Ano nga ba ang mga pagkain na pwedeng kainin para sa mga taong masakit ang tiyan?
Hindi basta-basta puwedeng kumain ng kahit ano, dahil posibleng sumama lalo ang tiyan ng iyong anak. Kaya’t heto ang 20 pagkain na siguradong makakatulong at safe kainin kung mayroong stomach flu ang iyong anak.
20 na pagkain para sa masakit ang tiyan o stomach flu
Image from iStock
Ang pagkain ng may sakit ay hindi kinakailangang matabang, o kaya mahirap ihanda. Ang 17 pagkain na ito ay madaling lutuin, masarap, at masustansiya rin. Malaki ang maitutulong nito sa recovery ng iyong anak.
1. Ice chips
Ang pagkain ng ice chips ay nakakatulong upang bumuti ang pakiramdam, at nakaka-hydrate rin ito. Mae-enjoy rin ito ng mga bata, dahil malamig at presko sa pakiramdam. Ngunit kung madaling ubuhin ang iyong anak, ay mabuting iwasan ang pagbibigay ng ice chips.
2. Tubig o clear na inumin
Ang pag-inom ng tubig ay napakahalaga tuwing may sakit. Kung tutuusin, ito ang pinakaimportanteng bagay na dapat tandaan kung mayroong stomach flu ang iyong anak. Bukod dito, ang pag inom ng mga fresh fruit juice, coconut juice, at tsaa ay makakatulong sa iyong anak. Siguraduhin lang na clear ang liquid na iinumin ng iyong anak.
Larawan mula sa iStock
3. Inuming mayroong electrolytes
Ang mga sports drink ay nakakatulong rin para masiguradong hindi dehydrated ang iyong anak. Bukod sa masarap, nakakatulong rin ang mga ito para manatili ang water sa katawan ng iyong anak tuwing siya ay mayroong stomach flu.
4. Peppermint tea
Ang peppermint tea ay nakakatulong upang mabawasan ang pagsusuka ng iyong anak. Bukod dito, nakakaganda rin ito ng pakiramdam ng kaniyang tiyan. Kaya’t kung mahilig sa peppermint ang iyong anak, subukang bigyan siya ng peppermint tea kapag siya ay nagkastomach flu.
5. Luya
Ang luya o ginger ay isa sa pinakamasustansiyang pagkain. Kung mayroong stomach flu ang iyong anak ay puwede mo siyang bigyan ng tsaa gawa dito, o kaya bigyan siya ng maliit na hiwa ng luya upang supsupin.
6. Mga sopas na masabaw
Pagdating sa pagkain ng may sakit, walang tatalo sa chicken soup. Simple lang itong lutuin, masarap, at nakakatulong sa recovery ng iyong anak. Siguraduhin lang na huwag itong lagyan ng gatas, cream, o kaya iba pang mga fatty na ingredients, dahil baka makasama ito sa pakiramdam ng iyong anak.
7. Saging
Ang saging ay mainam kainin dahil gentle ito sa tiyan ng iyong anak, at marami rin itong nutrients na magagamit ng kaniyang katawan upang labanan ang sakit.
8. Kanin
Ang kanin rin ay importanteng bahagi ng diet ng mga mayroong sakit. Nakakabusog ito, at nakakabawas rin ng pakiramdam ng pagsusuka kapag mayroong stomach flu.
9. Apple Sauce
Bukod sa pagiging masarap, maganda rin ang apple sauce para bigyan ng energy ang iyong anak, at nakakatulong para bumuti ang kanilang pakiramdam.
10. Toasted bread
Mainam ang tinapay na pagkain ng may sakit dahil mild ito sa tiyan, at nakakabusog rin itong kainin.
11. Plain cereal
Ang pagkain ng plain na cereals na walang gatas ay nakakatulong sa digestion ng iyong anak, dahil ang fiber nito ay nakakapagpabuti ng bowel movement.
12. Crackers
Larawan mula sa iStock
Ang crackers ay mild na pagkain, kaya’t mainam rin itong kainin kapag may stomach flu.
13. Pretzels
Ang pretzels ay masarap, at mild sa tiyan ng iyong anak. Nakakatulong ito para magkaroon siya ng busog na pakiramdam, at mas nakakabawas rin ng pagsusuka ang pagkain ng pretzels.
14. Patatas
Madaling i-digest ang mga patatas, at mataas rin ang water content nito, kaya’t mainam itong kainin kapag mayroong stomach flu.
15. Itlog
Ang itlog, partikular na ang boiled o kaya poached egg, ay nakakapagbigay ng mabuting nutrisyon at energy na kailangan ng katawan ng iyong anak upang labanan ang sakit.
16. Lean meat
Pagdating sa karne, iwasan muna ang mga matatabang karne. Mag-focus sa lean meat tulad ng chicken breast, porkchop na walang taba, o kaya sirloin. Puwede itong gamitin sa mga ulam tulad ng tinola, sinigang, o kaya nilaga, na nakakatulong sa recovery ng iyong anak.
17. Prutas
Ang pagkain ng prutas ay mainam tuwing mayroong stomach flu dahil marami itong water, at hitik na hitik ito sa mga vitamins at minerals na nakakapagpalakas ng iyong anak.
18. Yogurt na may probiotics
Ang yogurt na may probiotics ay maaaring makatulong sa pagbalik ng natural na balanse ng bacteria sa tiyan, lalo na pagkatapos ng stomach flu. Ito’y naglalaman ng mga “good bacteria” na maaaring magtaguyod ng magandang kalusugan ng tiyan.
Image from iStock
Ang papaya ay kilala sa kanyang enzyme na papain na maaaring makatulong sa pagtunaw ng pagkain at pag-ayos ng digestive system. Magandang idagdag sa diet ng iyong anak pagkatapos ng stomach flu.
Mahalaga ang tamang pag-observe sa iyong anak o sa iyong sarili at konsultahin agad ang doktor kung ang inyong kondisyon ay hindi bumubuti o lumala.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!