8 na bawal na pagkain sa breastfeeding mom
Narito ang mga pagkaing dapat kainin at iwasan ng mga nagpapasusong ina.
After manganak isa sa mga nais tutukan ng mga nanay ay pagbe-breastfeed sa kanilang baby. Kaya naman mahalaga na masustansiya ang mga kinakain ng isang ina, gayundin dapat iwasan ng nagpapasusong ina ang ilang mga pagkain at inumin, alamin sa artikulong ito kung ano nga ba ang mga bawal na pagkain sa breastfeeding mom.
Upang makakuha ng mga nutrients at minerals ang isang bagong silang na sanggol ay mahigpit na ipinapayong kumain ng masusustansyang pagkain ang kaniyang nagpapasusong ina.
Ngunit hindi nangangahulugan ito na kahit anong prutas o gulay ay maari niya ng kainin. Sapagkat may ilan sa mga ito ang maaaring makaapekto sa lasa ng kaniyang gatas at supply nito na maapektuhan ang maayos na pagsuso ng kaniyang sanggol. Ilan nga sa mga pagkain na dapat iwasan ng breastfeeding na ina ay ang sumusunod.
Talaan ng Nilalaman
Pagkain na dapat iwasan breastfeeding do’s and don’ts
Bawal na pagkain sa breastfeeding mom
1. Alcohol
Ang pag-inom ng alcohol habang nagpapasuso ay maaring makaapekto sa milk production ng isang breastfeeding mom. Ito ay humahalo rin sa bloodstream at maaring mapunta sa gatas ng ina. Ang epekto ito ay magdudulot ng pagbabago sa sleep pattern ng sanggol at makakasama sa kaniyang early development.
Sa mga okasyong nais uminom ng alcohol ng isang breastfeeding mom, mabuting maghintay ng dalawang oras matapos uminom ng alcohol bago ulit magpasuso.
2. Chocolates at kape
Ang pagkain ng chocolate at pag-inom ng kape ay hindi rin makakabuti sa isang breastfeeding mom. Dahil ito ay may taglay na caffeine na maari ring mapunta sa gatas niya at maaring maging dahilan upang hindi makatulog ng maayos ang isang sanggol. Naapektuhan rin nito ang milk production ng isang nagpapasusong ina at nagdudulot ng dehydration.
3. Maanghang na spices o pagkain
Ang mga maanghang na pagkain ay dapat ding iwasan ng mga nagpapasusong ina. Dahil ito ay maaring magdulot ng kabag, gas, pagtatae at rashes sa isang sanggol.
Dapat ding iwasan ng isang breastfeeding mom ang pagkain ng bawang. Dahil sa ito ay maaring makapagpabago ng lasa at amoy ng gatas niya.
4. Maasim na prutas
Ang pagkain ng maasim na prutas ay hindi magiging masama sa isang breastfeeding mom kung ito ay hindi naman sobra.
Ngunit, kung kakain o iinom ng sobrang juice mula sa mga maasim na prutas ito ay maaring magdulot ng reaksyon sa sensitive pang tiyan ng sanggol.
Isa pang prutas na dapat iwasang kainin ng breastfeeding na ina ay pinya. Dahil ito ay nagdudulot ng gas sa tiyan ni baby at binabago rin nito ang lasa ng gatas niya.
5. Mga gulay na maaaring magdulot ng gas kay baby
Upang maiwasan rin ang gas sa tiyan ni baby ay dapat ding iwasang kainin ng nagpapasusong ina ang mga gulay na nakakapagdulot nito. Ang mga gulay na ito ay sibuyas, repolyo, cauliflower at broccoli.
6. Peppermint at parsley
Ang mga pampalasa tulad ng peppermint at parsley ay ding iwasang kainin ng nagpapasusong ina. Dahil maaring maapektuhan nito ang milk supply ng breastfeeding mom pati na ang lasa ng gatas niya.
7. Matatamis na inumin at pagkain
Bagamat kailangang laging uminom ng liquid ng isang breastfeeding mom dapat niyang iwasang uminom ng matatamis na inumin ganoon din ang matatamis na pagkain.
Dahil ang fructose na mula sa mga pagkain at inuming ito ay maililipat kay baby. Ito ay maaring magdulot ng problem sa kaniyang cognitive development at learning. At maari ring maging dahilan upang siya ay maging obese, magkaroon ng diabetes, fatty liver disease at sakit sa puso.
8. Mga pagkaing may mataas na pesticide residue
Iwasan ang mga pagkaing may mataas na pesticide residue, kung maaari, upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi inaasahang reaksyon sa iyong sanggol.
Mga pagkaing dapat kainin ng breastfeeding mom
Samantala, upang lumakas naman at maging masustansya ang gatas ng isang breastfeeding mom ay may mga pagkain siyang dapat kainin. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Oatmeal
Ang oatmeal ay hindi lang maganda para sa digestion nagpapalakas rin ito ng supply ng gatas ng isang ina.
2. Salmon
Ang isdang salmon ay full of nutrients at omega-3 fatty acids. Nagpapalakas rin ito ng supply ng gatas at nagpapaganda ng quality nito.
4. Spinach
Ang mga nutrients na taglay ng spinach na folic acid, iron at calcium ay mahalaga sa development ni baby. Ito ay may iron na nakakatulong rin para makaiwas sa anemia ang isang breastfeeding mom.
5. Carrots
Ang carrots ay puno ng vitamin A na makakatulong sa eye development ng isang sanggol. Nakakatulong rin ito sa produksyon ng gatas ng isang ina.
6. Dairy products
Ang mga dairy products tulad ng keso, gatas at yogurt ay magandang source ng protein at calcium. Ang mga nutrients na ito ay makakatulong sa development ng bones ng isang sanggol.
Mga pagkaing may taglay na protein tulad ng itlog at whole grains
Tulad ng dairy products ang itlog ay good source rin ng protein na kailangan at mahalaga sa sanggol para sa kaniyang paglaki. Ganoon din ang mga grains tulad ng brown rice at whole-wheat bread.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- 16 na pagkain na maaaring makapagpalaglag sa sanggol
- 11 gawain ng mga toxic parent na dapat iwasan ng mga magulang
- 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."