Kamakailan lang ay nagkaroon ng balita tungkol sa isang ordinansa sa Baguio kung saan mapaparusahan ang mga taong nakikisali sa pagkakalat ng tsismis. Ngunit alam niyo ba na bago pa ang ordinansang ito ay mayroong mga batas na nagbabawal ng tsismis?
Mahalagang iwasan ang pagkakalat ng tsismis
Karaniwan na sa mga magkakapitbahay ang magkuwentuhan tungkol sa mga nagaganap sa kanilang lugar. Ngunit hindi naman ito dahilan upang magkalat ng mga kwento, o mga tsismis na nakakasira ng ibang tao.
Bukod dito, posible ring kasuhan ang mga taong nagkakalat ng maling impormasyon na posibleng makasira ng reputasyon ng mga tao.
Posibleng kasuhan ng civil case na slander at libel ang mga taong nagkakalat ng tsismis. Hindi lang rin ang pagrereklamo sa barangay ang posibleng gawin ng mga nabiktima ng tsismis. Posible rin silang magreport ng kaso sa mga pulis upang ireklamo ang mga naninira sa kanila.
Ang mga posibleng maging parusa sa pagkakalat ng tsismis, o nakakasirang mga kwento ay pagbabayad ng danyos, o kaya ay pagkakulong, depende kung gaano kalaki ang nagawang perwiso ng pagkakalat ng tsismis.
Nakakaapekto rin ito sa mga bata
Ang pagkakalat ng tsismis ay posible ring magkaroon ng masamang epekto sa mga bata. Ito ay dahil baka akalain ng mga kabataan na tama ang ganitong pag-uugali, lalo na kung nakikita nila sa kanilang mga magulang.
Bukod dito, baka isipin pa ng mga bata na okay lang ang gumawa ng hindi totoong kwento tungkol sa ibang tao. Baka dalhin pa nila ito sa kanilang pagtanda, at maging dahilan upang sila ay kasuhan balang araw.
Kaya importanteng umiwas sa ganitong klaseng pag-uugali ang mga magulang, dahil kahit kailan ay walang mabuting naidudulot ang ganitong klaseng gawain.
Source: GMA News
Photo from: Flickr
Basahin: How can moms and dads deal with having nosy neighbors?