Mahalaga raw ang paghingi ng tawad sa anak para sa experts, pero kailangan daw iwasan ito kung wala namang maling ginawa.
Talaan ng Nilalaman
Paghingi ng tawad sa anak kailan ba dapat ginagawa? Heto ang say ng experts
Mayroong hindi pagkakaintindihan sa bawat relasyon, sa mag-aasawa o sa mga anak man ‘yan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkakasundo, parating mayroong hindi pagkakaunawaan. Parte ito ng pagbubuo ng inyong koneksyon sa isa’t isa para malaman ang mga pagkakamali at matuto.
Sa parent and child relationship, magkakaroon talaga ng madalas na alitan. Lalo at sa pagkabata ay phase nila ng pagkatuto at maraming pagkakamali.
Sa ganitong pagkakataon ng pag-aaway ninyo ng anak, mahalaga ang paghingi ng tawad.
Ang actions kasi na ito ang nagpapakita ng pagkakaroon ng responsibilidad sa action ng isang tao. Kumbaga ikaw ang nagsisilbing role model nila upang ma-practice rin nila ang paghihingi ng “sorry.” Dapat lang na malaman nila kung kailan dapat maging accountable kung sakaling sila ang magkakamali.
Natuturuan din ng ganitong practice na mag-reflect at mag-work ng self-regulation sa kanilang sarili. Bukod dito, nai-strengthen at nasi-secure ang attachment ng magulang at anak.
Right timing sa pagsasabi ng “sorry” sa iyong anak
Sa kabilang banda, para sa experts kailangan daw ito limitahan ang paghingi ng tawad. Hindi naiiwasan na nagagalit ang bata pati sa mga maliliit na bagay.
Halimbawa ay hindi nabilhan ng magandang laruan o maling pagkain ang naipasalubong. Nagiging “distressed” daw ang bata sa tuwing hindi nila nakukuha ang gusto.
Para lang sa purpose na tumigil ang anak sa pag-iyak o pagmamaktol nagso-sorry ang parents. Ito raw ang common na pagkakamali ng mga magulang sa kanilang anak.
Ginagawa ito ng parents para lang makapagpakita ng empathy sa kanilang anak. Sa ganitong pagkakataon daw, iisipin ng anak mo na ikaw ang mali sa nangyari.
Mapapasok sa kanilang isipan na ang problema ay nasa iyo bilang magulang at hindi sa kanila. Kaya hindi ito helpful dahil sa mga sumusunod na dahilan:
- Tumataas ang inflexibility at nabibigyan sila ng false notion sa mga bagay na katulad ng ganito.
- Iisipin nilang ganito ang mundo gumagana na kailangang parating humingi ng tawad ng tao sa kanya sa tuwing hindi niya gusto ang ginawa.
- Hindi nabibigyan nag chance ang bata na maging flexible kung saan maaari nilang i-solve ang sariling problema.
- Nawawalan ng pagkakataong maging resilient ang bata.
- Hindi nae-establish ang limits at adaptation sa kanilang life skills na makakatulong sa kanilang pagtanda.
- Naglalaho rin ang validation para sa kanilang emotional experience na nararamdaman nila dahil na-upset sila.
- Nawawalan din ng time na mag-usap patungkol sa kanilang feelings.
- Hindi naitutulak na mag-engage sila sa kanilang nais sabihin o ang kanilang point.
Ano ang pwede mo pang gawin kaysa humingi o magsabi ng “sorry” palagi?
Bilang mommy and daddy hindi naiiwasang malungkot sa tuwing nakikitang nasasaktan ang anak. Kaya ang laging ending ay ang paghingi ng sorry.
Dahil nga hindi helpful ang ganitong way, maaaring gawin ang mga sumusunod na paraan upang hindi maging practice ang paghingi ng tawad sa maraming pagkakataon:
- Ipaliwanag sa kanya na hindi sa lahat ng oras ay gusto niya ang kailangang masunod.
- Kausapin siya in a very gentle way upang malaman niyang tama ang kanyang naging actions.
- Sabihan ang anak na hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil wala ka namang ginawang mali.
- Parati ring ipaalala na kung siya ang nasa ganitong kaganapan ay alam na niya ang dapat gawin.
May nagawang kasalanan sa anak? Narito ang ilang paraan sa paghingi ng tawad sa kanya
- I-recognize at i-validate ang kanilang nararamdaman.
- Tanggapin ang responsibilidad na ikaw ang nakagawa ng mali at kailangang bumawi sa kanilang naramdaman.
- Ipaliwanag kung bakit mo ito nagawa.
- Ipakita sa kanyang hindi mo na muli ito magagawa intentionally upang malaman niyang sincere ang apology.
- Mag-offer ng mga bagay na sa tingin niya ay makakabawi ka sa kasalanang nagawa.
- Iparamdam sa kanyang mahal mo siya at hindi sinasadya ang mga bagay na kanilang ikinadismaya.