10 Pagkain na makakatulong para dumami ang sperm count ni mister

Narito ang mga pagkain na dapat kainin at lifestyle changes na dapat gawin ng isang lalaki para sa ma-improve ang sperm count at health niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga pagkaing pamparami ng sperm count na makakatulong sa mga mag-asawang nagnanais na makabuo ng kanilang supling.

Pagkaing pamparami ng sperm

Ang pagkakaroon ng healthy at tamang dami ng sperm ang isa sa mga factors upang makabuo ng kanilang supling ang mag-asawa. Ayon sa World Health Organization o WHO, masasabing healthy ang sperm count ng isang lalaki kung ito ay nasa 15 million per milliliters (ml) o 39 million per sample. Kung ang sperm ay mas mababa sa 10 million per ml ito ay itinuturing na abnormal at maaring mag-resulta sa male infertility.

Image from Freepik

Marami sa mga lalaki ang nakakaranas nito at ayon sa mga eksperto ito naman ay malulunasan. Ang pangunahing paraan nga na kailangang gawin ay ang pagbabago ng lifestyle at pagkain ng mga pagkaing pamparami ng sperm.

Ang mga pagkain nga na ito ay ang sumusunod:

1. Mga pagkaing rich in zinc

  • Oysters
  • Red meat at poultry
  • Shellfish, tulad ng crab at lobster
  • Fortified breakfast cereals
  • Nuts and beans
  • Whole wheat grain products
  • Dairy products

2. Mga pagkaing rich in folate

  • Green, leafy vegetables, tulad ng spinach, lettuce at asparagus
  • Fruits at fruit juices, tulad ng orange at orange juice
  • Nuts, beans, at peas
  • Whole grains
  • Fortified breakfast cereals
  • Enriched flour products, tulad ng tinapay and pasta

3. Mga pagkaing rich in vitamin B-12

  • Isda at seafood, tulad ng clams
  • Meats at poultry, tulad ng liver
  • Dairy products, tulad ng itlog at gatas
  • Fortified breakfast cereals
  • Nutritional yeasts

4. Mga pagkaing rich in vitamin C

  • Citrus fruits at juices
  • Sweet peppers
  • Mga gulay tulad ng kamatis, broccoli, repolyo at patatas.

5. Mga pagkaing rich in vitamin D

  • Oily fish, tulad ng salmon, mackerel, at tuna
  • Beef liver
  • Cheese
  • Egg yolks
  • Fortified milk at yogurt
  • Mushrooms
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

6. Mga pagkaing mayaman sa vitamin E

  • Plant-based oils, tulad ng corn, safflower, sunflower, at soybean oils
  • Nuts at seeds
  • Green vegetables, tulad ng broccoli at spinach
  • Fortified juices at margarines, +

7. Mga pagkaing mayaman sa Coenzyme Q10

  • Meats and poultry, tulad ng beef at chicken
  • Isda tulad ng herring at trout
  • Plant-based oils, kabilang na ang soybean at canola oil
  • Nuts at seeds, lalo na ang peanuts, sunflower seeds, at pistachios

8. Mga pagkaing mayaman sa D-aspartic acid

  • Meats at poultry
  • Eggs at dairy products, tulad ng low-fat milk, cheese, at yogurt
  • Grains, tulad ng kanin at pasta
  • Fresh at dried fruits
  • Fortified breakfast cereals

9. Mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids

  • Fish at seafood, tulad ng salmon, mackerel, tuna, herring, at sardines
  • Nuts at seeds, tulad ng chia seeds, flaxseed, at walnuts
  • Plant-based oils, tulad ng flaxseed, soybean, at canola oil
  • Fortified eggs, yogurt, at beverages

10. Pagkaing mayaman sa amino acid na L-arginine

  • Meats at poultry, tulad ng pork loin, turkey, at chicken
  • Nuts at seeds, tulad ng pumpkin seeds at peanuts
  • Beans at lentils
  • Dark choollate

Mga dapat iwasan para ma-improve ang sperm count ng isang lalaki

Image from Freepik

Maliban sa mga pagkaing pamparami ng sperm count ng isang lalaki ay may mga maari rin siyang gawing pagbabago sa kaniyang lifestyle upang makatulong sa overall health ng sperm niya. Ito ay ang sumusunod:

Paninigarilyo

Ayon sa isang 2016 study ang paninigarilyo ay natuklasan na isa mga dahilan ng pagkakaroon ng mababang sperm count ng mga lalaki.

Alak o alcohol

Ayon sa mga eksperto ang pag-inom ng alak ay hindi lang nakakaapekto sa kalusugan ng isang tao, kung hindi pati natin sa kalusugan ng sperm ng mga lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Drugs o gamot

May ilang gamot rin ang naapekto sa health ng sperm ng mga lalaki. Tulad ng mga anti-androgens, anti-inflammatories, antipsychotics, corticosteroids, methodone at ilang antibiotics. Ang mga pinagbabawal na gamot rin tulad ng marijuana, cocaine at methamphetamine ay nakakaapekto rin sa sperm count ng isang lalaki.

Stress

Ang labis na stress ay nakakaapekto rin sa fertility ng isang lalaki. Kaya hangga’t maari ay dapat itong iwasan sa pamamagitan ng balance diet, tamang pahinga at pag-eexercise.

Soy-based products

Ayon sa mga eksperto ang mga soy o soya food ay nakakaapekto sa sperm production ng isang lalaki. Kaya dapat ay iwasan o limitahan ang pagkain nito. Ilan sa mga soy products ay soya milk, soy sauce at tofu.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Herbs at supplements na nakakatulong sa pamparami ng sperm count ng lalaki

May mga halamang gamot rin at supplements ang maaring inumin para madagdagan ang sperm count ng isang lalaki. Ito ay ang sumusunod:

Fenugreek Supplement

Ayon sa isang 2017 study ang extract mula sa Fenugreek seed ay nakakatulong sa overall semen quality at sperm count ng lalaki.

Isang pag-aaral rin ang isinagawa sa 60 na lalaki ang nakapagsabi na ang pag-inom ng supplement na gawa sa fenugreek extract araw-araw ay nakapag-improve ng kanilang libido, sexual performance at strength.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maca root

Isa pang root supplement na nakakapag-improve ng libido, fertility at sexual performance ng isang lalaki ay ang maca root. Ang kailangan lang ay uminom ng 1.75 grams ng maca root araw-araw sa loob ng 3 buwan upang makita ang mga pagbabagong ito.

Ashwagandha

Ang herb na ashwagandha ay nakaka-boost rin ng male fertility at testosterone level ng isang lalaki. Ang kailangan lang ay uminom ng extract nito araw-araw sa loob ng 3 buwan.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Indira RV, Medical News Today, Healthline

Basahin:

Nagiging baog ba pagkatapos maoperahan dahil sa luslos?