6 Bagay na dapat malaman ng mga magulang tungkol sa developmental delays

6 Bagay na dapat malaman ng mga magulang tungkol sa developmental delays

…at bakit hindi dapat mabahala sa mga ito

Ano nga ba ang tinatawag na developmental delay sa isang bata? Bakit madalas itong naririnig kapag Parent-Teacher’s meeting ng anak?

Nakakapag-alala kapag napapansin na “nahuhuli” na sa pag-unlad o development ng ilang skills ang anak—hindi pa siya naglalakad, hindi pa siya nagsasalita, hindi pa siya nagsusulat o nagbabasa!

Kapag kasi tiningnan mo ang ibang bata na ka-edad niya, nauna nang natutunan ang mga basic skills. Kaya tuloy nababansagan na slow (ang pagkatuto) o mahina (ang kakayahan) niya.

Narito ang mga importanteng bagay na dapat malaman tungkol sa developmental delay.

Tanong ni Mommy: Delayed Ba Ang Anak Ko?
delayed ba ang anak ako

Delayed ba ang anak ko? Huwag masyadong mag-alala if til late matuto ang iyong anak. May sarili siyang “pace” at “learning style.” | image courtesy: pexels

1. Ano ang Developmental Delay?

Karaniwang napapansin “nahuhuli” na siya sa pagkatuto. Pero hindi ito ang karaniwan na pagiging huli, kundi may tinatawag na “substantial lag” o pagkahuli sa mga importanteng kakayahan na dapat ay alam na o kaya na ng batang nasa edad niya.

Nada-diagnose ang developmental delay kapag ang isang bata ay hindi pa natututunan o naaabot ang inaasahang kakayahan sa developmental milestone, sa nakatakdang edad. May mga minor o di naman dapat ipag-alala, at may mga mahalaga at dapat na pagtuunan ng pansin.

Maraming developmental delays ang hindi naman seryoso at sa paglipas ng panahon ay sadyang nakakahabol din ang bata at natututunan din niya ang dapat na matutunan. Walang nakakaalam kung bakit nangyari ito, o wala namang sanhi.

Naikukumpara din kasi sa iba, kaya kadalasan ay nag-aalala ang magulang. Ang panganay ko ay natutong maglakad ng 10 buwang taong gulang.

Kaya nung nag-isang taong gulang ang pangalawa kong anak, at gumagapang pa rin ito na hinihila ang kanang binti, at hindi pa naglalakad, nag-alala kami. Umiiyak na ako at balisa dahil baka hindi na siya makalakad.

Pero isang araw, sa ika-13 buwan niya, ginulat na lang niya kami nang bigla na lang siyang tumayo at naglakad. Iba-iba lang pala talaga ang bilis at panahon ng pagkatuto ng mga bata.

Pero kung mayroon ngang developmental delay ang isang bata, maraming bagay ang puwedeng gawin para matulungan silang makahabol at matutunan pa sa mga area na huli sila.

2. May 5 areas of development kung saan maaaring mahuli ang isang bata.

Maaaring magkaroon ang bata ng delay sa isa o higit pa sa mga areas of development na ito. May tinatawag na global developmental delay, kung saan ang mga bata ay may delay sa dalawa at higit pang areas.

Cognitive (o thinking) skills: Ito ang kakayahang mag-isip, matuto at magbigay ng solusyon sa isang problema. Sa mga babies, curiosity o pagkamausisa ang tawag dito.

Pinagmamasdan ng bata ang paligid niya at inaalam kung ano ito, gamit ang mata, kamay, pandinig at maski panlasa. Sa mga toddlers, kasama na ang pagbibilang, pag-alam ng mga kulay at pagkatuto ng mga bagong salita.

Social at emotional skills: Ito ang kakayahang makitungo sa mga tao, kasama na ang paraan ng paghayag at pag-kontrol ng nararamdaman. Ito ang pagngiti at paggamit ng mga tunog (bababa, dadada) ng mga sanggol para sa komunikasyon. Sa mga toddlers at preschoolers, ito ay ang paggamit ng mga salita para masabi ang gusto, ayaw at masabi ang iniisip.

Speech at language skills: Ito ang kakayahang gumamit at makaintindi ng language. Sa babies, ito ang paggamit pa rin ng iba’t ibang tunog o tinatawag na babbling kapag nakikipaglaro o nakikipag-usap sa mga matatanda. Sa mga mas malalaking bata na, ito ang pakikipag-usap gamit ang mga salia at pangungusap.

Fine at gross motor skills: Ito ang paggamit ng small muscles (fine motor) ng mga kamay at daliri, at large muscles (gross motor) ng buong katawan. Gamit ng mga sanggol ang fine motor skills para hawakan ang mga bagay o laruan sa paligid. Sa mga toddlers at preschoolers, ito ang paggamit ng mga kubyertos at mga tools para sa pagguhit tulad ng lapis at crayons.

Gamit naman ng mga babies ang gross motor skills para umupo, umikot, at magsimulang maglakad. Ito naman ang gamit ng mga mas malalaki na sa pagtalon, pagtakbo, paglambitin, pag-tumbling, at pag-akyat ng hagdan at iba pang equipment sa playground.

Kasama na rin sa kakayahang inaasahan any ang mga life skills na tinatawag, tulad ng pagkain, pagbibihis, paliligo, at mga katulad nito.

3. Walang iisang sanhi ng developmental delay, pero may mga risk risk factors.

May mga nagkakaroon ng komplikasyon sa pagkapanganak pa lamang, tulad ng premature birth, low birth weight, at pagkakulang ng oxygen pagkapanganak.

May mga natutukoy din na environmental issues tulad ng lead poisoning, pag-inom ng alak at paggamit ng bawal na gamot habang nagbubuntis ang ina, trauma, labis na stress at kakulangan sa nutrisyon.

May mga pag-aaral din na nagsasaad na ang mga ibang sakit o kondisyon tulad ng chronic ear infection, problema sa paningin o mata, at injuries ang maaaring makaapekto sa development ng bata.

4. May mga warning signs para malaman kung may delay ang pag-unlad ng bata.

Ang delay sa speech at language ay makikita kapag:

  • Sa edad 3 – 4 buwan, hindi nakakarinig ng mga tunog o “pagdadaldal” (babbling at cooing) kapag nilalaro ang sanggol.
  • Hindi ginagaya ang mga sinasabi o ginagawang ingay ng mga matatanda kapag kinakausap ito, sa edad na 4 na buwan pataas.
  • Hindi napapansin at walang reaksiyon sa mga ingay sa paligid sa edad na 7 buwan Hindi nagsasalita o nagsasabi ng anumang salita sa edad na 1 taon.
  • Hindi nakakapagsabi o nakakapbigkas ng hindi bababa sa 15 salita words, at hindi nakikipag-usap sa edad na 2 taon.

Para sa mga sanggol hanggang 2 taong gulang, ang delay sa language at speech ang pinakakaraniwan. Madalas naikukumpara ang anak sa ibang bata, lalo sa mga kapatid nito.

Hindi dapat ikabahala kung napansin na hindi pa nagsasalita ang iyong toddler, samantalang ang panganay na anak ay madaldal na nung siya ay nasa ganitong edad. Iba-iba ang panahon ng pagkatuto ng bawat bata. Ang ilang buwang pagkakaiba sa development ay natural lang.

Kung nahihirapan ang anak sa eskwelahan at pagkatuto, maaaring tingnan ang posibilidad ng learning disability tulad ng hyperactivity disorder o ADHD, at autism spectrum disorder (ASD).

Kung may speech delay, ikunsulta sa pediatrician ng anak at mairerekumenda niya ang ebalwasyon ng isang speech-language pathologist.

Sa motor skills, kapag napansin na hindi naglalakad o tumatakbo, hindi nakakahawak ng kutsara o lapis ng tama ang bata, maaaring may delay ito. kapag:

  • Hindi nakakahawak ng mga bagay sa edad na 3 hanggang 4 na buwan.
  • Hindi umiikot para dumapa sa edad 5 buwan.
  • Hindi nakakaupo nang mag-isa sa edad na 6 na buwan.
  • Hindi nakakaabot ng mga bagay sa edad na 7 buwan.
  • Hindi gumagapang o nakakatayo nang may gabay sa edad na 1 taon.
  • Hindi nakakalakad o nakakatulak ng laruan may gulong sa edad na 18 buwan.
  • Nakatingkayad kapag naglalakad sa edad na 2 taon.

Karaniwang sanhi ng delay sa fine at gross motor development ay premature birth, cerebral palsy, epilepsy, problema sa paningin, at ilang cognitive delays.

Mapapansin ang hindi paggapang at paglalakad ng bata, hindi tama o hindi kayang humawak ng mga kubyertos o panulat.

Kumunsulta agad sa doktor ang anumang delay na napapansin. Physical therapy at occupational therapy ang tugon sa mga delay na ito.

Ang cognitive o pag-iisip naman ay kadalasang tinatawag na intellectual disability. Maaaring may learning disability (tulad ADHD), lead poisoning, a genetic disorder, o autism spectrum disorder (ASD). Early intervention at treatment ang kailangan para matugunan ang pangangailangan ng bata.

Kapag:
  • Hindi tumuturo sa mga bagay sa edad na 1 taon.
  • Hindi nakakasunod sa simpleng instructions, hindi nakakagaya ng galaw o salita, at hindi natutunan ang tamang paggamit ng mga ordinaryong bagay tulad ng kutsara, suklay, o laruang mekanikal, sa edad na 2 taon.
  • Sa paningin, hanggang 6 na buwan, natural lang na malabo pa ang paningin ng mga sanggol. Habang lumalaki, dapat na humihigit ang kakayanan.
Kapag:
  • Hindi nilalaro ang sariling kamay sa edad na 2 buwan.
    Hindi sumusunod ang paningin sa mga gumagalaw na bagay sa edad na 3 buwan.
  • May napapansin na pagluluha sa edad na 6 na buwan.
    Hindi sumusonod sa mga gumagalaw na bagay malapit man o malayo, sa edad na 6 na buwan.

Sa aspetong social o emotional, ang delay sa social at emotional ay nakakahadlang sa pakikitungo at paikisalamuha ng bata sa ibang tao.

Hindi siya interesado o mahina sa interaksiyon. Karaniwang nakikita ito sa edad na papasok na sa eskwela ang bata.

Mayroong tinatawag na pervasive developmental disorder (PDD), na nasa ilalim ng autism spectrum disorder (ASD).

Walang “gamot” sa ASD pero may treatment para matulungang maging aktibong miyembro na lipunan ang bata, tulad ng behavioral therapy at medikasyon.

5. Hindi dapat ikabahala kung may delay, o hindi naaabot ang developmental milestones sa “tamang oras”, dahil hindi lang ito ang aspetong dapat tingnan sa pagtingin sa developmental delay.

Lahat ng bata ay natututo sa kani-kaniyang oras at panahon.

Hindi lahat ng delay ay kondisyong medikal. Minsan ito ay sanhi ng natural causes lang. Makakatulong ang pagbibigay ng karampatang stimulation sa bata.

Ayon kay April Rodriguez, isang certified Early Childhood Educator, ang mga bata ay natututo mula sa mga oportunidad at karanasan na sadyang ibinibigay ng kaniyang mga magulang, pati na caregiver at mga guro.

Kung sagana at mayaman sa karanasang pagkatuto ang naibibigay sa bata, sa paglaki nito, lalo sa edad 0 hanggang 6 taong gulang, malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng bata.

Ang unang 6 na taon ng bata ay ang pinakamahalagang formative years nito, kung saan pinakamabilis siyang natututo at ang lahat ng natutunan ay pundasyon sa pagkatuto niya sa paglaki, hanggang pagtanda.

6. Ang developmental delay ay hindi permanente, kung pagtutuunan ito ng pansin ng mga magulang.

Kung sa pakiwari ay may kulang o problema sa development ng anak, ikunsulta agad sa pediatrician at humingi ng rekomendasyon para sa mga espesyalista. Humingi ng developmental screening hangga’t maaga.

May mga professional assessment na puwedeng gawin para makita ang delay: ang aspetong medikal na doktor ang makakapagbigay, at educational, na education professionals ang makakapagbigay.

After a developmental delay diagnosis, you will be pleasantly surprised at the number of resources available to your child and family. You can start by researching online for what resources might be available in your area and you will find comfort in reaching out to other parents with children who also have a developmental delay.

Habang maaga, mas malaki ang tulong na maibibigay sa bata. Sa anumang developmental delay, early intervention ang nararapat.

Kapag may diagnosis na, maraming early intervention at treatment, suppport at pati na online resources na makakatulong sa mga magulang para matugunan ang kailangan ng mga anak na may delay.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang: autismspeaks.org, devdelay.org, ed.gov

BASAHIN: Turuan ang mga batang magsabi ng “Huwag!”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner