5 dapat gawin para hindi makaapekto ang pagkakaiba ng ugali ng mag-asawa sa pagsasama

Medyo naiinis na sa ugali ng asawa mo lately? Payo ng mga eksperto, huwag ng itago-tago ito sa sarili mo at agad ng gawin ang mga tips na ito para maiwasang magkalamat pa ang relasyon ninyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paano nakakaapekto sa relasyon ang pagkakaiba ng ugali ng mag-asawa?
  • Mga paraan kung paano ito maiiwasan.

Paano nakakaapekto sa relasyon ang pagkakaiba ng ugali ng mag-asawa?

Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa journal na Couple Family Psychology, ang palaging pag-aaway dahil sa differences at hindi pagkakaintindihan ang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay ng karamihan sa mag-asawa.

Ito ang natuklasan ng pag-aaral, matapos tanungin sa pamamagitan ng isang survey ang 52 divorced individuals mula sa Oklahoma, USA.

Pahayag naman ng relationship expert na si Bela Gandhi, ang mga conflicts na dulot ng differences o pagkakaiba sa ugali ay hindi maiiwasan sa isang relasyon.

Mas lumalaki lang ang impact nito kapag hindi agad ito na-discuss o napag-usapan ng magkarelasyon bago pa sila maikasal. O kaya naman ay kapag unti-unting nabago ang ugali ng isa sa kanila sa pagdaan ng panahon.

Pero ang conflict na dulot nito ay maiiwasan namang makaapekto sa pagsasama ng isang mag-asawa. Lalo na kung alam nila kung paano ito haharapin ng magkasama.

Ang pahayag na ito Gandhi ay sinuportahan naman ng pahayag ng licensed marriage at family therapist na si Jason Whiting. Ayon kay Whiting, base sa depinisyon ng intimate relationship, normal lang na makaranas ito ng conflict dahil sa dalawang magkaibang tao na bumubuo dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Base nga umano sa mga pag-aaral, ang conflict sa relasyon ay hindi indikasyon na defective ang isang relasyon. May mga paraan na maaaring gawin ang mag-asawa o magka-partner upang maiwasang makasira ito sa kanilang pagsasama. Ang mga paraang ito ay ang mga sumusunod.

Coffee photo created by drobotdean – www.freepik.com 

Paano maiwasang makasira ng relasyon ang pagkakaiba ng ugali ng mag-asawa?

1. Pag-usapan ang inyong problema.

Ang unang paraan para maiwasang makasira ng relasyon ang pagkakaiba ng ugali ng mag-asawa ayon kay Harvard professor Richard Hackman ay ang pag-usapan ito.

Sapagkat kung ito ay hindi papansinin at babalewalain ay paulit-ulit lang itong mangyayari. Ang resulta ay mas lumalalim ang sugat na idinudulot nito sa pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag na paliwanag pa ng mga pag-aaral, sa oras na iwasan ng mag-asawa na pag-usapan ang differences nila ay iniiwasan din nilang pag-usapan ang mga bagay na mahalaga sa kanilang relasyon. Sa pagdaan ng panahon ay ito ang maaaring magdulot ng unhappiness o dissatisfaction sa kanilang pagsasama.

Ayon naman kay Whiting, mahalaga na sa oras na pag-uusapan ang differences ninyong mag-asawa ay dapat pareho kayong kalmado at handang makinig. Ito ay upang maiwasan pa ang dagdag na problema.

2. Tanggapin ang inyong differences o pagkakaiba ng ugali ninyong mag-asawa.

Ayon sa psychotherapist na si F. Diane Barth, ang ugali ng isang tao ay hindi basta-basta mababago hindi tulad ng behavior niya. Kaya naman kung may hindi nagugustuhang ugali ng iyong asawa ay mabuting tanggapin na lang ito.

Maaari mo umanong i-criticize ang isang sitwasyon o behavior niya. Subalit hindi ang ugali niya na may tendency na depensahan niya bilang automatic response. Ang resulta nito mas nagiging unproductive ang relasyon ninyo at mas lumalalim ang confict dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Payo naman ni Whiting, imbis na paulit-ulit na mainis sa ugali ng iyong asawa ay tanggapin na ito na talaga ang ugali niya. Kausapin siya sa kung paano ito hindi makakaapekto sa inyong pagsasama.

3. Huwag mahiyang magsalita at ipaalam sa iyong asawa ang iyong nararamdaman.

Ayon kay Whiting, ang pagsasabi ng okay ka lang o ayos lang ang lahat kahit may bagay ka ng kinaiinisan sa inyong relasyon ay isang uri na ng dishonesty sa inyong pagsasama.

Higit sa lahat ay hindi rin umano ito nakakatulong maresolba ang inyong problema. Kaya naman huwag mahiyang magsalita. Panatilihin ang open communication sa pagitan ninyong mag-asawa. Kung may hindi ka gusto sa inyong relasyon ay ipaalam ito sa iyong asawa. Siyempre pakinggan din ang side at opinyon niya.

BASAHIN:

Ang pang-matagalang epekto ng pag-aaway ninyo ni mister sa harap ng inyong anak

Halos 50% ng parents ay agree na mas okay ang live-in muna bago ang kasal

Bakit mas mabuti pa rin ang maikasal, ayon sa mga pag-aaral

Photo by Harli Marten on Unsplash

4. Galangin ang pareho ninyong opinyon.

Tulad nga ng sinabi ni Whiting, mahalaga na maging kalmado kayong mag-asawa sa oras na may problema kayong pag-uusapan tungkol sa inyong relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay para maiwasang maging exaggerated o defensive kayo sa inyong pag-uusap. Mabuti rin ito para maiwasang makapagsabi kayo ng mga salitang mas makakapagpalala pa ng hindi ninyo pagkakaintindihan.

Kung kayo ay nasa hindi magandang mood o galit, mas mabuting magpakalma muna bago kayo mag-usap. Saka lang kayo mag-usap kapag siguradong pareho na kayong na maayos na pag-iisip at handang ng makinig sa sasabihin ng bawat isa.

5. Magbigay ng solusyon sa inyong problema.

Photo by Shelby Deeter on Unsplash

Para maiwasan ng pagsimulan ng problema ang pagkakaiba ng ugali ninyong mag-asawa ay magkaroon kayo ng kasunduan. Isang kasunduan na patas o sang-ayon ang bawat isa.

Halimbawa, kung naiinis ka sa pagiging makalat ng asawa mo ay ipaalam ito sa kaniya. Maaaring sa inyong pag-uusap ay malaman mong nahihirapan pala siyang maghanap ng mga gamit niya kaya nangyayari ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para mabigyan solusyon ang inyong problema ay i-offer ang tulong mo sa kaniya. Tulad na lamang sa paglalagay ng mga gamit niya sa isang lugar na mas magiging madali sa kaniyang makita.

Tandaan may dahilan ang bawat bagay o problema. Ang tanging paraan lang para masolusyunan ito ay sa pamamagitan ng maayos na usapan.

Sa isang relasyon, isaisip rin na napakahalaga ng open communication. Imbis na patagalin ay mabuting pag-usapan agad ang inyong mga problema. Bagamat minsan nakakainis, ang ugali ng iyong asawa ay tanggapin na ito ay ugali na niya. Makakatulong din na para maiwasan ang problema ay matuto kayong mag-adjust sa ugali ng isa’t isa.

 

Source:

Psychology Today, NCBI, Today