkakaroon ng malago at makintab na buhok ay ang pagtubo rin nito sa mga parte ng katawan na hindi kadalasang tinutubuan gaya ng dibdib, tiyan, mukha, likuran at utong.
“It’s completely safe to wax, shave, or use electrolysis during pregnancy, so at least you have some options if the hairiness is getting to you,” dagdag niya.
2. Dark spots
Tinatawag din itong ‘pregnancy mask’ dahil sa nasasakop ng melasma ang halos buong mukha ng nagdadalantao.
“This condition appears when an increase in estrogen levels stimulate excess melanin production and affects as many as 75 percent of pregnant women,” sabi ni Dr. Schlessinger.
Dagdag niya, “It’s especially common in those with darker skin tones, or those of African and Asian descent.”
Wala namang dapat ipag-alala dahil kusa naman itong mawawala pagkapanganak.
3. Maitim na linya sa tiyan
Ang pregnancy belly line o linea nigra ay normal na lumalabas sa tiyan ng mga nagdadalantao at kadalasang mas umiitim habang lumalaki rin ang tiyan ng buntis. Gaya ng dark spots sa mukha, kusa rin itong nagfe-fade at nawawala.
“When melanin production increases during pregnancy, the skin in this area darkens, usually during the second trimester,” sabi ni Dr. Schlessinger.
Dagdag niya: “If it doesn’t fade completely, you can use a skin-lightening cream with hydroquinone once you’re no longer pregnant or breastfeeding.”
4. Spider veins
Napapansin niyo rin ba ang biglaang pagdami ng mga ugat sa inyong mga binti, tiyan at paa? Isa ang pagkakaroon ng spider veins sa nagaganap na pagbabago sa katawan ng buntis.
Lumalabas ang mga spider veins sa binti, braso, torso at maging sa mukha dahil sa pressure na nangyayari sa mga blood vessels sa ating katawan kapag nagdadalantao.
Payo ni Dr. Engelman, “If you’re standing for long periods of time, you may notice more spider veins crop up, so it’s best to set aside time to sit with your legs elevated,”
“While there isn’t a treatment for spider veins during pregnancy, you can use concealer to camouflage the imperfections or have your derm zap them with a laser post-pregnancy.” aniya.
5. Tigyawat
Sa kasamaang palad, ang pagragasa ng hormones sa buong katawan ng buntis ay nagdudulot din kung minsan ng labis na paglalabas ng sebum o oil sa balat. Nagbubunsod ito ng pagbabara ng mga pores ng ating balat, partikular ang mukha at nagiging tigyawat o acne.
“Some women experience acne as early as their first month of pregnancy and it can continue to be an issue even after delivery,” sabi ni Dr. Schlessinger.
Ipinapayo na magsagawa ng good skincare routine ang mga ina upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga tigyawat kapag buntis.
“Clean your skin twice a day and use products that are oil-free, noncomedogenic (doesn’t block pores) and non-acnegenic and clean your skin twice a day and use products that are oil-free, noncomedogenic (doesn’t block pores) and non-acnegenic,” aniya.
Maaari ring komunsulta muna sa doktor para sa mas maayos na rekomendasyon ukol dito.
“If acne is a major concern for you while expecting, ask your physician about pregnancy-safe treatment options.”
6. Rosacea
Nagmimistulang kamatis ba ang iyong mukha dahil sa pamumula at pamamaga nito? Normal na magkaroon ka ng rosacea kapag nagdadalantao. Gaya ng spider veins, ang rosacea ay lumalabas kapag namamaga ang maliliit na blood vessels sa ibabaw ng balat.
“The exact cause of rosacea is unknown, but it’s believed to be a result of a combination of hereditary and environmental factors,” sabi ni Dr. Engelman.
“Some people have the condition but don’t know it’s rosacea, or there was never a flare-up.” dagdag niya.
May ilan pang salik sa pagkakaroon ng rosacea gaya ng pagkain ng mga maiinit at maaanghang na pagkain, pag-inom ng alak, labis na pagkadarang sa mainit o malamig ng temperatura, stress, pag-eehersisyo, pagligo sa mainit na tubig o sauna.
Ipinapayo na komunsulta sa doktor upang malunasan ito.
7. Skin tags
May napansin ka bang mga kuntil o maliliit na bilog na nakalaylay sa iyong balat? Skin tags ang tawag dito. Nangyayari ito dahil sa labis na skin cell production ng ating hormones kapag nagdadalantao.
Walang dapat ikabahala dahil wala itong naidudulot na masama sa iyong kalusugan. Kinakailangan lamang na magpatulong sa isang dermatologist upang safe na ipatanggal ang mga ito.
“They’re harmless and after delivery your dermatologist can remove them easily,” sabi ni Dr. Engelman.
8. Stretch marks
Tumataba ba ang buntis at nagkakaroon ng stretch marks? Ito ang pinaka-karaniwan at pinakamadalas na nangyayaring pagbabago sa katawan ng buntis.
Sa paglaki ng katawan ng isang nagdadalantao, nababatak din ang kanyang balat hanggang sa punto na umabot na ito sa limit ng elasticity nito.
“These marks may appear red, brown, or purple in color, and are visible predominantly on the belly, breasts and thighs,” sabi ni Dr. Schlessinger.
Ang stretch marks ay nangyayari sa katawan ng halos 50 hanggang 70 porsiyento ng kabuuang populasyon ng mundo — buntis man o hindi at regardless sa edad o kasarian ng isang tao. Namamana rin kasi ang pagkakaroon nito.
Ipinapayo ang paglalagay ng moisturizers at lotions sa mga taong prone sa pagkakaroon ng stretch marks, partikular ang mga nagdadalantao.
Mga senyales na healthy ang pagbubuntis
Ang isang malusog na ina ay mas malamang na magkaroon ng isang malusog na sanggol at ang pag-aalaga ng iyong katawan ay isang magandang paraan upang maipanganak ang isang malusog na sanggol.
Kung ikaw ay buntis, kailangan mong makakuha ng mahusay na antenatal care upang mapanatili ang iyong kalusugan at ng iyong lumalaking sanggol.
Consistent na growth patterns
Ang mabuting paglaki at pag-unlad ay ang pinakatiyak na paraan upang masubaybayan na ang iyong fetus ay nagiging isang malusog na sanggol.
Ang pagkakaroon ng regular na antenatal care ay nakakatulong sa iyong doktro na iplano ang pag-unlad ng iyong sanggol at matiyak na ang mga milestone sa paglaki ay nakakamit.
Sa karaniwan, ang fetus ay maaaring asahan na lumaki sa bilis na humigit-kumulang dalawang pulgada bawat buwan. Sa pangkalahatan, ang average na sanggol ay tumitimbang ng humigit-kumulang 3kg sa oras ng kapanganakan, ngunit ang figure na ito ay nakadepende sa genetics ng sanggol.
Pagdagdag ng timbang
Kalakip ng paglaki ng fetus ay ang pagtaas ng timbang at paglaki ng tiyan ng ina. Sa bawat doctor’s appointment, kukunin ng iyong mga general practitioner ang iyong timbang at susukatin ang paglaki ng iyong tiyan.
Fetal movement, heartbeat, at position
Sa edad na anim na buwan, ang iyong sanggol ay tutugon sa tunog sa pamamagitan ng paggalaw. Pagtungtong ng pitong buwang gulang, siya ay tutugon sa iba pang mga stimuli tulad ng liwanag, sakit o tunog.
Sa walong buwang gulang na siya ay lumipat na ng posisyon at magiging mas aktibo ang pagsipa. Habang ang iyong pagbubuntis ay lumalapit sa buong termino at ang espasyo sa sinapupunan ay mas limitado ang iyong sanggol ay gumagalaw nang mas kaunti – dahil lamang sa siya ay nauubusan ng silid upang gawin ito.
Ang isa pang sukatan ng isang malusog na pagbubuntis na patuloy na gagawin sa iyong mga antenatal appointment ay ang tibok ng puso ng iyong sanggol.
Ang mga tibok ng puso ng fetus ay maririnig mula sa ikalimang linggo ng pagbubuntis at mula sa humigit-kumulang 100 hanggang 160 na mga tibok bawat minuto.
Sa huling buwan ng pagbubuntis, ang iyong sanggol ay gumagalaw sa unang posisyon sa ulo habang siya ay naghahanda para sa panganganak at panganganak.
Kung ikaw ay buntis, ang iyong katawan ay nakakaranas ng malaking pagbabago. Mula sa mga sintomas na maaari mong asahan, hanggang sa mga sintomas na hindi napapansin, ang bawat babae ay magkakaroon ng iba’t ibang karanasan sa pagbubuntis.
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.