Pwede pa ba mabuntis ang 49 years old? Minsan medyo nakakalito ang pagpaplano ng pagkakakaroon ng anak lalo na kung ang pinag-uusapan ay kung ano ba ang tamang edad para dito.
Sabi ng ilan, mas maganda raw na magkaroon ng anak sa iyong twenties dahil mas handa at mas matatag daw ang katawan na harapin at gampanan ang mga tungkulin ng pagiging isang magulang. Kasabay nito, ang pagkakaroon ng anak sa ganitong edad ay maaaring maging dahilan ng pansamantalang pagsasakripisyo ng trabaho o di kaya’y pag-aaral. Maaari rin na hindi ka pa lubusang handa na harapin ang mga pagsubok ng pagiging isang magulang.
Payo ng iba, ang pagkakaroon ng anak kahit may edad na o di kaya’y nasa bandang forties na ay mainam. Mas matured at mas matatag ka na financially at emotionally na siyang kinakailangan mo sa pagpapalaki ng iyong mga anak. Ngunit sa kabilang banda, may mga hindi rin magandang naidudulot sa ating kalusugan ang pagkakaroon ng anak sa ganitong edad.
Ano nga ba ang pinakamainam na edad para magkaroon ng anak ang mga kababaihan?
Ayon sa mga resulta ng pananaliksik na pinamunuan ni Dr. John Mirowsky, isang sosyolohista sa University of Texas, ang perpektong edad ng pagkakaroon ng anak ng mga kababaihan ay edad 34.
Sabi ni Dr. Mirowsky, sa edad na ito, ang kalusugan ng katawan ng isang babae ay nasa mainam na kondisyon upang paghandaan at ipagbuntis ang malusog na bata sa kanyang sinapupunan hanggang sa ipanganak ito.
Siya ay nagsagawa ng panayam sa mas higit na 1,800 na ina at tinanong niya ang mga ito tungkol sa kanilang kasalukuyang kalusugan. Matapos isaalang-alang ang “mortality data” at ang antas edukasyon, napagpasiyahan niya na sa pangmatagalang kalusugan at ‘material mortality’, ang edad 34 ang siyang pinakamainam na edad upang magkaroon ng unang anak.
Sumang-ayon ang mga ibang eksperto na ang mga kababaihang nasa ganitong edad ay karaniwang may matatag na relasyon, may sapat na lakas at nasa tamang pag-iisip upang maging responsable sa pagpapalaki ng bata. Sila rin ay matatag sa pinansyal na aspeto sa kanilang mid-thirties.
At iyon nga ang pinakamainam na edad upang magbuntis ang isang babae ayon sa Science! Nais naming marinig kung ano ang opinyon ninyo tungkol dito sa pamamagitan ng pagsusulat ng inyong mga komento sa ibaba.
Ang article na ito ay unang isinulat sa ingles ni Nalika Unantenne.
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!