Tanong ng mga nagbubuntis: Bakit nalalagas ang buhok ko?

Hindi karaniwan ang hair loss o pagkalagas ng buhok kapag nagbubuntis. Mas karaniwan ito kapag nakapanganak na. Pero mayron pa ding mga mommies na nagsasabing nangyayari ito—at nakakaiyak na nga daw talaga. | Photo: Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit nalalagas o naglalagas ang buhok?

Maraming mga preggy moms ang nagsasabing mas kumapal at naging mas malusog ang buhok nila kapag nagbubuntis. Dahil na din ito sa mataas na lebel ng hormone na estrogen, na nakakapagpabagal ng paglagas ng buhok. Pero hindi ito ang kuwento ng ibang mommies-to-be. May mga nakakaranas ng pagkalagas ng buhok ng buntis o minsan matapos manganak.

Biruin mo, bukod pa sa dami ng pagbabago sa katawan kapag nagbuntis ka, mayron pang pagbabago sa moods o emosiyon. Pati ba naman buhok ay ninipis? Hindi pa ba sapat ang pagbigat ng timbang, stretch marks at nangingitim na leeg, kili-kili at singit?

Ano nga ba ang totoo tungkol dito, at ano ang pwedeng gawin para naman maibsan ang stress ng mga mommies-to-be?

Bakit nga ba nagkakaroon ng pagkalagas ng buhok ng buntis?

Kasama ng mga pagbabagong pisikal ay ang hormonal fluctuations kapag nagbubuntis, kaya maaaring magkaroon ng pagkalagas ng buhok ng buntis na higit sa normal. Ang pagdagsa kasi ng hormones kapag buntis ay nagpapatigil o minsan ay pumipigil sa karaniwang cycle ng pagtubo ng buhok.

Pagkalagas ng buhok ng buntis | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero mas madami daw ang pagkalagas pagkapanganak, kuwento ng mga nagbubuntis na mommies na nakausap ko. At tulad ng lahat ng pagbabagong pisikal, temporary lang ang mga ito.

Karaniwang sanhi din ay ang stress o shock. Hindi lahat ay nakakaranas nito, pero ang ilang nakakaranas ay labis ang pag-aalala. Ang unang trimester ay maaaring maka-stress kay mommy, at ito ang nagiging dahilan ng pagkalagas. Imbis tuloy na karaniwang 100 strands lang ang malagas, na siyang average at normal na bilang, nagiging 300 strands kada araw.

Kuwento ni Ayka Sanchez-Moran at Aurore Robinot, parehong nurse at parehong kapapanganak lang sa kanilang mga babies, hindi sila nakaranas ng pagkalagas ng buhok nuong nagbubuntis. Marami din kasing dahilan kaya nakakaranas ang ibang mommies ng hair loss, dagdag ni Ayka.

Nariyan ang:   

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Kulang sa sustansiya ang katawan

Mas higit kasi ang nutrisyon na kailangan kapag buntis dahil dalawa kayo. Ang iron, halimbawa ay dapat na madoble ang intake, kasama na ang protina, at iba pang bitamina. Kaya’t kapag kulang dito, nagiging sanhi ng pagkalagas ng buhok. Pero kapag nasobrahan din sa bitimina tulad ng retinol form  ng vitamin A, nakakapagpalagas din ito ng buhok, ayon sa Wimpole Clinic Medical Journal. Imbis kasi na makatulong ang Vitamin A sa pagpapakapal ng buhok, kapag nasobrahan ay napapabilis ang pagkatapos ng hair growth phase, kaya maglalagas. At maaari ding hindi makapag-produce agad ng buhok ang iyong katawan, kaya ninipis pa ang buhok.

Bakit nalalagas o naglalagas ang buhok? | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Mga sakit, tulad ng gestational diabetes at ringworm (isang fungal infection)

May mga medikasyon kasi na nagpapataas ng posibilidad ng pagkalagas ng buhok gaya ng gamot sa mataas na presyon at depresyon.

Iba pang mga sakit na nagiging sanhi ng pagkalagas ay hypothyroidism o ang problema sa pagbaba ng produksiyon ng thyroid hormone; ang polycystic ovarian syndrome o PCOS na isang hormonal imbalance na nagiging dahilan ng pagkalagas ng buhok ng ilang babae; at iba pang skin diseases sa anit tulad ng allergies.

3. Nasa lahi na din kasi—o genetics

Kapag ang iyong mga magulang, lola, tiyahin, at mga kapatid ay nakaranas ng pagkalagas nung nagbubuntis sila, maaaring nasa lahi na ninyo ang mabilis na pagnipis ng buhok kapag nagbubuntis. Kaya rin hindi ito karaniwang nararanasan ng lahat ng nagbubuntis.

Hindi naman medical emergency ang pagkalagas ng buhok. Pero importanteng tingnan kung ang sanhi nito ay nutritional deficiency o sakit, na maaaring makasama sa kalagayan ng isang nagbubuntis. Ikunsulta ang kalagayan sa iyong OB GYN, lalo kung nararamdaman mong labis na ang pagkalagas. Mas mabuting magtanong, at malaman na walang anumang dapat ikabahala, kaysa hindi magtanong at magsisi sa huli.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang puwedeng gawin sa pagkalagas ng buhok ng buntis?

Narito ang ilang makakatulong para hindi tuluyang numipis at malagas ang buhok, buntis man o kapapanganak lang.

IWASAN ang:

  • sobrang pagsuklay o pag-brush ng buhok, lalo kung bagong paligo at basa pa ito.
  • pagtatali palagi ng buhok, pagpupuyod, pati pagtitirintas. Iwasan na rin ang paggamit ng blow-dryer araw araw.
  • paggamit ng mga pampatuwid ng buhok o straightening treatments, at mga pangkulay, lalo na ang bleach-based.

Bakit nalalagas o naglalagas ang buhok?

SUBUKAN ang:

  • paggamit ng mild shampoo at conditioner.
  • paggamit ng detangling comb para sa basang buhok.
  • pagmasahe ng anit para ma-stimulate ang blood circulation. Gumamit ding ng warm oil sa pagmasahe, tulad ng coconut, jojoba, almond, olive oil at mustard oils.
  • pagkain ng maraming gulay at prutas na may flavonoids at antioxidants na makakatulong na maprotektahan ang hair follicles.
  • paggamit ng mga produktong organic at natural.
  • paggamit ng Aloe vera extracts lalo kung may sakit sa balat at allergies.
  • pagmasahe sa anit gamit ang sariwang coconut milk, at iwan ito ng hanggang 30 minuto, saka hugasan ng herbal shampoo.
  • pagbabad sa buhok at anit gamit ang citric lemon juice (isang itlog, isang kutsara ng of lemon juice) ng hanggang 30 minuto, at saka banlawan.
  • paggamit ng itlog, yogurt, at olive oil mixture, isang beses isang linggo bilang deep conditioner.

Ang magandang balita ay ang pagkalagas ng buhok ng buntis, lalo na kung sanhi ng hormonal shifts sa pagbubuntis ay hindi naman permanente. Basta’t alam mo kung paano aalagaan ang sarili—at ang iyong buhok, ang lahat ng pagbabago ay babalik din naman sa dati.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

BASAHIN:
Postpartum hair loss: What causes it and 5 ways to deal with it

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.