Masasabi nating hindi magandang pag-uugali ang ibulgar o ikalat sa iba ang kwentong hindi naman nangyari sa ‘yo. Ito man ay sensetibo o masayang pangyayari, hindi pa rin dapat ikalat sa iba maliban na lang kung may pahintulot ka. Biyenan problems? Ito ang naging dahilan ng isang babae para magkaroon ng lamat ang relasyon nila ng kaniyang mother-in-law.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Problema sa biyenan ng isang babae
- Tama bang ipagsabi ang kwentong hindi naman nangyari sa ‘yo?
Ibinahagi ng isang babae ang kaniyang naging karanasan sa biyenan nito dahil malaya umano nitong ipinagsabi ang nangyaring miscarriage sa kaniya.
Biyenan problems | Image from Freepik
Biyenan problems: Pagpapakalat ng balita
Sa post ng isang babae sa Reddit, ibinahagi nito ang kaniyang naging karanasan sa biyenan na babae. Ayon sa kaniya, hindi talaga maganda ang kanilang relasyon dahil ayaw sa kaniya nito. Bukod pa rito, hindi niya nagugustuhan ang ibang ginagawa ng kaniyang mother-in-law.
Sinubukan niya namang i-open ang issue na ito sa ibang kamag-anak ngunit wala rin itong saysay dahil halos lahat sila ay nasa panig ng kaniyang biyenan. “I’d rather not argue with a wall so I say something like, ‘what you did isn’t OK with me regardless of why you did it’ and I walk away.”
Dagdag pa niya na,
“She’s been very rude to me during past pregnancies: body shamed me and has made fun of my two children’s physical looks (even to their faces as they’ve grown older).”
BASAHIN:
17 Senyales na ayaw sa iyo ng iyong biyenan
10 tips para masolusyunan ang problema sa biyenan
Daing ng isang Mommy:”Sumosobra na ang pakialamerang biyenan ko!“
Noong February, nagkaroon siya ng miscarriage sa kaniyang second trimester at nagulat na lang siya na agad itong kumalat sa mga kamag-anak niya dahil sinabi ng kaniyang biyenan. Ang pagpapakalat ay walang consent mula sa kaniya.
“That’s something personal I didn’t want people knowing because I’m still dealing with the trauma of it.”
Ilang beses na niyang sinubukang kausapin ang kaniyang mother-in-law tungkol sa bagay na ito pero lagi rin siyang nababalewala. Kaya naman kahit labag sa kalooban, hindi niya lang ito pinansin para sa kapakanan ng kaniyang mental health.
Pregnancy pagkatapos ng miscarriage
Ngayong buntis ulit ang babae, agad niyang pinakiusapan ang kaniyang biyenan na ‘wag munang ipagsabi ito sa kanila. Pero hindi ito nangyari.. “Guess who has already told the whole family?”
“My SIL and DH are receiving messages of congratulations and I’m mortified. Imo (in my opinion) it’s too early for everyone to know, you never know about a repeat miscarriage.”
Hindi niya aakalaing sa pangalawang pagkakataon, ito ang mangyayari sa kaniya.
“We specifically asked her to not say anything, she has responded to a message from my DH with ‘Pregnancy is good news, why are you trying to hide it? I’m only telling family, what’s the big deal? I’m the grandma, it’s my news too’.”
Dahil rito, agad niyang kinausap ang kaniyang mother-in-law. Sinabi niya kung gaano siya nasaktan sa ginawa nito at ipinaliwanag na gusto niyang siya mismo ang magsabing buntis ulit sa tamang panahon. Dagdag pa nito na ramdam pa rin niya ang sakit ng pagkawala ng kaniyang anak. Ngunit imbes na humingi ng tawad, ipinakita ng biyenan nito sa buong kamag-anak ang kaniyang mensahe.
Biyenan problems | Image from Unsplash
Pakiramdam niya na wala siyang kakampi at hindi inaalala ang kaniyang nararamdaman.
Sa pamamagitan ng text message, lakas loob niyang sinabi sa lahat na kung hindi siya iintindihin, maaaring may malaking pagbabago na mangyari. “I messaged their family group (DH, SIL, MIL, and FIL) and told them that if they cannot see my perspective they aren’t allowed near me or any of my children, including the unborn.”
“They can’t be a part of my children’s lives because I can’t stand this level of disrespect anymore (it’s been a decade).
“I feel like I have a right to privacy, I don’t want people knowing my business unless I’m the one sharing it.”
Matapos ng pangyayari, nakatanggap ng maraming text message ang asawa ng babae na nagsasabing kontrolin niya ang kaniyang asawa. Kailangan din umano niyang humingi ng tawad sa lahat dahil sa inasal. Wala namang pinapanagin ang kaniyang asawa—nasa gitna ito.
Kaya naman humingi ng payo sa Reddit ang babae kung sobra ba ang kaniyang ni-react sa pangyayari.
Dagdag pa ng babae na kasalukuyang magkahiwalay sila ng asawa niya ngayon. Ang buong pamilya ay nasa panig ng kaniyang asawa. Hindi siya sigurado kung magiging maayos pa ba ang kanilang relasyon.
Biyenan problems | Image from Unsplash
Ang problema sa asawa
Ayon sa mga nakabasa ng kaniyang post, ang nakikita nilang dahilan ng problema ay ang mismong asawa nito at hindi ang biyenan.
“Your husband should also be standing up against his mother and siblings because you are his immediate family now,”
Sinang-ayunan din ito ng isa pang user, “doesn’t have a MIL problem as much as she has a husband problem.”
“I would go no contact with his family,” bahagi ng isa pa. “Explain to him calmly why. Remind him that if he continues to do nothing while his family abuses you and the kids, that you can go no contact with him too.”
Ayon sa isang nakabasa ng kaniyang post, “If he won’t back you up, guess what, he’s picked a side and it isn’t yours.”
Dapat ay matagal nang inaksyunan ito ng kaniyang asawa bago lumaki pa. “This was an issue your husband should have handled a long time ago, and tbh (to be honest) he seems like part of the problem. Why does he keep telling her stuff? Tell him to knock it off. He’s a shitty gateway.”
This article was first published in KidSpot and republished on theAsianparent with permission.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!