Isa akong stay-at-home mom, mayroong akong tatlong anak. Isang 18 years old, 14 years old, at 19 months old na baby boy. Dalawang lalaki at isang babae. Lahat sila ay ipinanganak ko via CS-delivery.
Nabuntis ako sa aking unang anak noong 21 years old pa lamang ako at iyon din ang edad nang ikinasal kami.
Parehas kaming young professionals noon, may trabaho ako bilang isang empleyado sa bangko at siya naman ay nasa isang corporate job. Pero hindi namin akalain ang aking pagbubuntis dahil hindi pa kami ready noon para masuportahan ang magiging anak namin financially.
Kaya naman nagdesisyon ang asawa ko na magtrabaho sa abroad at luckily may oppurtunity na dumating. At dahil OFW ang asawa ko kinakailangan niya na magtrabaho abroad at kailangan niyang umalis. Kaya naman nagdesisyon akong mag-resign sa trabaho para magpokus sa aking pagbubuntis.
I’m in a third trimester already when I choose to give birth to the province. Until such time, we have enough to buy our own nest. We are living independently with no other family (relatives or in-laws) around to be with and kasambahay.
Pagiging magulang
As time goes by after he finished his 7 months of contract abroad, bakasyon naman si hubby for 2 months. And so, we blessed 2 children.
For 13 years, I devotedly focus on taking care of my children and everything in our household while my husband is working abroad.
Until one day in 2017, we both agreed na mag-settle na siya dito sa Pilipinas para maalagaan namin ang mga anak na lumalaki na rin. Mahirap ang maging Tatay at Nanay at the same time habang nagtatrabaho ang asawa ko sa malayo.
Kaya naman nagpadesisyunan niyang magtrabaho sa isang local government office. Maayos naman ang sahod niya saka dalawa pa lamang ang anak namin noon at government scholar pa ang aming mga anak.
Ako naman, “natengga” na nang matagal na panahon, hindi ko na nga mabilang ang taon. Hindi na ako nabigyan ng chance na makabalik sa corporate world. Pero sa kabila nun, fulfilling naman ang maging isang ina lalo na noong mga panahon na OFW ang mister ko.
BASAHIN:
40-anyos na babae, dumaan sa 10 miscarriages bago magkaroon ng anak
How to improve your chances of getting pregnant in your 20s, 30s, or 40s
Pagbubuntis ko sa edad na 40 years old
Noong 2019, gumising ako isang araw na tila kinakabahan, dahil delayed ang aking menstruation. Alam ko dahil regular naman ang buwanang dalaw ko. Kaya naman akala ko noon ay stress lang ako delayed ang aking regla.
Kaya naman kahit para sa akin ay imposible talaga ay nag-pregnancy test ako. Sa unang pagsubok namin sa pregnancy test, negative ang lumabas. Kaya naman nagdesisyon pa kaming maghintay ng dalawa pang linggo para mag-test ulit.
Pagkatapos nga ng dalawang linggo ay nag-test ako ng for pregnancy, at 2 ang linya. Siyempre ako gulat na gulat ako. Sobrang hindi ako makapaniwala na Positive ang result.
Hindi talaga namin inasahan na magiging positive ako sa pregnancy test. Kasi nga parehas nang mga teenager ang mga anak namin at ang gap nila ay 13 years.
Lalo na 40 years old na ako, kaya naman hindi lubos akalain na mabubuntis pa ako sa edad 40 years old, naisip ko na lang ano na lang ang sasabihin ng ibang mommy na kakakilala namin dito sa pagbubuntis ko.
Nang nalaman ng iba ang pagbubuntis ko sa edad na 40 na mayroon nang dalawang teenager na anak ay sinasabi nila na baka raw mahirap ako sa pagbubuntis, lalo na sa edad ko.
Saka mag-uumpisa na naman ako sa pagpapalit ng diaper, pagpupuyat sa gabi, pagkakaroon ng mabigat na timbang at kung ano-ano na pa na hindi ko na maalala.
Pero kahit ganoon, blessing pa rin ito sa amin ng asawa ko at pamilya ko. Hindi lahat ng babae ay may chance na magbuntis sa edad na 40 years old kaya naman blessed pa rin kami.
Sobra akong thankful dahil ang pagbubuntis sa edad na 40 ay hindi nagkaroon ng problema, hanggang sa manganak ako. Nanganak ako via CS delivery ng isang healthy baby boy sa isang private hospital. Isang pandemic baby na nagdala at nagdadala ng sobrang ligaya sa aming pamilya at mahal na mahal ng lahat.