Mga dapat malaman ng mga ina tungkol sa pagbubuntis sa edad na 30

Bagaman kaakibat ng edad ng isang babae ang mga panganib sa pagbubuntis, narito ang ilan sa mga facts mula sa mga eksperto tungkol sa pagdadalantao sa edad na 30.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga kababaihan ay kadalasang nagtatakda ng edad ng pagpapamilya sa kanilang buhay at iniiwasan ang pagbubuntis sa edad na 30.

Ngunit sa paglipas ng panahon, ang karaniwang edad sa pagpapamilya ng mga kababaihan ay tumaas na dahil sa ilang prayoridad gaya ng edukasyon, career, financial goals at investments.

Sa datos ng Centers for Disease Control and Prevention, lumalabas na 20 porsiyento ng mga kababaihan sa Estados Unidos ang nagsilang ng kanilang panganay na anak sa edad na 35 mula taong 2011 hanggang sa kasalukuyan.

Bagaman kaakibat ng edad ng isang babae ang mga panganib sa pagbubuntis sa edad na 30 pataas, alamin ang ilan sa mga facts na nagsasabing ayos lamang ito mula sa pag-aaral ng mga eksperto.

Ilang facts tungkol sa pagbubuntis sa edad na 30

1. Safe pa rin ang pagbubuntis sa edad na 30

Hindi kailangang mangamba ng mga kababaihan kung sila man ay magdalantao sa edad na 30. Mababa ang panganib sa pagkakaroon ng komplikasyon kung patuloy ang kanilang pag-aalaga sa kanilang kalusugan at sumusunod sa mga payo ng kanilang doktor.

Mataas ang tiyansa ng panganib sa pagdadalantao sa edad na 35 pataas ngunit nakasalalay pa rin sa estado ng kalusugan at medical history ng isang ina ang kaligtasan ng kanyang pagbubuntis.

“As long as the mom-to-be is healthy and without existing co-morbidities, medical issues such as diabetes, high blood pressure, etc., that would make the pregnancy more ‘high risk,’ the late 30s are fine to get pregnant,” sabi ni Dr. Angela Jones, isang board-certified obstetrics and gynecology expert mula sa Estados Unidos.

“It is just important that expectant parents recognize increased risks that can be involved with having children at later stages in life,” dagdag niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Bumababa ang fertility rate ng mga kababaihan pagsampa nila ng edad 30 pataas

Ang highest peak ng fertility rate ng mga kababaihan ay ang edad na 25 ngunit dahan-dahan na itong bumababa pagsampa ng edad na 30. Sa oras na umedad na ang babae ng 35, ang kanyang fertility rate ay lalong bababa buwan-buwan ng 18 porsiyento dahil ang obaryo niya ay naglalabas lamang ng espisikong dami ng egg cells sa buhay niya.

Ibig sabihin, habang tumatanda ang isang babae ay nababawasan rin ang dami ng lumalabas na egg cells sa kanya at unti-unting nababaog. Karagdagan pa, tumataas din ang panganib ng pagkakaroon ng endometriosis at uterine fibroid sa mga babae kapag umedad na ng 35.

Gayunpaman, posible pa rin ang pagbubuntis sa edad na 30 hanggang 35 ayon kay Dr. Jones.

“As we get older, certainly the ‘quality’ of our eggs decreases, but as long as you are healthy, have regular, ovulatory cycles, most do well conceiving,” sabi niya sa isang episode ng kanyang podcast na Ask Dr. Angela.

3. Mas mataas ang tiyansa ng pagkakaroon ng kambal sa pagbubuntis sa edad na 30

Oo, bumababa ang fertility rate ng mga babae sa edad na 35 ngunit tumataas naman ang tiyansa nila na magkaroon ng kambal na ipinagbubuntis.

Ito ay dahil sa nagpo-produce ang katawan ng mga kababaihang may edad na 35 ng mas maraming Follicle Stimulating Hormone (FSH). Ang FSH ang dahilan upang maglabas muli ng isa pang egg cell ang babae sa kanyang ovulation period.

May ilang salik pa na mas nagpapataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng kambal. Kagaya ng mga sumusunod:

  • Nasa lahi ng mga ina ang pagkakaroon ng kambal
  • Nanganak na ng kambal noon
  • Nagdalantao na noon
  • Kasalukuyang sumasailalim ng ferility treatments
  • Ang babae ay isang African-American
  • Kung ang babae ay matangkad at may malaking pangangatawan

Kung ang isang babae ay mayroong alinman sa mga salik na ito, malaki ang tiyansa niya na magdalantao ng kambal kahit sa edad na 30-35.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. May ilang panganib ang pagbubuntis paglagpas ng edad na 35 pataas

“This should come as no surprise, as the quality of our eggs decreases with advanced maternal age,” sabi ni Dr. Angela Jones. Ilan sa mga panganib ay ang mga sumusunod:

Miscarriage. Sa edad na 30, 20 porsiyento ang panganib na magkaroon nito. Sa edad na 42 ay nagiging 50 porsiyento na ito.

Genetic disorder. Mataas ang tiyansa ng pagkakaroon ng chromosomal abnormalities sa pag-edad ng isang babae.

Ayon sa pag-aaral ng University of Rochester, 1 sa 1,250 kababaihan na may edad na 25 ang nagdadalantao ng mga sanggol na may Down Syndrome habang 1 sa 100 kababaihan naman para sa mga nagdalantao sa edad na 40.

Panganganak via C-section. Ang mga buntis na may edad na 35 pataas ay mas prone sa pagkakaroon ng mga komplikasyon kaya kinakailangan nilang sumailalim sa cesarian section upang safe manganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paghahanda sa pagbubuntis sa edad na 30

May paraan pa rin upang paghandaan ang safe na pagbubuntis sa edad na 30. Nangangailangan ito ng tulong at gabay mula sa mga doktor at pagpapabuti ng lifestyle ng isang babae.

“I am a HUGE advocate of preconceptional counseling. This is a visit that you have with your physician before you get pregnant to review your medical history in detail. That way, if there are things that need to be addressed, i.e., certain meds that one might be on that aren’t compatible with pregnancy, being overweight, poorly controlled high blood pressure, diabetes, etc. — these things can be addressed and optimized to help insure the safest, healthiest pregnancy for all involved,” paliwanag ni Dr. Jones.

Dagdag niya: “A healthy diet and exercise will help stave off things such as gestational diabetes and hypertensive disorders which are risk factors based on age alone,”

“Also, being in shape will help improve the labor experience. Labor by definition is work! A more ‘fit’ body will be able to handle labor and all it involves.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Livestrong, Oxford Academic,

Images: Shutterstock

BASAHIN: Alam niyo ba na may tamang edad kung kailan dapag magkaanak ang mga lalaki?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement