REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

"May mga bagay lang talaga na dumarating at nangyayari for us to learn a lesson, for us to think, to cherish each moments, to gain knowledge, to have the courage."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

I was 17 when I get pregnant and 18 when I gave birth to a handsome baby boy. I celebrated my debut by having my firstborn child. Yes, a lot of people may say that tag line “Batang ina” and I know that I am not an exception to that.

A brief family background

Maaga akong nagkapamilya mainly because of my childhood experiences. I have been in a broken family. My mother was an OFW while my father stand as our “MaPa” during my 15 years of life.

Na-broken kami dahil sa sitwasyon ng mga magulang ko. Wala si Mama sa bahay para alagaan kami, si Papa ang gumagawa ng mga dapat ginagawa ni Mama.

Masaya naman kami at kuntento sa aming simpleng buhay. Hanggang sa nalaman ng aking Tatay na ang aking Nanay pala ay may kabit o may affair sa ibang bansa. Pinakamasakit doon, ginawa rin iyon ni Papa, nagkaroon din siya ng affair. Kaming dalawang magkapatid ay sobrang nasaktan, it broke us completely. 

Parehas silang nagloloko at nagkaroon ng affair sa harap naming magkapatid, at doon nagsimula ang lahat. Nagsimulang magdala ng babae ang Tatay ko ng mga babae sa bahay kahit na alam niyang andun kaming magkapatid. Siyempre gumagawa sila ng himala.

Ang sitwasyon ng aking mga magulang ang nagpabago sa ‘king reyalidad. Kinulang ako sa pagmamahal ng mga magulang, nasira, nawasak. Until I found myself na longing for someone to take care of me, to love me as much as my parents do.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Chance to be able to meet my husband

When I met my husband, “he had me at my lowest”. Yes, very cliche yet fact itong line na ito. I was so down, so drown in life na I don’t know what to believe anymore.

Hidni ko na alam kung saan ako pupunta. I didn’t even know what to think, what to do. Lagi akong nagdadasal noon na dumating na ko sa point ng buhay ko na I get to feel again. Because I felt so numb na due to so much pain.

I prayed unto God that He will put an end to this misery. To give me the chance to be loved and to be loved again. And God answered me using my husband as an instrument, ‘di lang yon, He even gave us our firstborn son.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagiging sisang ina – Motherhood

Bata mang maituturing, ignorante man sa pagiging isang ina pero God knows that I am very much willing to learn all things that a mother does. To provide, to loved, to take care of everything especially para sa kapakanan ng anak, my son.

After I gave birth, I continued my studies, June exactly that school year. Tumira kami ng anak ko sa puder ng husband ko and that is the beginning of my reality as a mother, as a parent.

Umpisa pa lang alam ko nang mahihirapan ako, hindi sa “pakikisama”.  Pero kung papaano ako mag-i-stand bilang isang ina o pagiging isang ina sa anak ko sa kabila na nasa iisa kaming bahay kasama ang in-laws ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagiging isang ina. | Larawan mula sa Shutterstock

Habang nag-aaral ako, very usual na ang aking biyenan ang mag-aalaga ng baby ko. Yes, pabor for the both parties because my husband will do the work while I am studying and my in-laws will take care of the baby.

Sa una madali para sa aming mag-asawa na makakilos dahil may tumutulong sa amin. Pero habang tumatagal nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam bilang ina.

Pagiging isang ina. | Larawan mula sa Shutterstock

I felt the urge, the fire to become a mother. Nag-aaral ako, oo hindi lang naman para sa sarili ko. It was for my son as well na magbe-benefit sa knowledge ko as his teacher (sana) at makakatulong to provide for his needs pero hindi ganun ‘yong nangyari.

Ang anak namin ang unang apo kaya naman mahal na mahal siya ng mga biyenan ko at ng mga hipag ko. Lahat bigay, sunod sa luho, sunod sa hilig. Hindi ko napapansin nung una na hindi na pala ako nakikilala ng anak ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

He didn’t even called us “Mama or Papa”, but “Mommy and Daddy” na biyenan ko ang nag-decide. Alam ninyo ba ‘yong feeling na ‘yong first word ng anak ninyo ay, “Mama” pero hindi ikaw yon?

Nung una ang thinking ko lang ay, “Okay lang, sila naman nag-aalaga. Magpapasalamat na lang ako na hindi napapabayaan ‘yong bata.”

Pero habang tumatagal na-realize ko na ako ‘yong ina, na isa akong ina. The fact also is that instead na sa amin natutulog si baby, sila na rin and nag-decide na itabi sa kanila ‘yong bata. Hindi ko naman ikinagusto ‘yon.

Pero nirespeto ko na lang ang kagustuhan ng mga biyenan ko. Sapagkat wala akong nagawa umayon ako sa set up na gusto nila. Dahil, oo, nakikitira lang ako. I don’t have the voice at home, nakikisama ako ng paulit-ulit, at kailangan kong sumunod.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

My son growing up

Habang lumalaki si baby, kapansin-pansin na hindi niya kami nakikita as his parents. Kahit pa nasa paligid lang kami, lalo na ako bilang ina.

Oo, marahil that time na nag-aaral pa lang ako at wala pang trabaho ay talagang hindi ko masabing maaalagaan ko nga ng husto si baby.

Pero na-realized ko ang halaga ko pero wala akong pagkakataon para maipakita’t maiparamdam ‘yon sa baby ko. Sapagkat lagi nilang sinasabi sa anak ko na, “Ako bumili niyan, ako nagbigay niyan sa ‘yo, kami lang naman nag-aalaga sa ‘yo.”

 They are so blind to see my willingness to take care of my son at para magpaka-ina sa bata. It broked me everytime na gugustuhin kong disiplinahin ang anak ko pero hindi ako ‘yong susundin niya.

Hindi niya ako papakinggan because he knows me just as his “mommy” na kasa-kasama niya lang naman sa bahay. Not his mother, not his parent.

BASAHIN:

11 moms nag-share ng horror stories nila tungkol sa kanilang biyenan

4 na downside kapag nakikitira sa bahay ng biyenan

Biyenan, pilit pinagkalat na nakunan ang kaniyang manugang

The Hidden Fact

Ayokong isipin na they loved my son, feed him, clothed him para lang in the end maisumbat sa akin ang lahat. Maipamukha na hindi ako naging ina and I will never be, that I am not capable of anything.

Masakit bilang isang ina na gustuhin mong makatabi ‘yong anak mo, makausap siya, gabayan siya ngunit hindi ikaw ‘yong papakinggan niya.

Masakit bilang isang ina na alam mong kaya mo namang gawin ‘yong part mo sa bata. Pero wala kang chance dahil madami sila, at mag-isa ka lang.

Ang hirap at masakit bilang isang ina na maririnig mo sa anak mo na matatandaan niya ‘yong mga sinasabi sa kanya ng mga in-laws mo na, “Nagpabuntis lang si mommy, inanak ka lang.” Para bang not once in our lifetime na ginusto kong maging ina.

Pagiging isang ina. | Larawan mula sa Shuttestock

Pero hindi nila ako binibigyan ng pagkakataon dahil iniisip nila na hindi magiging okay ‘yong gagawin ko sa bata o pagpapalaki ko sa kaniya. Mangingialam lang sila sa lahat ng mga gagawin ko. Kaya naman I get tired sometimes to pursue my son kasi useless din naman.

After graduation, I worked and thought na once may work na ko maybe I’ll get the chance to be a mother sa anak ko kasi kahit papaano makakapagbigay na ako ng mga kailangan niya.

Pero may mga moments na kinukumpara nila na kung ano-ano “lang” ‘yong mga kaya kong ibigay sa anak ko, sa kaya nilang ibigay. At dahil rito, dito ako nasira ng husto, emotionally, thinking I was not good enough of a mother.

Kahit pa gusto ko at willing akong gawin iyon. It hits me really hard mentally as well, thinking na wala akong kuwentang tao kasi anak ko ‘yon pero wala akong magawa.

Present Time

Until such time na binukod na kami ng asawa ko. He realized my frustration as a mother and as a wife thinking hindi ako karapat-dapat and wala akong magagawa for them.

Dito ko binuhos lahat ng time and energy ko to prove myself na kaya ko, gusto ko at may magagawa ako. Don’t get me wrong, I loved and will loved my in-laws dahil they are part of my family now.

May mga bagay lang talaga na dumarating at nangyayari for us to learn a lesson, for us to think, to cherish each moments, to gain knowledge, to have the courage.

I even realized na maybe hindi lang sa pagbukod ‘yong usapin sa ganitong sitwasyon na naranasan ko, na kailangan bilang isang ina ‘yong matapang ka.

Matapang in a way na kaya mong ipaglaban ‘yong capabilities mo at kung anong meron ka. And all of the things that people said should never be a hinder para hindi mo magawa ‘yong role mo.

Larawan mula sa Shutterstock

Alam kong naging mahina ako, natakot, pero this life experience made me realized the value and independency of a family, a mother’s love and the power and strength of a woman to stand firm for what she truly believes in.

Hindi ko man naipagtanggol ‘yong sarili ko’t paniniwala sa mga tao sa paligid ko. Natuto naman akong tumingin na lang sa brighter side and to always see the goodness in other people, to loved and to have the gratitude all the time.

Sinulat ni

VIP Parent