Sa kultura nating mga Pilipino, hindi na bago na sa oras ng almusal, tanghalian, at hapunan, ang pagsasama sama ng pamilya.
Dito raw natutunan ng mga anak ang tradisyon na ito bilang iisang mag-anak. Dagdag pa, dito rin natutunan ng bawat miyembro ng pamilya ang nangyayari sa bawat isa sa kanila.
Gayundin, mas nagkakaroon ng puwang ang komunikasyon at relasyon ng bawat member ng family sa isa’t isa. Mas dito rin nabubuo ang trust at guidance para sa mga anak.
Lalo na kung ang guidance na ito ay patungkol sa health, support sa development at milestones ng anak, at iba pang aspekto.
Pero, bakit nga ba mahalaga din ang sabay-sabay na pagkain ng family maliban sa pagiging naisasalin na kaugalian? Ayon sa mga kaasalukuyang pag-aaral, may siyentipiko itong benepisyo hanggang sa paglaki ng inyong mga anak.
Bakit mahalaga ang sabay-sabay na pagkain ng pamilya?
Ang sabay-sabay na pagkain ng pamilya, ayon sa mga bagong natuklasan ng mga pananaliksik, ay may dulot at kinalaman sa dietary quality ng young adult na mga anak.
Mas nagiging kasanayan sa pagkain ang mga sumusunod:
- pagkain ng mga prutas
- mas nasasanay na kumain ng green at leafy na mga gulay
- nagiging priority ang mga nutrients na isinasama sa diet structure
- mas naiiwasan ang pagkain ng junk food at pag-inom ng soft beverages
Dagdag pa rito, mula sa mga researchers ng University of Minnesota, mula sa 1500 respondents na kanilang kinuha, napag-alaman nila ang kaugnay ng positive quality ng diet at ng sabay sabay na pagkain ng pamilya.
Napag-alaman nila na ang frequency ng family meals ay makakapag determine ng long term na epekto sa mga adults (20 years old). Lalo na sa kanilang pagpili ng tamang pagkain at social interaction habang kumakain.
Nagiging posible rin ang higher in takes ng mga vitamins at nutrients na kailangan ng mga adults. Ang mga vitamins na ito ay katulad ng calcium, magnesium, potassium, vitamin B6, at fiber.
Tandaan
Maliban sa pagiging isang masayang pamilya, mahalaga ang sabay sabay na pagkain ng mag-anak dahil sa iba’t ibang benepisyo na makakatulong sa lahat ng kasapi. Maging sa dulot na benepisyo nito sa paglaki ng inyong anak.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.