Ang epekto ng helicopter parenting ay matagal nang sinusuri ng mga scientists at maging ang mga magulang.
Ano ang Helicopter Parenting?
Ano nga ba ang helicopter parenting? Ito ay isang parenting style kung saan ang isang magulang ay sobra-sobra ang atensiyon na binibigay sa kanyang anak.
Marahil ay wala namang masama dito sa paningin ng marami dahil marami namang naidudulot na mabuti ang pagiging tutok sa iyong anak. Pero kapag sumobra naman ito’y maaari ding makasama.
Ang mga helicopter parents ay ang mga “overprotective” to the point na lagi na nilang sinosolusyonan ang problema ng mga anak nila. Kahit na mabuti ang intensiyon, maaaring hindi na matuto magdesisyon para sa sarili nila ang kanilang anak.
Ano ang helicopter parenting? Ito ang sobrang involvement ng magulang na hindi na natututong maging independent ang bata | image courtesy: Getty Images
Dahil dito, maaaring napipigilan nilang matuto ang kanilang mga anak na mag-self motivate o maging independent at magdevelop ng sariling pag-iisip.
“Stepping in and doing for a child what the child developmentally should be doing for him or herself, is negative (Ang pagtulong sa bata pagdating sa mga bagay na dapat niyang matutunan ay isang negatibong bagay),” professor Larry Nelson of Brigham Young University, said in a statement. “Regardless of the form of control, it’s harmful at this time period (Ano mang uri ng kontrol, nakakasama ito sa panahong ito.”
Maliban sa negatibong epekto sa pagiging independent ng bata, ang helicopter parenting ay umaapekto sa brain development ng bata.
Narito ang Mga Negatibong Epekto ng Helicopter Parenting, Ayon sa Mga Eksperto
1. Anxiety at depression
Ang helicopter parents ay walang “boundaries” at walang konsepto ng privacy. Habang lumalaki ang bata, lalo na kapag nasa pre-teen age, kailangan nilang space para matuto. Siyempre andiyan pa rin ang guidance, pero kinakailangang hayaan silang maging independent.
Ang sobrang controlling na parents ay madalas may unrealistic na expectations sa kanilang anak. Dahild ito, sabi ng isang pagsasaliksik noong 2016, lumalaking sobra ang self-doubt ng bata.
“When parents become too intrusive in their children’s lives, it may signal to the children that what they do is never good enough (Kapag masyadong nangingialam ang magulang sa buhay nila, maaaring maiparamdam sa bata na hindi tama o sapat ang kahit ano mang gawin nila),” sabi ng study leader na si Ryan Hong, an assistant professor in the department of psychology at the National University of Singapore, sa Health.com.
2. Kawalan ng Tiwala sa Sarili
Ayon sa pag-aaral ng Journal of Emerging Adulthood, ang mga batang may “helicopter parents” ay hindi nag-aaral nang mabuti. Ayon sa mga researchers, mababa ang pagpapahalaga sa sarili at hindi mabuting ugali.
And importante ay bigyan ng space ang mga bata upang matuto, na walang takot, kahit na magkamali sila.
3. Pagiging Sobrang Dependent sa mga Magulang
Ang mga anak ng helicopter parenting ay may tendency na umasa nang sobra kay mommy at daddy.
Pero mahalagang matutunan ng bawat bata kung paano bumangon sa pagkakamali. Kaya importanteng hayaan ang mga batang matuto nang mag-isa, habang nadidiskubre ang mga limitasyon nila.
Oo, lahat ng magulang ay ayaw namang mahirapan ang anak, pero importante ding ma-challenge sila dahil dito sila lubusang matututo.
Kapag naging matiyaga kasi sila, mas magiging independent at matibay sila paglaki.
4. Pagiging Magagalitin o Pala-away
Ayon sa research, ang mga batang may helicopter parents ay madalas pala-away sa kapwa bata. Pinaniniwalaang reaksyon nila ito sa sobrang kontrol ng mga magulang nila. Nagiging magagalitin sila dahil gusto nilang i-assert ang dominance nila.
Dahil dito, hirap silang makibagay sa kapwa bata. Dahil sa paghahangad nilang maging mas independent, mas maikli ang pasensiya nila sa ibang bata.
Hindi Lamang Ugali ang Naapektuhan ng Helicopter Parenting, Pati Na Rin Ang Brain Development
Ang prefrontal cortex o ang parte ng utak na gumagawa ng desisyon ay kinokontrol ang amygdala, kung saan din nagaganap ang ‘fight or flight response.’ Kapag hindi mapalagay o anxious ang bata, in control ang amygdala nila at madali silang ma-overwhelm. Pakiramdam nila ay wala silang kakayanan at hindi sila makipag-desisyon para sa sarili nila.
Kahit na teenagers na sila, maaari pa ring apektuhan ng helicopter parenting ang problem-solving at decision-making skills nila.
Paano Matutulungan ng Mga Magulang na Labanan ang Negatibong Epekto ng Helicopter Parenting?
- Pagkatiwalaan ang iyong anak sa mga bagay na naaayon sa edad at development nila.
- Bigyan sila ng kapasidad upang magampanan ang isang gawain.
- Maging handa na tulungan sila kapag nahirapan o nagkamali sila.
- Obserbahan muna kung paano nila iha-handle ang frustration bago mo sila tulungan.
- Pakinggan sila nang mabuti. Paalalahanan kung gaano mo sila kamahal bago mo sila tulungan na i-solve ang isang problema.
- Kausapin sila sa paraan na makakatulong sa umuusbong nilang talino at kapasidad na solusyonan ang problema.
- Siguraduhin na alam nila na ang struggles o paghihirap ay pagkakataon upang matuto at humingi ng tulong sa kapwa.
- Mag-focus sa proseso hindi lamang sa resulta.
- Higit sa lahat, iparamdam sa kanila na importante at kahanga-hanga ang effort nila, na importante ang hindi sumuko, ipagbunyi ang tiyaga, hindi lamang ang tagumpay!
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na article ni Bianchi Mendoza.
sources: Science Daily, Psychology Today, TIME, The Huffington Post, NPR, Scientific American
BASAHIN: Mga pagkaing Pinoy para sa pagyabong ng talino ng iyong anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!