X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Agree or disagree: Dapat bang pasalamatan ang mister kapag tumutulong siya sa gawaing bahay?

7 min read
Agree or disagree: Dapat bang pasalamatan ang mister kapag tumutulong siya sa gawaing bahay?

Ano nga ba ang tungkulin ng lalaki sa pamilya? Dapat bang pasalamatan si mister kapag tumutulong siya sa gawing bahay. Alamin dito!

Tungkulin ng ama sa tahanan, alamin kung bakit hindi dapat pasalamatan ng mga kababaihan, ayon sa mga eksperto.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Tungkulin ng lalaki at babae sa pamilya
  • Gender inequality sa loob ng tahanan
  • Pantay na tungkulin ng ama at ina sa loob ng bahay

Tungkulin ng lalaki at babae sa pamilya

Mula pa noong una ay nakasanayan na nating ang mga gawaing bahay ay dapat ginagawa ng kababaihan. Samantalang, ang paghahanap-buhay naman ay tungkulin ng lalaki at responsibilidad niya sa kaniyang pamilya.

Kaya naman ang tagpo na kung saan makikitang ang isang lalaki ay gumagawa ng gawaing-bahay ay itinuturing ng kakaiba at kapuri-puri na.

Ginagawa na rin itong batayan ng ilang kababaihan para isiping sila’y suwerte sa kanilang asawa. Magiging dahilan din ito para makaramdam ng labis na pagpapasalamat kumpara sa ibang lalaking hindi ito ginagawa.

Tulad na lamang ng kuwento ni Andrea na malaki na ang pasasalamat sa kaniyang asawang tinutulungan siya sa pagpapatulog ng kanilang anak. Sapagkat hindi umano ito ginagawa ng mga mister ng kaibigan niya. Sa paniniwalang ito umano’y dapat ginagawa lang ng mga ina.

Subalit ayon kay Darcy Lockman, isang psychologist hindi umano dapat pasalamatan ng mga babae ang pagtulong ni mister sa gawaing-bahay. Sapagkat tulad ng mga ina, tungkulin din ito ng isang lalaki bilang magulang kaniyang sa mga anak niya at pamilya.

Ito rin umano’y maituturing na misplaced gratitude. Mas nagpapahirap pa para makuha ang gender equality sa loob ng tahanan o pagkakaroon ng pantay na karapatan ng kababaihan at kalalakihan.

tungkulin ng mga magulang

Hindi lamang dapat si misis ang gumagawa sa gawaing bahay kundi pati na si mister. | Larawan mula sa Family photo created by pressfoto – www.freepik.com

Gender inequality sa loob ng tahanan

Advertisement

Ang gender inequality ay isa sa mga isyung kinahaharap ng ating lipunan. Kung saan hindi nabibigyan ng pantay na karapatan at oportunidad ang kababaihan sa kalalakihan. Madalas itong nangyayari sa trabaho na nagsisimula sa loob ng tahanan, na makikita sa paggawa ng mga gawaing-bahay.

Kung tutuusin dapat pantay ang pagtingin sa mga gawaing bahay. Dapat din na pantay rin ang tungkulin na ginagampan ng mga magulang. Pwede ring magtrabaho si Nanay o kaya naman maglaba si Tatay.

Isang magandang halimbawa nito ay ang pag-aaral na ginawa ng Bureau of Labor Statistics. Kung saan sa loob ng 20 years ay pare-pareho ang naging resulta.

BASAHIN:

Masama bang ipakita sa anak ang pag-iyak ng magulang? Ito ang kasagutan!

STUDY: Ilang dahilan kung bakit hindi pa handang maging tatay ang ilang lalaki

Ito ang epekto sa bata kapag nakikita niyang nag-aaway ang magulang

Ayon sa kanilang pag-aaral, maski na ba nagtratrabaho ang isang ina ay halos siya pa rin ang gumagawa ng 65% ng child-care responsibilities para sa kaniyang anak. Samantalang 35% naman ang ginagawa lang ng kaniyang asawa.

May ilang pag-aaral rin ang nagpatunay na kahit na tumutulong sa gawaing-bahay si mister. Hindi pa rin sapat ito para masasabing nakakakuha na ng pantay na oportunidad ang mag-asawa sa loob ng tahanan.

Tulad ng isang pag-aaral na nagsabing habang ang mga ama’y nagtratrabaho ng mas mahabang oras; mas mahabang oras ang iginugulgol ng kaniyang misis sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Subalit kabaliktaran naman ito para sa mga babaeng nagtratrabaho ng mas mahabang oras na kung saan mas maraming oras naman ang iginugugol ng kaniyang asawa sa panonood ng TV at pagpapahinga.

tungkulin ng mga magulang

Tungkulin ng mga magulang. | Larawan mula sa Food photo created by tirachardz – www.freepik.com

Ayon pa sa isang pag-aaral

May isang pag-aaral rin ang nagsabing ang mga inang may preschool-age na anak ay 2 and half times ang posibilidad na mas gumising sa gitna ng gabi para maibigay ang pangangailangan ng kanilang anak kumpara sa kanilang lalaking asawa.

Doble naman ang pagkakataon ng mga lalaking may anak na ma-enjoy ang kanilang weekend. Kumpara sa kanilang misis na dapat paring alagaan ang kanilang anak, ayon sa isang pag-aaral.

Habang may ilang inang nagtratrabaho naman ang mas pipiliing umabsent para maalagaan ang anak nilang may sakit na bibihirang ginagawa ng mga ama.

Ang mga resulta ng pag-aaral na nabanggit ang nagsisilbing patunay ng gender inequality sa loob ng tahanan. Hindi ito nakakabuti sa isang pagsasama. Na sa kinalaunan ay hindi rin makakabuti sa isang pamilya.

Pantay na tungkulin ng mga magualang sa loob ng bahay

Bagama’t dapat ikatuwa ng mga misis ang pagtulong ng kanilang mister sa paggawa ng gawaing-bahay; hindi umano dapat nila itong pasalamatan. Sapagkat ito umano’y responsibilidad at tungkulin ng ama sa kaniyang pamilya na dapat ay regular niyang ginagawa. Hindi lang mas magpapatibay ng pagsasama ng buong pamilya kundi pati na rin nilang mag-asawa.

Ang kahalagahan ng pantay na paggawa ng tungkulin na ito’y sinasabing isa sa mga dahilan para mai-save ang isang relasyon mula sa paghihiwalay.

Ayon nga isang report, lumabas na 45% less happy ang mga misis na mas gumagawa ng gawaing-bahay kumpara sa mga misis na tinutulungan o nakikibahagi ang mister sa gawaing-bahay.

Sinuportahan ito ng isa pang pag-aaral na isinagawa sa UK, Sweden at US na kung saan natuklasan na ang hindi pagpa-participate ng mga ama sa gawaing bahay ang isa sa mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga mag-asawa sa nakaraang sampung taon.

Partner Stories
Photobook spreads joy with giveaway of 1,000,000 photo books
Photobook spreads joy with giveaway of 1,000,000 photo books
Treat yourself and book your future staycation getaway with Klook!
Treat yourself and book your future staycation getaway with Klook!
DMCI Homes brings upscale high-rise living to Tandang Sora, Quezon City
DMCI Homes brings upscale high-rise living to Tandang Sora, Quezon City
Breakthrough Study Reveals Effectiveness of Difflam® Lozenges on COVID-19 Sore Throat
Breakthrough Study Reveals Effectiveness of Difflam® Lozenges on COVID-19 Sore Throat

Ang pagpapakita rin ng pantay na tungkulin ng ama at ina o magulang sa isang bahay ay makakabuti sa kanilang mga anak. Sapagkat ito ang kanilang magiging batayan at modelo sa paghubog sa kung magiging ano at sino sila sa lipunan. Ito ang simula para maintindihan nila na ang mga babae at lalaki ay may pantay na karapatan na kanilang nakikita sa kanilang mga magulang.

Bagama’t sinasabing may ilang gawaing-bahay na babae lang ang nakakagawa ng mabuti gaya ng pag-aalaga ng anak. Dapat ay maging pantay pa rin ang responsibilidad at tungkulin ng ama at mga ina o magulang. Sapagkat ang pagwawalang bahala sa isyu na ito; maaaring makasira ng pamilya na akala natin ay napapatakbo natin ng maayos at walang problema.

tungkulin ng mga magulang

Tungkulin ng lalaki sa pamilya.

Epekto ng pantay na paggawa ng tungkulin sa loob ng bahay

Hindi lamang mapapadali ang mga bagay-bagay sa loob ng bahay lalo na sa pagpapalaki ng mga anak. Sa isang pamilya at pagsasama na mayroon pantay na responsibilidad mas nagiging malapit din ang isang mag-asawa.

Kagaya nga ng mga sinasabi ng pag-aaral maiiwasan nito ang pagkakaroon ng lamat sa isang relasyon. Maganda rin ito sapagkat nakakalikha kayo ng isang team na mag-asawa. Kumbaga, nagtutulungan kayo sa lahat ng aspeto kaya naman sa ganitong paraan mas napapadali at napapagaan ng mga gawain sa loob ng bagay.

Makakaiwas din sa mga sumbatan na kadalasan na pinagmumulan ng away ng mga mag-aasawa. Kaya naman bilang mag-asawa dapat na pinag-uusapan din ang mga ganitong bagay. Ang mga gawain na pantay niyong ginagawa o ginagampanan.

Hindi ito magiging madali sapagkat nakasanayan na sa ating lipunan na ang babae ay para lamang sa mga gawaing bahay. Samantalang ang kalalakihan naman ay ang magtatrabaho at magpo-provide ng mga pangangailangan ng pamilya sa usaping pinansyal.

Tandaan na hindi ito social responsibility ng gender, isa kamang ama o ina wala dapat na tinatangging tungkulin kundi dapat parehas kayong gumagampan sa mga tungkulin bilang mga magulang, bilang isang ama o ina.

Sa ganitong paraan din natuturuan ninyo ang inyong mga anak ng gender equality. Maganda itong halimbawa para sa kanila na magagamit din nila sa kanilang paglaki.

Source:

The Atlantic, Plan International, Right for Education

Voice your opinion

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Agree or disagree: Dapat bang pasalamatan ang mister kapag tumutulong siya sa gawaing bahay?
Share:
  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Agree or Disagree: "Hindi natural sa tao ang maging monogamous o stick to one lang"

    Agree or Disagree: "Hindi natural sa tao ang maging monogamous o stick to one lang"

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Agree or Disagree: "Hindi natural sa tao ang maging monogamous o stick to one lang"

    Agree or Disagree: "Hindi natural sa tao ang maging monogamous o stick to one lang"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko