Kapag ika’y nakakaedad na marami talagang nagbabago sa iyong katawan, isa na rito ang pressure sa iyong dugo na maaari ika’y maging low blood kaya naman alamin ang mga pagkain para sa low blood.
Ano ang low blood pressure?
Larawan mula sa iStock
Ang low blood pressure ay tinatawag din hypotension, ibig sabihin iba ito para sa iba-ibang tao.
Maituturing na normal ang blood pressure ng isang tao kung nasa 90/60 at 120/80 ang iyong blood pressure. Pero kung mga numerong labas sa range ay maaaring okay pa rin.
Ang healhty blood pressure reading sa iyong katawan ay base sa iyong:
- Medical history
- Edad
- Pangkabuuang kundisyon
Ang iyong doktor ay maaari kang i-diagnose na mayroong low blood pressure kung ang iyong reading ay nasa 9-/60 at mayroon kang ibang sintomas katulad ng mga sumusunod:
- Panlalabo ng mata
- Confusion o nahihirapang makapag-concetrate
- Nahihilo
- Nahihimatay
- Nagsusuka
- Nanghihina
Agad na magpatingin sa doktor kung nakakaranas ng:
- Mabilis na pagtibok ng puso
- Hirap sa paghinga
- Malamig na balat
Ang mga ganitong sintomas ay maaaring indikasyon ng shock, at isa itong medical emergency.
Sanhi ng low blood pressure
Marami ang pwedeng pinagmulan o sanhi ng pagkakaroon ng low blood pressure. Narito ang ilan sa mga ito:
- Biglaang pagbabago ng posisyon
- anemia
- autonomic nervous system disorders
- dehydration
- diet
- pagkain ng marami
- endocrine disorders
- extreme na allergic reaction o anaphylaxis
- Atake sa puso o sakit sa puso
- low blood sugar
- certain medication
- pagbubuntis
- impeksyon
- stress
- kundisyon sa thyroid
Marami ang dahilan ng pagkakaroon ng low blood pressure kaya naman mahalaga rin na matukoy ito. Agad na magpatingin sa inyong doktor kung nakakaranas kayo ng mga sintomas na nabanggit kanina. Pero mas mainam pa rin na nagkakaroon kayo ng annual pisikal exam upang matignan kayo ng madalas at malaman kung kayo ba ay malusog o hindi.
Pagkain para sa low blood
May mga ilang pagkain na makakatulong para tumaas ang iyong blood pressure. I-monitor ang iyong sintomas ng madalas para makita rin kung ang ginagawa mo bang pagkain at healthy diet na ito ay nakakatulong sa iyong kundisyon.
Narito ang mga pagkain na kailangan mong kainin.
1. Maraming fluids
Ang dehydration ay nakakapagpa-decrease o nagpapababa ng blood volume, kaya naman maaari itong maging sanhi ng pag-drop o pagbaba ng blood pressure sa katawan. Ang pananatiling hydrated ay mahalaga lalo na kapag ika’y nag-eehersiyo. Kinakailangan mo nang maraming tubig sa katawan.
2. Pagkaing matataas sa vitamin B-12
Ang pagkakaroong ng mababang vitamin B-12 sa katawan ay maaaring magdulot ng isang uri ng anemia, na maaaring maging sanhi ng low blood pressure at fatigue. Kaya naman ang mga pagkain mataas sa vitamin B-12 katulad ng itlog, fortified cereals, karne, manok, isda, at nutritional yeast.
Larawan mula sa iStock
3. Pagkain na mataas ang folate
Ang kaunting folate sa katawan ay maaari ring mag-contribute sa pagkakaroon ng anemia. Halimbawa ng mga pagkain matataas at mayroong folate na makakatulong sa iyong kundisyon ay asparagus, beans, citrus na prutas, leafy greens katulad ng kangkong, itlog, at atay.
4. Asin o salt
Nakakatulong ang mga maaalat na pagkain upang tumaas ang blood pressure ng mga low blood pressure. Ang pagkain ng mga canned na pagkain katulad ng canned soup, smoked fish, cottage cheese, pickled items, at olives. Makakatulong ito sa pagpapataas ng blood pressure ng katawan.
Subalit tandaan na masama rin kung masosobrahan ka sa pagkain ng mga maaalat na pagkain. Maaaring magdulot ito ng pagkakaroon ng impeksyon katulad ng UTI.
5. Caffeine
Ang kape o caffeinated na tea ay maaaring mag-spike ng blood pressure pansamantala. Dahil naii-stimulate nito ang cardiovascular system at bino-boost nito ang iyong heart rate.
Tandaan muli na hindi maganda ang sobra-sobrang pag-inom ng kape dahil maaari kang mag-palpitate at hindi ito maganda para sa inyo.
Tips para maiwasan ang pagkakaroon ng low blood pressure
Mas maganda pa rin ang pagkausap sa isang healthcare provider o isang dietitian patungkol sa mga pagkain na maaaring makatulong sa iyong kundisyon.
Larawan mula sa iStock
Maaaring gawin ang mga pagbabagong ito sa inyong diet upang makatulong para hindi magkaroon ng low blood pressure. Ang mga pagkain para sa low blood pressure ay kinakailangan talaga ng disiplina at pagbabantay. Narito pa ang pwede mong gawin para maiwasan ang pagkakaroon nito.
- Kumain ng mga maliliit na meals pero mas madalas dapat. Ang pagkain ng mga large meal o malaking portion ng pagkain ay maaaring magdulot ng pag-drop ng blood pressure. Ang iyong katawan kasi ay mas nagtatrabaho upang ma-digest ang larger meals.
- Uminom ng maraming tubig at limitahan ang pag-inom ng alak. Ang dehydration ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng low blood pressure.
Iba pang lifestyle changes na makakatulong sa iyo
Bukod sa pagkain ng mga masusustansiya narito rin ang iba pang pwede mong gawin upang makatulong na mapataas ang iyong blood pressure. Kinakailangan mo ng mga lifestyle changes at healthy diet upang mapabilis ang pagbalik sa normal mong blood pressure.
- Kapag ika’y nag-eehersisyo sa labas at napakainit, magkaroon ng breaks at uminom ng maraming tubig.
- Iwasan ang pagtatagal sa loob ng saunas, hot tubs o steam room dahil maaaring magdulot ito ng dehydration.
- Ang pagpapalit ng pwesto ng katawan katulad ng pagtayo o pag-upo ay kinakailangan dahan-dahan.
- Iwasan ang matagal na paghiga.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!