Mayroon bang epekto sa kalusugan ang pagkagat ng kuko?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagkagat ng kuko ay isang karaniwang kaugalian. Kilala rin sa tawag na onychophagia, naaapektuhan nito ang nasa 20% hanggang 30% ng populasyon. Maaari itong idulot ng iba’t ibang bagay tulad ng perfectionism, stress, anxiety, Obsessive Compulsive Disorder, o pagka-inip at hindi mapalagay. Kahit mukhang wala itong nadudulot na panganib, maaari itong maging daan ng bacteria o fungi infections sa pagpasok sa katawan at dugo. Maaari rin itong makasira ng ngipin at makapag-paikli ng buhay.

Alamin natin ang mga maaaring maidulot ng kaugalian na ito.

Germs sa mga kuko

Ang ilalim ng kuko ay pinamamahayan ng sobrang daming germs. Ang mga karaniwang pathogens na nakikita sa ilalim ng kuko ay ang Staphylococcus, Strep, at Coryneform bacteria. Maaaring makapasok ang mga ito sa katawan sa pamamagitan ng pagpasok sa sugat o sa pagkagat ng kuko. Ang dermatophytic fungi din any maaaring makita sa ilalim ng kuko, ang fungi na nagdudulot ng buni.

Sa isang pag-aaral, nakita na ang mga may kaugaliang kumagat ng kuko ay may E. Coli, isang bacteria na maaaring magdulot ng sakit sa tiyan. Nakita ito sa kanilang mga laway na nasa tatlong beses ang dami kumpara sa mga hindi nakaugaliang kumagat sa kuko. Dahil sa dami ng germs sa kuko, ang panandaliang gawain na ito ay maaaring magdulot ng pangmatagalang sakit.

Sipon o trangkaso

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), lagpas 200 mga cold virus ang lumulutang sa paligid. Bukod sa matibay na immune system at pag-iwas sa may sakit nito, makakatulong din lumayo sa panganib na makuha ang sakit ang hindi pagkagat ng kuko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga virus naman na nakakapagdulot ng trangkaso ay kumakapit din sa balat. Dahil dito, ugaliin na maghugas ng kamay ng tubig at sabon para maka-iwas dito. Maaaring gumamit na lamang ng chewing gum upang maiwasan ang pagkagat ng kuko.

Pinsala sa ngipin

Ayon sa Academy of General Dentistry, maaaring maapektuhan ng pagkagat ng kuko ang mga ngipin at gilagid. Nakita na ang kaugalian na ito ay maaaring magdulot ng pag-crack, chip, o pahinain ang mga ngipin. Nakakapagdulot din ito ng masasakit na gilagid at gum tissue damage. Maaaring gumamit ng mouthguard o kaya naman ay itigil na nang tuluyan ang pagkagat ng kuko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Impeksiyon sa mga daliri

Ang kondisyon na tinatawag na chronic paronychia ay isang impeksiyon na nangyayari kung masugatan ang mga kuko. Nakakapasok sa mga sugat na ito ang mga bacteria at fungus. Nagdudulot ito ng sobrang pananakit sa bahagi ng impeksiyon at maaaring kailanganin ng surgery para pagalingin.

May posibilidad din na hindi tumubo nang maayos ang kuko dahil sa pagkagat nito. Kapag napinsala ang nail plate sa pagkagat sa kuko, maaari itong magdulot ng permanenteng pinsala. Maaari itong humantong sa pagkakaroon ng ingrown o scarred nails.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: RD

Basahin: 10-buwan baby nagkaroon ng necrosis sa paa matapos putulan ng kuko