Numero unong role ng parents ang pagdisiplina ng anak. Kaya marami ang nagtatanong kung ano ba ang tamang paraan para dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Hirap sa pagdisiplina ng anak? 7 ways para madisiplina sila without punishment
Hirap disiplinahin ang anak? 7 ways para madisiplina sila without punishment
Hindi raw nakakatulong ang punishment para mabago ang behavior ng bata. | Larawan mula sa Pexels
Hirap iwasan na nagiging makulit ang bata o kaya naman pasaway. Ito pa nga ang pangunahing sakit sa ulo para sa parents. Sa kagustuhan ng mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak, ang akala nilang nakakabuti ay mas nakakasama pa pala sa attitude ng bata.
Isang malaking challenge ang pagbibigay ng disiplina sa bata. Kadalasan kasi, nagpo-focus ang parents sa pagbibigay ng punishment na inaakala nilang makakapagpabago ng behavior ng kanilang anak. Ayon sa experts, ayaw raw ng mga bata na nakakaranas ng punishment. Kaya kung hihingi man sila ng patawad ay para lang sa kanilang sarili at hindi dahil sa mali nilang nagawa.
Mahalaga raw na nama-manage ng adult ang misbehavior ng bata. Maganda rin daw na naipo-promote ang developing characters na tulad ng pagiging responsable, magalang, may self-control, at kabutihang loob. Paaano magagawa ito ng mga magulang nang hindi nagbibigay ng parusa? Narito ang ilang ways:
Alternative ways sa pagdidisiplina ng anak na hindi ginagamitan ng punishment. | Larawan mula sa Pexels
Bumuo ng mabuting parent-child relationship.
Malaki ang koneksyon ng pagbibigay sa bata ng caring at warm na relasyon upang siya ay magkaroon ng healthy na pangangatawan at the same time ay maunlad na character development. Ang pagdama nila na sila ay minamahal ay nagiging way upang maging emotionally attached so;a sa kanilang parents.
Sa ganitong paraan, mas nagiging responsive o kinikilala nila ang authority at values na palaging ibinibigay ng kanilang mga magulang.
Alamin ang root cause ng behavior.
Parati namang mayroong dahilan kung bakit kumikilos ang bata sa isang certain na behavior. Kinakailangan ng magulang na alamin kung ano ba ang puno’t dulo nito upang masolusyunan paano ito matutuldukan. Maaari kasing pagod, stressed, hindi maganda ang pakiramdam o iba pang negatibong karanasan kaya nauuwi sa bad behavior.
Kailangang maging aware ang parents na hindi niya nai-invalidate ang nararamdaman ng kanyang anak sa halip ay makapagbigay ng empathy.
Pag-uulit sa mas maayos na paraan.
Para ma-practice nila na gawin ang good behaviors, kailangan parati itong pinapaalala. Halimbawa kung ang anak mo ay nakapagsabi ng bagay sa hindi respectfully na way, maaari mo siyang sabihan na ulitin ito sa tamang paraan. Mahalagang masabi ito sa kanya upang alam niya na ang gagawin next time na sasabihin niya ulit.
Kailangang nabibigyan ang bata ng time na mag-isip tungkol sa misbehvaior at kausapin ito tungkol dito. | Larawan mula sa Pexels
Pagbubuo ng character conversation.
Base sa maraming pag-aaral, effective daw ang pagpapaalam sa bata kung paanong naapektuhan ng kanyang kilos ang ibang tao. Nagiging way raw kasi ito upang maging outcome ng empathy, moral reasoning, at conscience.
Halimbawa na lang kung mayroon siyang nasaktan na ibang bata, huwag kalimutang kausapin siya at tignan sa mata sincerely. Sabihin na nakasakit siya ng ibang bata at huwag na niya itong uulitin pa.
Bigyan siya ng time to breathe and think.
Mas
sensitive ang bata sa tuwing nasasabihan sila na mayroon silang maling nagawa. Halo-halong emosyon kaagad ang mararamdaman nila dahil sa napagsabihan sila tungkol dito. Ito ang resulta ng pagbibigay ng punishment o hindi tamang pagdisiplina sa anak.
Give your kids some time to think. Hayaan mo munang sila kumalma at pag-isipang mabuti kung ano ang kanilang ginawa. Matapos kumalma, doon mo maaaring itanong kung ano ang naramdaman nila sa ginawa nilang ito. Maaari mo ring isunod tanungin na ano na ang tamang gagawin sa susunod upang malaman kung natututo ba sila sa kanilang pagkakamali.
Palaging pag-usapan ang “fair consequence.”
Importanteng napag-uusapan sa loob ng tahanan kung ano ang maaaring kapalit kung sakaling mayroon silang nilabag na rules ng pamilya. Ibig sabihin, aware sila sa maaaring maging kapalit ng kanilang ginawa. Pwede ring tanungin sila ng ilang suggestions o tingin nilang tamang consequence sa kanilang gagawin.
This way, hindi ito magmumukhang punishment sa kanila dahil fair o patas na hiningi mo ang kanilang opinyon regarding sa isang partikular na rule sa inyong tahanan.
Turuan siya kung paano makakabawi sa kanyang actions.
Magandang behavior ang paghingi ng sorry, pero dapat ay nakakaisip din siya ng paraan upang makabawi sa pagkakamali. Parating ipaalala sa kanya na kung minsan hindi sapat na nanghihingi lamang ng tawad, kinakailangang bumabawi sa ibang paraan lalo sa taong nagawan ng mali. Naipapakita kasi nito na sincere at totoo ang paghingi ng tawad dahil nag-ooffer ka ng behavior na positive.