Iba-iba ang maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng maraming anak sa kada pamilya. Pero para sa isang ina nagiging basehan ito para ma-judge siya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang kuwento ng karanasan ng isang ina sa pagkakaroon ng maraming anak.
- Mga pros and cons ng pagkakaroon ng maraming anak.
Kuwento ng isang ina na nabuntis ng maaga at may apat na anak
17 years old palang ako ng mabuntis at maipanganak ko ang aking panganay. Noon palang marami na akong narinig na mga masasakit na salita sa mga tao sa paligid namin. Kesyo may kalandian daw ako kaya ako nabuntis ng maaga at marami pang iba.
Pinilit kong hindi pansinin ang mga sinasabi noon ng mga tao. Naging masaya ako sa pamilyang binuo namin ng mister ko. Hanggang sa madagdagan ng isa pa ang anak namin babae ulit.
Dahil sa naghahabol kami ni mister ng lalaki naging apat na ang anak namin. Sa awa ng Diyos, ang pang-apat naming anak ay 2 years old na sa ngayon at lalaki na.
Mom: “Ang sipag daw naming mag-asawa, wala raw kaming kahilig-hilig.”
Photo by Charlein Gracia on Unsplash
Sa ngayon, mag-isang naghahanap-buhay ang mister ko bilang konduktor ng bus na byaheng Cainta at Maynila. Sa totoo lang, mahirap ang buhay pero kinakaya namin.
Ang nakakalungkot lang minsan, I get judged dahil madami akong anak. Tulad nalang na “kesyo bakit daw nagparami ng anak e ang hirap ng buhay, ang sipag daw naming mag-asawa, wala daw kaming kahilig-hilig”.
At syempre, tulad noon hanggang ngayon dahil sa nabuntis ako ng maaga ay may kalandian daw akong taglay. Pero magkaganoon man, ang sabi ko sa kanila, marami man kaming anak hindi nman ako nang-abala or nanghingi ng pangkain namin sa kanila. Kaya wala ako dapat ikahiya.
Marami man ang anak na mayroon kami ngayong mag-asawa, masaya kami. Wala akong pakialam sa mga sinasabi ng iba. Dahil ginagawa namin ang lahat para mapakain ng maayos ang mga anak namin.
Gagalangin ko ang opinyon nila. At kahit bigyan pa ako ng pagkakataon mas pipiliin ko pa rin na magkaroon ng apat ng anak kasi masaya ang malaking pamilya.
Ang mga pahayag na ito ay mula kay Mommy Julie na mula sa Cainta, Rizal. Siya ay may apat na anak edad 14, 11, 5 at 2 years old. Siya ay 31 years old na ngayon at full-time mom sa mga anak niya.
BASAHIN:
Hands-on ba si Daddy? 8 ways kung paano siya nakakatulong sa development ng anak
10 tips para mapalaki ang anak na lalaki na may respeto sa mga babae
Mga pros and cons ng maraming anak
Ang mga judgement na nararanasan ni Mommy Julie ay parte lang ng mga disadvantages ng maraming anak. Maliban nga dito mula sa pinagsama-samang pahayag ng mga magulang mula sa question and answer website na Qoura, ito ang mga sinasabi nilang advantages at disadvantages ng pagkakaroon ng maraming anak.
Photo by cottonbro from Pexels
Advantages ng maraming anak
- Hindi na kailangan ng mga anak mo ng iba pang kalaro nandyan na ang mga kapatid nila.
- Masaya lalo na sa tuwing nagtatawanan o nagkakatuwaan ang mga bata sa loob ng bahay.
- Nagtutulungan ang mga bata sa mga gawaing-bahay o school works nila.
- Tinutulungan ng mga nakakatandang kapatid ang mga mas bata sa kanila.
Disadvantages ng maraming anak
- Mas malaki ang gastos dahil mas maraming papakainin at pag-aaralin.
- Nakakapagod sila alagaan lalo na kapag sila ay maliliit pa.
- Gusto nilang lahat ng atensyon at oras mo na mahirap hatiin kung minsan.
- Hindi maiiwasan ang rivalry at selosan na maaaring mauwi sa pagtatalo o pag-aaway.
- Mahirap bumiyahe dahil marami kang dapat dalhin at alalayan.
- Kailangan ng mas malaking bahay para magkasya sila.
Ideal na dami ng anak sa Pilipinas
Photo by Migs Reyes from Pexels
Sa ngayon, dito sa Pilipinas, base sa Health and Demographic survey na isinagawa noong 2017, ang ideal na dami ng anak ng kada babae sa bansa ay nasa 2.7 lang o dalawa hanggang tatlong anak lang.
Sa parehong pag-aaral ay lumabas rin na 71% ng babaeng Pilipina na may asawa ang may demand na gumamit ng family planning para ma-kontrol ang pagdami ng anak nila.
Ang demand na ito ay hindi natutugunan dahil sa kakulangan ng mga family planning methods na maaari nilang magamit. Kaya naman nasa 54% lang mga kababaihan ang may access sa family planning at matagumpay na naplaplano ang bilang ng mga anak na gusto nila.
Ilan sa sinasabing dahilan ng mga kababaihan sa bansa kung bakit ninanais nilang makontrol ang pagdami ng kanilang anak ay una dahil sa hirap ng buhay.
At pangalawa naniniwala sila na kapag kaunti lang ang bilang ng kanilang anak ay mas maibibigay ang mga pangangailangan ng mga ito. Tulad ng sapat na pagkain, maayos na edukasyon, tirahan at syempre sapat na oras at pagmamahal.
Source: