Bakit nga ba mahalaga ang pagtatago ng emosyon sa mga nanay?
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang negatibong epekto ng pagtatago ng emosyon ng nanay
- Tinatago mo rin ba ang emosyon mo sa iyong anak?
- Paano magkaroon ng balanseng approach?
Mula sa pag-iyak sa banyo at pag-alis ng bahay, maraming magulang ang ayaw ipakita ang tinatagong emosyon sa kanilang mga anak. Pero kinakailangan nga bang itago ito o malayang ipakita sa kanila ang normal na emosyon ng isang nanay?
Pagtatago ng emosyon ng nanay | Image from iStock
Kung tutuusin, malawak ang usaping ito. Ngunit may iilang kasagutan ang nalaman ng mga researcher mula sa pag-aaral.
Ang pangunahing dahilan ng pagtatago ng emosyon ng mga magulang ay ayaw nilang makita sila ng kanilang mga anak at isiping kasalanan nila ito.
Oo, may punto nga naman ang basehang ito. Totoo ang “emotional contagion” sa mga magulang. Isang pag-aaral ang nagsasabing maaaring maipasa ng mga magulang ang takot sa kanilang mga anak. Katulad na lamang kung may pangamba sila sa pagpunta sa dentista.
Sa kabilang banda, kinakailangan nating maging totoo sa ating mga anak. May benepisyo rin sa kanilang pagkatao kapag nakita nilang naglalabas ng emosyon ang mga magulang. Kung sasanayin, made-develop sa inyong mga anak ang kakayahan na makaya ang isang problema.
BASAHIN:
6 panlalait sa baby na natanggap ng mga nanay
Ano ang mga masamang epekto ng helicopter parenting?
STOP YELLING: Isang trick kung paano mapigilan na sigawan ang anak
Pagtatago ng emosyon ng nanay: Ang negatibong epekto nito
Pagpigil, uncontained expression at pagtalakay sa emosyon. Ito ang tatlong konsepto na kailangang tandaan kung ipapakita ang emosyon mo sa iyong mga anak.
Suppression, ito ay kapag tinatago mo ang panlabas na emosyon. Sa kasamaang palad, hindi naitatago ng mabuti ang emosyon ng bawat isa. Ito ay dahil nagagawa lamang ng pagtatago ng emosyon na pataasin ang iyong blood pressure at physiological arousal. Ano man ang tago, mapapansin pa rin ito ng taong nasa paligid mo at minsan, nalilipat din sa kanila ang stress.
Isa pang pag-aaral ang nagsasabing nagkakaroon ng mababang kalidad ng relasyon sa mga anak kung pinipigilan ng magulang kanilang negatibong emosyon na ilabas. Kasama na rito ang pagkabigong ibigay ang sapat na pangangailangan ng kanilang mga anak.
Sa katunayan, inaabangan din ng mga sanggol ang interaction ng kanilang mga magulang sa kanila. Kung sakaling hindi ito mangayari, hindi maiiwasang mainis ng mga sanggol.
Pagtatago ng emosyon ng nanay | Image from Unsplash
May kaugnayan ito sa kilalang “still face” experiment. Ito ay kapag nagpapakita ng blankong emosyon ang mga magulang sa maiksing oras.
Masasabing ang eksperimentong ito ay nakakapagbigay ng stress sa mga sanggol. Hindi kasi nila matagalan ang mukha ng kanilang mga magulang kapag ito ay blanko o hindi nagpapakita ng anumang uri ng emosyon.
Bukod pa rito, ang “uncontained” expression naman ng pagkagalit ay hindi nakabubuti sa mga bata. Kasama rito ang mataas na lebel ng emosyon o pagkawala ng kontrol.
Ilang halimbawa nito ay ang pagsigaw, paghagis ng isang bagay pati na rin ang paninisi ng iba.
Tinatago mo rin ba ang emosyon mo sa iyong anak?
Kung ang pagpigil at hindi kontroladong emosyon ay masama, ano nga ba ang dapat gawin?
Ang magandang gawin ay ang pag-usapan ang emosyon at ipakita ang tamang paraan upang makaya ito.
Ayon sa pag-aaral, may malalim nang pag-intindi sa emosyon ang mga anim na taong gulang na bata. Lalo na kung pipiliing pag-usapan ang bawat emosyon na pinapangunahan ng nanay.
Pagtatago ng emosyon ng nanay | Image from Freepik
Paano magkaroon ng balanseng approach?
Narito ang tatlong balanseng paraan na kailangang gawin sa loob ng bahay.
- Sobra ang nararamdaman mong lungkot at kailangan mong umalis ng kwarto para umiyak. Napansin ng anak mo na may mali pero hindi matukoy kung ano ito.
- Sobra ang nararamdaman mong lungkot at hindi mo makontrol ang mga luha sa harap ng iyong anak.
- Kung sobra-sobra ang nararamdamang pagkalungkot at hindi napigilang umiyak sa harap ng anak. Sinabi mo sa iyong anak na pagod ka, hindi lang naging maganda ang iyong araw at ‘wag na nilang intindihin ito. Saka mo ipinaliwanag na kakausapin mo lang ang iyong kaibigan sa telepono hanggang sa bumuti ang iyong kalagayan.
Sa pangatlong scenario, nagpapakita rito ang magandang oportunidad para malaman ng iyong anak ang tamang gawin kung sakaling nakakaramdam ng mabigat na pakiramdam. Para sa mga reseacher, ito ay ang tinatawag na “emotional coach” sa isang pangyayari.
Sa istilo ng pagpapalaki na ito, nagpapakita sa iyong mga anak ang tamang dapat gawin sa isang problema para maresolba ito.
Oo, dapat ay hindi tinatago ng mga magulang ang nararamdamang emosyon sa kanilang mga anak. Mas maganda kung bukas nila itong pag-uusapan kasama ang anak. Lalo na kung ano ang pinagmulan nito at kung paano gagawan ng solusyon.
Kaya naman sa susunod, kung ikaw ay malungkot o galit at alam mong nakikita ka ng anak mo, ‘wag pigilan ang emosyon. Ipaliwanag sa kanila ang nangyayari.
Written by John Lambie, Reader in Psychology, Anglia Ruskin University
This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!