17 Buwang gulang na bata, natusok ng chopstick ang bibig at utak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinapaalala ng mga duktor na mag-ingat sa paggamit ng chopstick ang mga bata. Ito ay matapos ang nangyari sa isang 17 buwang gulang na toddler sa Wuhan, China.

Hindi tama ang paggamit ng chopstick para sa mga sanggol

Oras ng pagkain ni Chenchen (hindi niya tunay na panggalan) nang mangyari ang insidente. Ang toddler ay naglalakad lakad habang pinapakain ng kanyang mga magulang. Subalit, sa mga panahon na ito ay natututo pa lamang maglakad ang bata. Siya nuon ay may hawak na chopstick.

Maya-maya, natumba ang bata paharap at biglang sumigaw at umiyak nang malakas. Ang hawak na chopstick ay nakatusok sa bandang itaas ng kanyang bibig. Agad siyang isinugod ng mga magulang sa ospital.

Tumusok sa utak

Pagdating sa ospital, siya ay kinuhaan ng CT scan upang malaman ng mga duktor ang lawak ng pinsala. Dito nila napag-alaman na nasa 2cm ng chopstick ang tumusok sa cerebellum ng bata. Tumusok din ang chopstick sa internal jugular vein. Ang masama pa nito, napag-alaman na may mga kanin pa na nakadikit sa chopstick.

Sa kabutihang palad, hindi natamaan ang brainstem na siguradong makakapatay sa bata kung nangyari. Para maiwasan na lumala ang pinsala, agad sumailalim sa surgery ang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-iwas sa aksidente

Si Chenchen ngayon ay buhay. Siya ay kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) upang mabantayan ang kundisyon. Nasa panganib pa siya na magkaroon ng intracranial infection na maaaring maka-paralisa o ikamatay ng bata.

Dahil sa nangyaring insidente, ipinapaalala ng duktor sa mga magulang at nag-aalaga na bantayan ang mga bata. Dapat na maging mapagmatyag sa mga bata habang sila ay kumakain at iwasan ang paglakad habang kumakain. Ito ay dahil sa average na 10 kaso ng parehong pangyayari kada-taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Asia One

Basahin: 2-buwang sanggol na nagsusuka at hirap huminga, dulot ng masikip na bigkis pala

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement