6 pagkain para sa mga batang may lagnat

Bakit nga ba ito ang dapat na ipakain sa kanila para bumaba ang kanilang lagnat?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano-ano ang pagkain para sa may lagnat na bata?

Wala na atang nakakalungkot pa kapag nakita mong may mataas na lagnat ang iyong anak. Kawalan ng sigla, mainit na balat at mata, lahat ng ito ay maaaring maranasan ni baby at ikabahala ng mga magulang. Idagdag pa ang kawalan nila ng ganang kumain na siyang dumodoble sa alalahanin ni mommy.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang lagnat?
  • 6 pagkain para sa mga bata na may lagnat

Pagkain para sa may lagnat na bata | Photo by Wes Hicks on Unsplash

Kaya naman, ano ba ang pagkain para sa may lagnat na bata? Alamin natin ito pati na ang mga dapat iwasan.

Ano ang lagnat?

Parents, una sa lahat, dapat nating malaman na ang lagnat ay hindi sakit. Samakatuwid, ang lagnat ay isang sintomas ng magiging sakit ng isang tao. Isa rin itong patunay na ang immune system ng iyong anak ay gumagana at nilalabanan ang isang sakit.

Ang normal na temperatura ng tao ay nasa 37 °C (98.6 °F). Masasabing may lagnat ang isang tao kapag ito ay mas tumaas pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang infection ay kadalasang dahil sa bacteria at virus. Kapag may lagnat ang iyong anak, ang kanilang katawan ay sumusubok na patayin ang microorganisms na ito na nagdadala ng sakit. Sa pagkakataong ito, aktibo ang immune sytem ng iyong anak.

Kahit na hindi masasabing sakit ang lagnat, ang isang batang may lagnat ay makakaranas ng hindi komportableng pakiramdam.

Nariyan din ang ibang sintomas katulad ng sipon at pananakit ng lalamunan. Bukod pa rito, importanteng malaman na dapat hindi hayaan na tumaas pa ang lagnat ng iyong anak.

BASAHIN:

6 Natural na paggamot sa lagnat ng bata

Lagnat-laki: Totoo ba ang kundisyon na ito sa mga bata?

Gamot sa lagnat ng baby: 5 brands na pwedeng pagpilian

6 pagkain para sa mga bata na may lagnat

Narito ang mga pagkain para sa may lagnat na bata na makakatulong sa kanilang mabilis na paggaling.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Breastmilk

Kung kasalukuyan mo pa ring pinapasuso ang iyong anak, lagi lang itong painumin ng gatas kapg may lagnat siya. Kusang nalalaman ng iyong suso na nakikipaglaban ang iyong anak sa infection (dahil sa laway ni baby).

Ang composition ng iyong gatas ay nag-iiba at naglalabas ng dobleng antibodies na makakatulong sa paglaban ni baby sa infection.

Bukod pa rito, ang pagpapasuso ay isang paraan para maramdaman ni baby ang iyong kalinga. Tulungan siya kapag siya ay hindi okay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkain para sa may lagnat na bata | Food photo created by azerbaijan_stockers – www.freepik.com

2. Chicken soup

Kapag nagsimula namang kumain na ng solid foods ang iyong anak, maaaring subukan ang chicken soup at dagdagan ng gulay.

Isa itong ideal food para sa mga batang may sakit. Naglalaman ito ng magandang balanse ng vitamins, minerals at protina na kailangan ng iyong anak kapag may sakit sila.

Kailangan din ng iyong anak ng maraming tubig at electrolytes na makikita sa chicken soup. Malaki ang matutulong nito para panlaban sa inpeksyon at mapababa ang kanilang lagnat.

Kapag ang iyong anak ay may lagnat at sinamahan pa ng ubo o sipon, ang steam na nanggagaling sa soup ay makakatulong sa congestion.

Bukod pa rito, ang chicken soup ay mayroong amino acid na kung tawagin ay cysteine. Ang anti-viral at antioxidant properties na ito ay mahalaga para mapababa ang lagnat ng iyong anak.

3.Frozen fruit o breast milk pops

Maaari ring subukan ang little frozen pops na ito. Maaaring mula sa sariwang prutas o kaya naman mismong gatas mo! Ang pagkain na ito ay naglalaman ng antioxidants at iba pang nutrients na makatutulong sa paglaban ni baby ng impeksyon,

Bukod pa rito, ang lamig na nangagaling dito ay makakatulong para bumaba ang mataas na temperatura ng iyong anak. Masarap din ito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Coconut water

Sa kultura natin, isang tradisyonal na inumin na ang coconut water. Kung may lagnat ang iyong anak, subukang painumin ito ng coconut water. Sapagkat ito ay mayroong natural na electrolytes. Para naman sa lasa, ito ay may kaunting tamis!

5. Honey

Ang purong honey ay mayroong antimicrobial compounds. Base sa pag-aaral, ang honey ay kayang mag-stimulate ng immune system ng bata.

Nalaman din na mas epektibo itong gamot laban sa ubo kumpara sa ibang gamot na nabibili sa botika. Kung may throat infection naman ang iyong anak, maaaring painumin din sila ng honey dahil ito ay epektibo rin.

PAALALA: ‘WAG papainumin ang iyong anak ng honey kapag sila ay isang taong gulang pababa pa lamang. Ito ay maaaring magdulot ng infant botulism. 

Pagkain para sa may lagnat na bata | Photo by Alex Motoc on Unsplash

6. Oatmeal

Nagdadala ng komportableng pakiramdam ang steam ng oatmeal. Bukod pa rito, ang oatmeal ay natural na source ng vitamin E na siyang nakakatulong sa pagpapasigla ng immune system ng bata. Mayroon din itong polyphenol antioxidants, at beta-glucan fibre.

Iwasan din ang pagkain ng mga processed at instant oats.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang dapat gawin para maiwasan ang lagnat?

Parents, iwasan ang mga pagkain na ito kapag may lagnat ang iyong anak:

  • Caffeinated beverages: Ang iyong anak ay hindi dapat uminom ng tea, kape o soda na naglalaman ng caffeine. Mas lalo lang nitong gagawing dehydrated ang iyong anak. Masyado rin itong matamis at hindi nakakabuti sa kanilang kalusugan.
  • Matigas na pagkain: Kung ang lagnat ng iyong anak ay dahil sa throat infection, iwasang bigyan muna sila ng chichirya, chips o matitigas na pagkain. Maaaring mairita nito ang kanilang lalamunan.
  • Processed foods: Ang uri ng pagkain na ito ay mababa ang nutrients, mataas sa saturated fats at sugar. Wala itong maidudulot na maganda sa kalusugan ng iyong anak. Iwasan ang mga ito.

PAALALA: Maaari lang na pakainin ng solid food (ang mga pagkaing nakalista rito bukod sa honey) ang iyong anak pagtungtong nila ng 6 months.

Kung may lagnat ang iyong anak sa pagkakataong ito, bigyan lang siya ng breastmilk. Kung may pag-alala, ‘wag matakot na kumunsulta sa doktor.

 

If you want to read an english version of this, click here.

 

Sources: 

Medline Plus, MedicineNet 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Mach Marciano