May gusto lang akong linawin na kinikimkim ko pagdating sa pagiging housewife…
Nang magdesisyon kami ng asawa ko na ako’y magiging stay-at-home mom, yun ang magiging papel ko, isang INA. Hindi ako isang stay-at-home na taga-linis ng bahay.

Image source: Facebook (Kayla Elizabeth Roussin)
Karamihan sa mga paglilinis na ginagawa ko sa isang araw ay may kasama ang mga anak ko: paglalaba, paghugas ng mga pinggan, pagvacuum, pagliligpit ng mga laruan. Nais kong malaman nila na kailangan ay samasama para panatilihing malinis ang isang bahay. Ngunit, kung buong araw ay magamit sa paglalaro at pag-aaral, at naiwang madumi ang bahay, tinutulungan ako ng asawa ko pagkauwi niya. Hindi niya ko pinapagalitan dahil hindi nahugasan ang mga pinag-kainan, kusa niya itong hinuhugasan.
Sabay naming tinutupi ang mga nilabhan matapos NAMIN patulugin ang mga bata. Ginagamit namin ang oras na ito para magkwentuhan ng mga nangyari o kung anong nasa isip namin. Siya kadalasan ang sa mga panlabas na gawain, dahil ginagamit niya ito bilang bonding time sa mga bata.
Image source: Facebook (Kayla Elizabeth Roussin)
Kaysa magalit sa mga sulat ng marker sa table, kamustahin mo siya sa araw niya at yakapin siya. Imbes na tawagin siyang tamad dahil hindi naitupi ang mga nilabhan, pasalamatan siya pagpapalaki sa mga bata at kusang itupi ang mga ito. Kaysa punahin ang mga hindi nagawa, tanungin siya kung anong ginawa nila ng mga bata. Tanungin siya kung tumawa sila, anong tinuro niya, tsaka magtanggal ng sapatos at linisin ang kusina.
Image source: Facebook (Kayla Elizabeth Roussin)
Nalulungkot ako kapag nakakarinig ng kwento ng nanay na pinagalitan ng ina dahil umuwi itong hindi perpekto ang bahay. O kaya naman na hindi sila tinutulungan ng asawa nila sa bedtime routine ng mga bata. Ang pagkakaroon ng pamilya ay kailangan ng matinding effort mula sa lahat, pati ng mga bata.
Ang article na ito ay unang nai-publish sa CafeMom at ini-republish ng theAsianparent nang may pahintulot.
Basahin: Dapat nga bang pasalamatan ang mga mister kapag tumutulong sila sa gawaing bahay?