TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

10-buwan baby nagkaroon ng necrosis sa paa matapos putulan ng kuko

4 min read
10-buwan baby nagkaroon ng necrosis sa paa matapos putulan ng kuko

Para sa isang baby, tila ay nakasama pa ito nang siya ay magkaroon ng necrosis matapos magupitan ng kuko sa paa. Paano nga ba nakukuha ang Necrosis?

Mahalaga sa mga magulang na panatilihin ang hygiene ng kanilang mga anak. At kasama na rito ang paggupit ng kanilang mga kuko. Ito ay dahil sa posibleng pamugaran ito ng bacteria, may posibilidad rin na makalmot ng baby ang kaniyang sarili kapag mahaba ang kuko. Ngunit para sa isang baby, tila ay nakasama pa ito nang siya ay magkaroon ng necrosis matapos magupitan ng kuko sa paa.

Bakit nga ba natatanggal ang kuko ng bata?

Baby, nagkaroon ng necrosis matapos gupitan ng kuko

necrosis-sa-paa-baby

Bakit natatanggal ang kuko ng bata?

Pagdating sa pagputol ng kuko ni baby, importante ang pag-iingat. Ngunit sinong magulang ang mag-aakala na posible itong humantong sa pagkakaroon ng necrosis?

Isang ina raw ang madalas na pinuputulan ng kuko ang kaniyang 10-buwan na baby, dahil natatakot siyang baka makalmot nito ang sarili. Ngunit nagulat na lamang ang mga magulang nang makita na namamaga ang daliri ng kanilang anak, at nag-aapoy ang kaniyang lagnat.

Nang dalhin ang sanggol sa doktor ay napag-alaman na mayroon pala itong leukopenia, o mababang bilang ng white blood cells. Ibig sabihin, nahihirapan ang baby na labanan ang mga impeksyon sa kaniyang katawan.

Na-infect na pala ang kuko ng baby, at ito ang naging dahilan kung bakit ito nagsimulang mamaga. Bukod dito, nagsisimula na rin daw magkaroon ng necrosis ang daliri nito sa paa.

necrosis-sa-paa-baby

10-buwan baby nagkaroon ng necrosis sa paa matapos putulan ng kuko | Image from Unsplash

Kapag hindi naagapan ay kailangang i-amputate ang daliri

Tinanggal raw ng mga doktor ang nabubuong nana sa daliri ng baby para mabawasan ang pamamaga. Kailangan rin daw ito upang makaiwas sa tuloy-tuloy na impeksyon, na baka humantong pa sa amputation o pagputol ng daliri.

Sa kabutihang palad ay naagapan naman agad ng mga doktor, ngunit payo nila na kapag maggugupit ng kuko ng baby ay mag-ingat. Ito ay dahil kahit maliit na sugat lang raw ay posibleng ma-infect at humantong sa ganitong kalalang karamdaman.

Hangga’t-maaari raw ay huwag basta-basta gupitin ang kuko ni baby, lalo na kung napakaliit pa niya. Mabuting bigyan na lang ng mittens o kaya booties upang makaiwas sa pagkalmot si baby.

Mahalaga rin daw na gumamit ng mga nail cutter na ginawa mismo sa mga baby, at huwag gamitin ang nail cutter na para sa matatanda.

necrosis-sa-paa-baby

10-buwan baby nagkaroon ng necrosis sa paa matapos putulan ng kuko | Image from Unsplash

Ano ang necrosis?

Ang Necrosis ay ang pagkamatay ng cell o tissue ng katawan. Nangyayari ito kadalasan kapag hindi sapat ang dugong napupunta sa tissue. Maaaring pinagmulan nito ay injury, toxin, trauma o radiation.

May dalawang dahilan kung bakit ito nakukuha; External factors at internal factors.

Sa external factors, ito ay kapag nagkaroon ng damage sa blood vessel at ischemia na nagiging dahilan ng problema ng blood supply sa tissue.

Habang sa internal factors naman ay dahil sa trophoneurotic disorders. Nakukuha rin ito sa pagkaparalisa o damage ng nerve cell.

Ano ang anim na uri ng Necrosis?

  1. Coagulative necrosis
  2. Liquefactive necrosis
  3. Caseous necrosis
  4. Fat necrosis
  5. Fibroid necrosis
  6. Gangrenous necrosis

Kung sakaling makaranas ng mga sintomas ng necrosis, mabuting agad na magpatingin sa doctor. Sabihin saa kanya lahat ng mga napansing pagbabago o sintomas. Dito ka niya isusuri at gagawan ng pag-aaral.

Mahalagang magpatingin agad sa iyong doctor kung nakakaramdam ng hindi normal sa katawan. Makakatulong ang agarang aksyon para maagapan agad ang sitwasyon at para hindi na lumala pa ng todo.

 

 

Source:

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

FeedyTV

BASAHIN:

Kailan safe gumamit ng unan si baby?

Ano ang Myoga EC at bakit ito nirereseta sa buntis?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 10-buwan baby nagkaroon ng necrosis sa paa matapos putulan ng kuko
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko