Para sa iba’y may siyam na buwan upang maghanda sa pagdating ng baby pero para kina Adam Bucklow at sa partner nitong si Lyndsay ilang oras na preparasyon lamang ang naibigay sa kanila.
Sa isang article sa The Guardian, isinaysay ng ama ang pinagdaanan nila. Ayon kay Bucklow, nalaman lamang niya na magiging ama na siya tatlong oras bago manganak ang girlfriend niya.
Pagbubuntis na Walang Sintomas: Ang Kuwento ng Pamilyang Bucklow
Ayon sa kanya, akala nila “appendicitis” lamang ito dahil sa diagnosis sa emergency hotline. Hindi raw nila nahalata dahil nag-ti-take naman ng contraceptive pills si Lyndsay. Sa katunayan nga’y nangangayayat pa daw ito. Si Lyndsay nama’y walang kakaibang nararamdaman lalo pa’t naging busy siya sa kaniyang bagong trabaho.
Kaya’t laking gulat na lamang ni Adam nung tinawagan siya na nagli-labor na daw ang girlfriend nito. Pagkadating niya sa ospital ay naroon na ang ina ni Lyndsay at dinala na siya sa delivery room.
Posible ang pagbubuntis na walang sintomas. Sa kaso ni Lyndsay, akala niya appendicitis lang ito. | image: Adam Bucklow Facebook page
Ikinuwento ni Adam na, bago pa manganak ay humihingi ng tawad si Lyndsay dahil alam niyang hindi pa handa maging ama si Adam.
Malipas ang ilang oras, ipinanganak na ang kanilang baby girl, na pinangalanan nilang Bella.
Bilang bagong ama, inamin ni Adam na napuno siya ng takot at pangamba. Pero mas namayani ang pag-ibig. Kung dati ay kinakatukatan lamang niya ang pagiging ama’y ngayon ay napuno na siya ng pag-asa.
Panganganak matapos ang pagbubuntis na walang sintomas: Posible ba ito?
Ang pagbubuntis na walang sintomas ay bihira lamang mangyari ngunit posible ito. | image: dreamstime
Hindi lamang si Lyndsay ang nakaranas nito. May mga ibang ina rin na hindi alam na buntis na nga sila hangga’t nanganak na sila.
Kabilang dito sina Amanda Burger, 33-anyos, na dinala sa ospital dahil sa malubhang sakit ng tiyan, ayon sa CNN. Si Dakota Kuhns naman ay nanganak sa sala nila, laking gulat na lamang niya dahil kahit na nakaranas siya ng pagkahilo at pagsusuka ay negatibo ang mga pregnancy tests niya.
Ayon sa pagsusuri ng National Center for Biotechnology Information (NCBI), isa sa bawat 7,225 na pagbubuntis ay nangyayari lingid sa kaalaman ng mga nagdadalantao.
Hindi ito madalas mangyari dahil ayon sa mga duktor, mahirap na hindi mahalata ang sintomas ng pagbubuntis.
Tinatawag daw itong “denied pregnancy” at karaniwang nararanasan ng mga teenager na hindi pa handa maging ina o yung mga mabigat talaga ang timbang.
Maaari rin namang may psychological or emotional stress ang mommy kaya’t subconsciously ay hindi niya matanggap ang pagbubuntis. Kinukumbinse niya ang sarili niya hindi talaga siya buntis.
Maaari din namang hindi lang talaga pamilyar sa isang bagong ina ang mga sintomas ng pagbubuntis, tulad ng pananakit ng dibdib, pagbigat ng timbang, constipation, pagkahilo, pagsusuka, o hindi dinadatnan ng regla.
Para sa mga mommy na, tandaan na hindi pare-pareho ang mararanasang sintomas sa bawat pagbubuntis. Posible pa rin ang pagbubuntis na walang sintomas. Kaya’t importante na kumunsulta lagi sa iyong duktor, upang makasiguro na safe at healthy si baby, kung matiyak na buntis nga kayo.
lead image: shutterstock
sources: The Guardian, NCBI, Psychology Today
BASAHIN: Ito ang pinakamainam na edad ng pagbubuntis, ayon sa science
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!