X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

ALAMIN: Delayed ba ang development ng anak mo?

6 min read
ALAMIN: Delayed ba ang development ng anak mo?

Dapat nating bigyan ng pagkakataon ang mga bata na umunlad ng sa kanilang sariling panahon, huwag kalimutan ang mga developmental red flags na dapat pagtuunan ng pansin habang siya ay lumalaki.

Bakit matagal maglakad si baby? Lahat ng magulang ay sang-ayon na ang unang milestones ng mga bata ay mahalaga. Ang kanilang unang beses na itaas ang ulo, gumapang, maglakad, o magsalita. Ngunit kung hindi nila maabot ang mga milestones na ito sa unang taon, maaaring dapat na itong ikabahala.

Mula sa pagkapanganak, ang iyong anak ay may pinapakitang senyales ng paglaki at pag-develop. Ang pagtingin niya sa mga bagay sa paligid, kung paano niya ito hawakan, o kung gaano kabilis siya matutong magsalita at maglakad ay pawang mga tanda na siya ay lumalaki nang malusog.

Ganon din sa pagtingin kung sila ay nahuhuli na sa pag-unlad o development. Kailangang maging alisto sa pagsunod sa development ng bata, pati na sa pagpansin kung may problema ba, pagkahuli o ang tinatawag na developmental red flags.

matagal maglakad si baby

Image from Freepik

Mabagal ang development ng anak sa edad 1-36 buwan

Dahil ang mga magulang ang palaging kasama, sila ang makakapansin kung hindi umuunlad ang fine motor skills, cognitive skills, language at speech, pati na physical development.

Pero paano kung hindi mapansin ang red flags na ito? Narito ang ilan sa mga ito.

1. Developmental red flags (1 hanggang 3 buwan)

Magugulat ka sa kayang gawin at sa bilis ng pag-unlad ng iyong sanggol sa panahong ito. Kahit gaano kabata, masasabi nila sa iyo kung ano ang nararamdaman at kung may pag-unlad na nangyayari.

Ito ang mga dapat obserbahan:

  • Hindi kumikibo kahit may malakas na tunog
  • Hindi sumusunod ang tingin sa mga gumagalaw na gamit
  • Hindi ngumingiti kapag kinakausap o nilalaro
  • Hindi humahawak ng mga bagay
  • Hindi naiaangat ang ulo sa edad na 3 buwan
  • Hindi interesado sa pagsubo ng mga bagay
  • Hindi nakakasipa ng mga laruan o bagay
  • Hindi naigagalaw ang isa o 2 mata

Bagamat ito ay mga red flags, dapat maintindihan na may mga sanggol na minsan ay nahuhuli nang bahagya sa pag-unlad.

Hintayin at huwag kaagad maalala. Magpatingin sa doktor kung may napapansing pagkahuli sa paningin at pandinig. Kung hindi nakakaupo nang mag-isa sa edad na 6 na buwan, dapat ding ikunsulta sa doktor.

mabagal ang development ng anak

Kung anak mo ay hindi pa makaupo nang mag-isa kapag 6 months na siya, maaaring red flag ito na mabagal ang development ng anak mo. | Image courtesy: File photo

2. Developmental red flags (4 hanggang 7 buwan)

Sa edad na ito, nagiging aktibo na ang mga sanggol. Umiikot na nang sarili, inaangat ang ulo, tumatawa at humahagikgik.

Kung hindi pa kaya ang mga sumusunod, dapat nang mag-alala:

  • Naninigas ang mga muscles
  • Hindi naigagalaw ang mga braso at binti, at parang manyika na walang buhay
  • Hindi pa rin naiaangat ang ulo sa ika-7 buwan
  • Walang pinapakitang reaksiyon kapag nakikita ang mga magulang o kaanak
  • Parang ayaw na may tao sa paligid
  • Umiiyak o nagbubwisit kapag maraming tao sa paligid
  • Hindi nakaka-focus ang mga mata
  • Sensitibo sa liwanag at lumuluha, o di kaya ay tuyo ang mga mata
  • Hindi kumikibo kahit maingay
  • Hindi nakakasubo ng mga bagay
  • Hindi tumitingin kapag may ingay, o hindi lumilingon kapag may tumatawag sa kaniya
  • Hindi pa rin kayang umikot kapag nakadapa, o hindi nakakaupo sa ika-6 na buwan
  • Hindi tumatawa o humahagikgik
  • Payat ang mga binti kung ikukumpara sa kaniyang katawan

3. Developmental red flags (8-12 buwan)

Malapit na siyang mag-isang taon, kaya’t marami na siyang nagagawa.

Kung hindi pa nagagawa ang mga sumusunod, dapat ipag-alala:

  • Hindi pa gumagapang
  • Hinihila ang isang side ng katawan para makagapang
  • Hindi pa nakakatayo ng may suporta
  • Hindi interesado sa paglalaro at hindi naghahanap ng laruan
  • Hindi nakakapagsalita ng simpleng salita tulad ng “mama” at “dada”
  • Hindi gumagamit ng mga paggalaw ng kamay
  • Hindi nakakaupo nang matagal sa isang lugar pagkatapos mag-10 buwan

* Ang paglakad ay maaring hintayin hanggang 18 months.

Ang mga ito ay maaaring maging hudyat ng mga neurological disorder at development delay tulad ng Down syndrome o autism.

mabagal ang development ng anak

Obserbahan nang mabuti ang iyong anak sa edad 1 to 3 upang malaman agad if mayroon mabagal ang development ng anak mo. | Image courtesy: Dreamstime

4. Developmental red flags (12-24 buwan)

Sa edad na ito, may sariling personalidad na ang mga bata. May mapaglaro, makulit, masayahin, bugnutin.

Kung hindi pa nagagawa ang mga sumusunod, dapat ipag-alala:

  • Hindi pa nakakalakad ng 18 buwan
  • Nakatingkayad sa paglakad
  • Hindi nagsasalita kahit ilang simpleng salita lamang tulad ng “mama” at “dada”
  • Hindi pa nakakahawak ng kutsara, tinidor, o anumang bagay, sa edad na 15 buwan
  • Hindi gumagaya ng salita sa edad na 24 buwan
  • Hindi nakakasunod sa mga single-step instructions sa edad na 24 buwan

5. Developmental red flags (24-36 buwan)

Sa ikalawang taon, marunong na dapat maglakad, tumakbo, maglaro, magsalita ang bata. Ang kaniyang cognitive, motor at speech at language skills ay umuunlad na.

Kung hindi pa nagagawa ang mga sumusunod, dapat ipag-alala:

Partner Stories
3 Important Wonders of Vitamin D for Kids
3 Important Wonders of Vitamin D for Kids
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
  • Hindi pa nakakagapang at nakakapaglakad
  • Nahuhulog kapag umaakyat ng hagdan
  • Hindi malinaw ang pagsasalita
  • Naglalaway
  • Hirap humawak at maglaro ng mga laruan
  • Hindi nakakasunod sa one-step instructions
  • Hindi interesado o di nakikipaglaro sa kapwa bata
  • Hindi nakikipag-usap gamit ang kumpletong pangungusap
  • Ayaw humiwalay sa tagapag-alaga o magulang

6. Developmental red flags (3-4 taon)

Ito na ang edad ng pagpasok sa eskwela. May mga batang matatas na magsalita at maayos na ang motor at cognitive skills, pati speech skills, sa edad na 3 taon.

Kung hindi pa nagagawa ang mga sumusunod, dapat ipag-alala:

  • Hindi nakakatalon i nakakapaglakad nang maayos
  • Hindi nakakahawak ng mga bagay gamit ang hintuturo at hinlalaki
  • Hindi pinapansin ang mga ibang bata at hindi nakikipaglaro
  • Ayaw humiwalay sa magulang
  • Hindi nagsasalita at ayaw makipag-usap sa mga kaanak
  • Ayaw matulog, magbihis, o pumunta sa banyo
  • Madaling magalit o umiyak at may bayolenteng pagbubuwisit
  • Hindi gumagamit ng “ikaw” at “ako” nang maayos
    Ang bawat bata ay kakaiba. Bagamat natural ang bilis ng pag-unlad o develpment ng isa, hindi nangangahulugan na ganon din ang iba.

Obserbahan nang mabuti ang anak at tandaan ang mga red flags na nabanggit. Kapag may napansin, kaagad na dalhin sa doktor.

Pagkatapos lamang ng tamang obserbasyon at screening ng espesyalista saka lamang malalaman ang tamang kongklusyon. Huwag madaliin ang pagkatuto ng mga bata.

 

Sources:

TCLNY, CDC

Isinalin sa wikang Filipino mula sa orihinal na Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

Basahin:

6 Bagay na dapat malaman ng mga magulang tungkol sa developmental delays 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Deepshikha Punj

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • ALAMIN: Delayed ba ang development ng anak mo?
Share:
  • 15 signs na delayed ang development ng isang bata

    15 signs na delayed ang development ng isang bata

  • Playing with mud, collecting dusty leaves and still being healthy—let your child live their childhood!

    Playing with mud, collecting dusty leaves and still being healthy—let your child live their childhood!

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 15 signs na delayed ang development ng isang bata

    15 signs na delayed ang development ng isang bata

  • Playing with mud, collecting dusty leaves and still being healthy—let your child live their childhood!

    Playing with mud, collecting dusty leaves and still being healthy—let your child live their childhood!

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.