Para maging kumportable si baby, lahat ay ginagawa nating mga mommy. Nandyan ang pagbili ng komportableng damit, crib, laruan, o kaya naman pagpapanatili ng presko at tahimik na kwarto. Pero alam mo bang ibang usapan ang unan para sa baby?
Ayon kasi sa mga eksperto, hindi basta-basta na dapat binibigyan ng unan para sa baby. Bakit nga ba?
Kailan safe gumamit ng unan si baby habang natutulog?
Kung iisipin natin, mas magiging kumportable si baby kapag maraming unan o kumot sa kanyang crib. Pero sa totoo lamang, hindi pa alam ni baby ang ganitong bagay o kung may kulang man sa kanyang crib. Kaya mommy, ‘wag munang bigyan si baby ng unan.
Ang paglalagay ng maraming bagay sa tabi ni baby katulad ng kumot o unan ay maaaring maging dahilan ng suffocation ng bata o mapgpataas ng risk sa tinatawag nating Sudden Infant Death Syndrome (SIDS). Kadalasang nangyayari ito dahil sa biglang pagka-suffocate ng bata gawa ng mga bagay sa kanyang paligid.
Pillow for newborn | Image from Unsplash
Kaya hindi muna pinapayo ng mga eksperto na bigyan ng unan para sa baby. Makakapag intay rin ito at sa ngayon, hindi pa niya ito kailangan. Ang mahalaga ngayon ay isipin muna natin ang health ni baby sa pamamagitan ng pag-iwas o pagbibigay ng mga maaaring mag dulot ng disgrasya dito.
Ayon sa maraming pag-aaral, mas makakaiwas sa disgrasya si baby kung papahigain ito sa flat surface o crib kung saan walang unan, kumot, soft toys o beddings.
Maaaring bigyan na ng unan si baby kapag ito ay nasa toddler stage na o nasa 2 years old.
Ano ang SIDS o Sudden Infant Death Syndrome?
Ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS ay maaaring mangyari sa lahat ng sanggol.
Sensitibo ang mga sanggol kaya mahalagang malaman ng bawat magulang ang tamang pag-aalaga sa kanila upang makaiwas na rin sa disgrasya. Walang nakakapagsabi kung ano ba talaga ang tunay na dahilan sa likod ng Sudden Infant Death Syndrome. Ngunit, kadalasan, ang mga sanggol na nakakaranas nito ay bigla na lang humihinto ang paghinga.
Unan para sa baby | Image from Unsplash
Ang ilang sanhi nito ay:
- Suffocation
- Pre-mature baby
- Ang mga magulang ng sanggol ay naninigarilyo, umiinom ng alak o gumagamit ng illegal drugs habang nagbubuntis
- Mga sanggol na hindi nakakatanggap ng maayos na pre-natal check-up.
- Underweight o kulang sa timbang ang isang sanggol nang ipinanganak ito.
- Hindi tamang posisyon sa pagtulog katulad ng pagdapa
Paano maiwasan ang SIDS
1. Maayos na ihiga ang sanggol
Ang tamang paghiga ng sanggol ay napaka importateng bagay upang maiwasan ang SIDS.
Dapat tandaan ng mga magulang na kung ihihiga ang isang sanggol ay dapat nakalapat ang likod nito sa kama. At iwasan ang sleeping position ng baby kapag matutulog na nakatagilid at nakadapa. Mahihirapan kasi ang isang sanggol na huminga sa ganitong posisyon,
2. Pumili ng maayos na higaan
Para sa higaan ng sanggol marapat lang na pumili ng matibay na kutson at maayos na sapin sa higaan. Pagdating naman sa kumot (kapag nasa tamang gulang na para gumamit), pumili ng tela na mahimulmol o fluffy hangga’t maari.
Unan para sa baby | Image from Unsplash
3. Alisin ang mga Bumper Pads
Ang pinakamahalaga, iwasang gumamit ng mga bumper pads. Sa pag-iwas dito nababawasan ang panganib na baka masuffocate o makulob ang iyong anak sa kuna, malayang makakadaloy ang hangin sa loob nito at maaari mo pang makita ng walang sagabal ang iyong anak sa loob ng kuna.
4. Ugaliin na matulog kasama ang anak
Sanayin ang sarili na matulog sa kama kasama ang anak. Sa paraang ito, mababantayan mo ang iyong anak kahit na ito ay tulog.
Siguraduhin lang na tama ang espasyo ng inyong higaan at hindi mo madadaganan ang anak mo. Kung uugaliin ng bawat magulang ito, makakatulong ito sa pagiging malapit ng bawat miyembro ng pamilya sa isa’t-isa.
BASAHIN:
9 tips upang maiwasan ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!