Paghahanda sa lindol: Mga dapat gawin bago, habang nangyayari, at pagkatapos ng lindol

Alamin ang mga tips na paghahanda sa lindol na pwedeng matutunan o ituro sa mga bata at para handa sila sa sakuna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa World Health Organization, sa pagitan ng taong 1998-2017, ang mga paglindol ay nagdulot ng halos 750,000 pagkamatay sa buong mundo, higit sa kalahati ng lahat ng pagkamatay ay dulot ng epekto ng nasabing sakuna. Mahalagang malaman kung ano ang dapat gawing paghahanda sa lindol upang maiwasan ang malaking bilang ng pagkasawi.

Paghahanda sa lindol: Ano ang lindol at ang sanhi nito?

Ang lindol ay isang marahas at biglaang pagyanig ng lupa, sanhi ng paggalaw sa pagitan ng mga tectonic plate sa isang fault line sa crust ng lupa. Maaaring magresulta ito sa pagyanig ng lupa, pagkatunaw ng lupa, pagguho ng lupa, mga bitak, avalanches, sunog at tsunami.

Mayroong iba’t ibang sanhi ang lindol:

Tectonic earthquakes

Ito ay uri ng lindol na sanhi ng paggalaw ng tectonic plates sa ilalim ng lupa. Karaniwang nagaganap sa mga boundary ng tectonic plates.

Volcanic earthquakes

Dulot ito ng paggalaw ng lupa sanhi ng active volcano. Hindi kasing tindi ng tectonic earthquakes ang pagyanig na dulot nito. Karaniwang nararamdaman sa vicinity ng hypocenter.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Induced earthquakes

Paggalaw naman ito ng lupa dulot ng human activity tulad ng construction ng tunnel, filling reservoir, at paggawa ng geothermal o fracking projects.

Collapse earthquakes

Karaniwan itong nararanasan sa mga lugar na malapit sa minahan. Dulot ito ng pagguho ng lupa sanhi ng pagmimina.

Ang lindol, ‘di tulad ng ibang natural na kalamidad, ay biglaang nangyayari. Kailangan ay mananatiling laging handa sa lindol. Kailangan i-ayon ang paghahanda sa lindol sa edad ng kasamang bata. Ito ang ilang tips para sa bawat edad ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Ano ang epekto ng lindol

Bilang paghahanda sa lindol, importante ring malaman ang mga epekto ng lindol.

Ground shaking

Kapag nagkaroon ng rupture sa fault lines, magaganap ang pagyanig sa lupa. Dito na magkakaroon ng mga pag-uga ng mga gusali, kabahayan, at maging ilalim ng mga katubigan.

Surface faulting

Tumutukoy ito sa differential movement ng dalawang side ng fracture sa surface ng kalupaan. Nagreresulta ito ng pagguho ng lupa o tinatawag na landslides.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ang namamatay sa landslides dahil sa pagkatabon ng lupa. Lubos din ang dami ng mga ari-ariang maaaring masira nang dahil rito.

Bukod sa pagguho ng lupa, maaari ding masira ang mga bahay, gusali, nursing homes, railroads, at mga highway.

Ground failure

Pwede ring magresulta sa landslide ang ground failure na epekto ng lindol. Nagaganap ito kapag naalog ang lupa at nawala ang natural na composition nito.

Tila na-liquify o naging mala-tubig ang lupa na nagreresulta ng pagkawasak ng mga gusali, tulay, at mga tirahang nakatirik sa na-liquify na kalupaan.

Tsunami

Malakas at marahas na alon ito sa katubigan dulot ng biglaang vertical movement sa sea floor sanhi ng lindol sa ilalim ng tubig. Tinatawag ding tidal waves ang tsunami.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroon itong taas na 1-foot pero mahaba ang distansyang kaya nitong marating. Tinatayang nasa 60 miles ang distance sa pagitan ng wave crests ng tsunami. Kaya naman malaking pinsala ang maaaring idulot nito kapag tumama sa mga kabahayan, mga gusali, at mga tulay.

Paghahanda sa lindol: Mga hakbang na pwedeng gawin kung may lindol

Bilang magulang, ang paghahanda sa lindol ay dapat nakakonekta sa kung ilang taon na ang iyong anak. Narito ang ilang mga hakbang na pwedeng gawin kung may lindol depende sa edad ng iyong anak.

Para sa mga sanggol at toddlers (0-2)

Para sa mga bata na may edad 2 taon pababa, kailangan siguraduhin ang kaligtasan ng kapaligiran nila.

  1. Ilayo ang mga crib sa mga bintana at mga istante na maaaring tumumba o mahulugan ng gamit.
  2. Maghanda ng mga gamit ng bata na maaaring tumagal nang 3 araw. Kasama dito ang mga gatas, tubig, bote, pagkain, damit, diapers, pamunas at mga gamot. Ilagay ito sa emergency kit na madaling makukuha kahit nagmamadali. Maglagay ng extra emergency kit sa sasakyan.
  3. Magtabi ng stroller, kumot o crib kung kakailanganin i-evacuate ang mga sanggol.
  4. Takpan ang mga kanto ng crib upang maproteksyunan ang mga sanggol sa pag-alog.
  5. Siguraduhin na hindi bubukas pati ang mga cabinet na hindi abot ng mga bata upang hindi sila mahulugan ng mga gamit dito.

Para sa mga bata (3-pataas)

Para sa may mga batang may edad 3 taong gulang pataas, masmadali nang maintindihan ng mga ito ang sakuna at ang kakailanganin na paghahanda sa lindol. Isama ang mga bata sa paghahanda at pagpa-plano para sa mga kalamidad.

  1. Ipakita sa mga bata ang mga pinakaligtas na lugar sa bawat kuwarto kung sakaling magkalindol. Ipakita rin ang posibleng daanan palabas ng gusali kung kakailanganin.
  2. Gumamit ng mga matitibay na mesa at ipakita sa bata kung paano sumilong sa mga ito kapag may lindol.
  3. Ituro sa mga bata kung ano ang kailangan nilang gawin nasaan man sila.
  4. Gumawa ng emergency cards para sa mga bata na nakalagay ang panggalan at contact number ng mga magulang. Siguraduhin na tama ang mga impormasyon dito.
  5. Kahit hindi pinapayagan ang mga bata magsara ng mga gas, kailangan alam nila ang amoy nito. Ituro sa mga bata na sabihan ang matatanda kung maamoy nila ito matapos ang lindol.

Malaki ang maitutulong ng pagsama sa mga bata sa paghahanda sa lindol. Magiging pamilyar sila sa mga kailangan gawin at mag-eensayo ang kaalaman nila sa oras ng sakuna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ugaliin na gawin ang pageensayong ito kada 6 na buwan. Ang paghahandang ito ang maaaring magligtas sa kanila sa di inaaasahang kalamidad.

Mga dapat gawin sa paghahanda sa lindol, kapag may lindol, at pagkatapos lumindol

Upang mas masiguro ang kaligtasan ng bawat isa lalo na ng mga bata. Mahalagang alam nila ang ang mga dapat gawin sa paghandaan ang lindol, kung lumilindol na, at pagkatapos ng lindol.

Ano ang dapat gawin bago ang lindol

Bukod sa paghahanda sa mga bagay na kakailanganin sa mismong pagdating ng lindol, mahalaga rin na alamin kung ano ang dapat gawin bago ang lindol.

1. Paghahanda sa lindol: Ipaliwanag sa iyong anak ang tungkol sa lindol.

Ipaliwanag sa iyong anak kung ano ang maaaring mangyari, gamit ang simple, naaangkop sa edad upang kanilang mas maunawaan kung ano ang lindol at maaaring idulot nito.

Magbalangkas ng planong pang-emergency para sa buong pamilya tulad ng paglikas at lokasyon ng pagkikitaan at bigyang-diin na ang kanilang kaligtasan ang pinakamahalagang prioridad.

Maghanda rin ng disaster checklist upang walang makaligtaan sa paghahanda. Ito ay naglalaman ng mga kakailanganin tulad ng family plan, communication strategy at laman ng go kit. 

Ang family plan ay sumasagot sa mga tanong na:

  • Anong pasilidad ang gagamitin ng inyong komunidad kung sakaling may sakuna tulad ng lindol?
  • Saan kayo magkikita kung sakaling lumindol at magkakahiwalay ang bawat isa?
  • Sino ang inyong contact person na hindi apektado ng sakuna kung sakaling magkaroon ng kalamidad?

Larawan mula sa Shutterstock

2. Paghahanda sa lindol: Magkaroon ng communication strategy.

Ang cellphone ng bawat miyembro ng pamilya ay dapat na may “ICE” (In Case of Emergency) na naka-program sa listahan ng contact ng telepono kasama ang lahat ng mga numero ng telepono ng pamilya. 

Paalalahanan ang pamilya na gumamit ng text message. Ito ay mas madali na makakararating sa panahon ng sakuna. 

Maghanda ng backpack o portable bag para sa bawat miyembro ng pamilya na may essential hygiene items. Bukod sa bottled water, flashlight at batteries, maaaring ilagay sa go kit ang mga sumusunod:

  • Baby wipes
  • Diapers
  • Nursing pads
  • Nursing supplies 
  • Formula
  • Pre-packaged baby food
  • Juice pouches
  • Dry cereals, nuts, at protein bars
  • Vitamins 
  • Fever reducer
  • Antibacterial ointment
  • Rash ointment

Larawan mula sa Shutterstock

3. Paghahanda sa lindol: Maghanap ng mga ligtas na lugar sa iyong bahay.

Tukuyin at talakayin ang pinakaligtas na lugar sa iyong bahay kung sakaling lumindol at sabihin sa mga bata na pumunta agad doon kung makaramdam sila ng lindol.

Ang pinakaligtas na lugar ng bahay ay isang silid na kung saan walang anumang mga bintana at aparador. Kung maaari, magtago sa ilalim ng matibay na bagay tulad ng mesa.

4. Magsanay ng earthquake drill bilang paghahanda sa lindol

Kapag nagawa mo na ang iyong plano sa paglikas sa lindol at nakipag-usap sa iyong mga anak tungkol dito, oras na para magsanay.

Ang pagsasanay sa earthquake drill ay makakatulong sa mga bata na maunawaan kung ano ang gagawin at kung paano manatiling ligtas sa panahon ng lindol.

5. Alamin ang mga plano ng kalamidad sa paaralan o daycare ng iyong anak.

Kung ang paaralan ng iyong anak ay malapit sa fault line, alamin kung paano tinutugunan ng kanilang emergency plan ang lindol. Alamin ang kanilang mga pamamaraan para sa paglikas, pag-abiso sa mga magulang, at kung mayroong alternatibong pick-up location. 

BASAHIN:

May paparating na bagyo? 6 na bagay na dapat gawin para maging handa para sa kalamidad

LIST: Important emergency and delivery hotlines na dapat mong malaman

Emergency first aid for common household injuries: Important info for parents

6. Panatilihing updated ang contact information

Panatilihing updated ang impormasyon na binibigay sa paaralan ng iyong anak at kunin ang updated na contact information ng paaralan, upang kung magkaroon ng lindol, malalaman mo kung nasaan ang iyong anak at kung sino ang maaari mong tawagan para sa kanilang kalagayan. 

Ang mga impormasyong ding ito ay dapat na alam ng mga bata.

Iba pang hakbang na dapat gawin bago ang lindol:

  • Huwag magsabit ng mabibigat na bagay tulad ng picture frames at salamin malapit sa higaan o saan mang madalas na upuan ng mga tao sa bahay.
  • Pag-aralan kung paano i-off ang gas valves sa bahay.
  • Ilagay sa lower shelves ang mga mabibigat at malalaking bagay na nababasag.
  • Lagyan ng brace ang mga water heater at gas appliances. Tiyaking maayos ang pag-install ng flexible fittings upang maiwasan ang pag-leak ng tubig at gas.
  • Maghanda ng pet emergency kit kung mayroon kayong alagang hayop.

Paghahanda sa lindol: Ano ang dapat gawin kapag may lindol

Narito ang mga dapat gawin sa oras ng paglindol:

1. Mag-drop, cover, at hold on.

Kung ikaw ay nasa loob ng isang gusali. Mag-drop sa sahig at humawak sa matibay na bagay. Mag-cover sa ilalim ng mesa o iba pang bagay na maaaring pruteksyunan ang iyong ulo.

Sa isang kamay ay humawak sa ulo at leeg at ang isang kamay ay ihawak sa mesa. Kung walang anumang bagay na pwedeng tumakip sa iyong ulo, tumabi sa pader na walang anumang bagay na nakasabit. Manatili sa loob hanggang sa huminto ang lindol at lumabas kung ito’y huminto na. 

2. Maghanap ng open area.

Kung nasa labas ka, ang pinakaligtas na lugar ay open area na malayo sa mga gusali, puno, ilaw sa kalye at linya ng kuryente. Mag-drop sa lupa at manatili hanggang sa tumigil ang pagyanig. 

Larawan mula sa Shutterstock

3. Huminto sa pagmamaneho kung nasa loob ng sasakyan. 

Huminto sa lugar na walang gusali at mga puno. Huwag tanggalin ang seatbelt. Manatili sa kinauupuan hanggang sa huminto ang lindol.Kapag may nalaglag na power line o kawad ng kuryente sa iyong sasakyan, huwag munang lalabas ng sasakyan. Humingi ng tulong para maalis ito bago ka lumabas.

Narito ang iba pang maaaring gawin habang lumilindol:

  • Kung nakahiga ka sa kama nang biglang lumindol, manatili lamang sa higaan. Mag-curl up at hold on at protektahan ang ulo.
  • Sakaling may maamoy na gas agad na lumabas ng bahay.
  • Tiyaking walang nakaharang na debris sa daraanan o anomang maaaring mahulog sa iyo kapag ligtas nang lumabas.
  • Kung nasa pwesto na hindi stable ang lupa, halimbawa ay malpit sa bundok, maging alerto sa mga bato maaaring malaglag. Mag-ingat din sa posibleng pagguho ng lupa.

Paghahanda sa lindol: Ano ang dapat gawin pagkatapos ng lindol

Pagkatapos nang lindol at natiyak na ligtas na ang paligid, narito ang mga dapat gawin:

1. Isama ang mga bata sa clean-up recovery

Pagkatapos ng lindol, isama ang mga bata sa mga aktibidad sa paglilinis kung ligtas itong gawin. Magdudulot ito ng aliw sa mga bata. Nagbibigay ito ng recovery sa kanilang emosyon habang nakikita ang pamilya na bumabalik na sa normal ang kalagayan. 

2. Makinig sa mga bata.

Hikayatin ang iyong anak na ipahayag ang damdamin ng takot, pagkabalisa o galit. Makinig nang mabuti, magpakita ng pang-unawa, at magbigay ng katiyakan.

Sabihin sa iyong anak na ang sitwasyon ay hindi permanente, at magbigay ng pisikal na katiyakan sa pamamagitan ng oras na kasama siya at pagpapakita ng pagmamahal.

Makipag-ugnayan sa mga lokal na organisasyon, boluntaryong organisasyon, o mga propesyonal para sa pagpapayo kung kailangan ng karagdagang tulong.

Narito ang iba pang dapat tandaan pagkatapos ng lindol:

  • Kung wala kayo sa bahay nang maganap ang lindol, makipag-ugnayan sa mga awtoridad at alamin kung ligtas na bang bumalik ng bahay.
  • I-check ang buong pamilya kung mayroong nasugatan. Agad na lapatan ng first aid kung mayroon mang sugat. Tulungan ang mga na-injury o trapped na kapamilya at kapitbahay.
  • Paghandaan ang aftershocks, karaniwan ito matapos ang lindol. Ang aftershock ay muling paggalaw ng lupa. Kapag nangyari ito, mag-drop, cover, at hold muli.

 

Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan