Kung ikaw ay isang magulang na hiwalay na sa iyong asawa o dating partner, malamang ay may napagkasunduan na kayong custody arrangement. Ito ay maaaring verbal, sa barangay, o sa harap ng abogado. Ngunit ayon sa pinakabagong ruling ng Korte Suprema ng Pilipinas, kahit pa may kasunduan na, hindi ito obligadong sundin ng korte kung hindi ito makakabuti sa bata.
Actual Case: Kasunduan sa Barangay hindi sinunod dahil sa best interest ng bata
Sa kasong dininig ng Korte Suprema, pinag-usapan ng magulang sa barangay na ibabalik ng ama ang anak sa ina pagkatapos ng school year, bilang bahagi ng kanilang custody agreement matapos ang lockdown.
Ngunit nang dumating ang takdang panahon, hindi ibinalik ng ama ang bata. Bukod dito, nais din umano ng bata na manatili sa kanyang ama. Dahil dito, nagsampa ng reklamo ang ina at humingi ng tulong sa korte.
Una, pumanig sa kasunduan ang lower courts base sa barangay agreement. Pero nang umabot sa Korte Suprema, binaligtad ang naunang desisyon.
Ayon sa Korte Suprema:
“Hindi obligado ang mga hukuman na sundin ang kasunduan ng mga magulang kung ito ay salungat sa kapakanan ng bata.”
Ano ang dapat malaman ng mga magulang?
Child Custody: Kapakanan ng Bata, Matimbang Kaysa Kasunduan
1. Kapakanan ng Bata ang Laging Uunahin
Ang “best interest of the child” ang magiging basehan ng korte sa pagdedesisyon. Kahit may kasunduan, hindi ito automatic na masusunod kung hindi ito nakabubuti sa bata.
2. Hindi Palaging Binding ang Barangay Agreement
Kahit pormal ang usapan sa barangay at may pirmahan pa, puwede pa rin itong balewalain ng korte kung labag sa kapakanan ng anak.
3. Puwedeng Pakinggan ang Panig ng Bata
Kung ang bata ay may sapat na edad at maturity, maaaring isama ng korte sa konsiderasyon ang kanyang saloobin o kagustuhan.
Kung hindi naibabalik sa iyo ang bata kahit may kasunduan, maaaring magsampa ng writ of habeas corpus upang hilingin sa korte na maibalik siya sa iyo.
5. May Due Process
Hindi basta-basta ibinibigay ang child custody. Kailangan itong dumaan sa tamang proseso, hearing, at masusing evaluation ng korte.
Tandaan: Kapakanan ng bata ang laging uunahin
Ang kasunduan sa pagitan ng mga magulang ay maaaring magsilbing panimulang gabay, ngunit hindi ito palaging masusunod. Ito ay sa kadahilanang may mas mahalagang dapat isaalang-alang, ang kabuuang kapakanan ng bata.
Kung may hindi napagkakasunduan sa kustodiya, huwag nang hintayin pang lumala ang sitwasyon. Agad na kumonsulta sa isang family lawyer upang maayos ito sa tamang legal na proseso.
Iwasan ang pag-asa sa verbal o barangay-level na kasunduan lang, lalo na kung may posibilidad na maapektuhan ang anak, emosyonal man, mental, o pisikal. Sa huli, ang desisyon ng korte ay palaging papanig sa kung ano ang makakabuti para sa bata.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!