Sa media forum nga na isinagawa ng Tiger Biscuit kung saan itinalakay nila ang kahalagahan ng kumpiyansa sa sarili, itinalakay din dito ang importansya na turuan ang anak o ang bata para maiwasan ang pagkukumpara ng sarili sa iba.
Ang guest expert nga na si Dra. Mary Ann Marnie Prudencio, isang neuro-developmental pediatrician sa center ng autism sa developmental medicine ng St. Luke’s Medical Center sa BGC at nagii-specialize ito sa speech o language delay at motor delay at nagbahagi ng ilang mga importanteng mensahe sa mga magulang.
Ituro ang pagpapakumbaba
Ani Dra. Mary Ann Marnie Prudencio, importanteng ituro at i-model di-umano sa ating mga anak ang pagpapakumbaba, sapagkat tayo nga ang mistulang mga modelo ng ating mga anak kung kaya dapat ipinapakita rin natin ang magandang kaugalian na dapat nilang makita at makuha sa atin.
Sambit nga ni Dra. Prudencio, “They follow what their parents do.” Kahit nga sa mga bata o anak natin na toddler pa lamang kung ano nakikita o naririnig nila sa atin iyon ang kanilang ginagawa o sinasabi dahil iyon ang nakikita o naririnig nila sa ating mga magulang.
“Kasi yung mga patients ko nakakausap niya, ‘Mommy he doesn’t talk to me,’ ganyan, ‘Kasi nga may speech delay,’ ‘Oh that’s why, because may speech delay,‘” kuwento ni doktora.
Aniya, “He wants to play with them, dahil yung clinic ko nandun sa bahay ko e, nasa baba lang I don’t have to commute, so he also plays with them.”
Pagpapatuloy niya,
“He doesn’t understand me,’ mga ganyan ganyan. ‘Oo, that’s why they’re coming to see me, because they need help, so those of us who were given talents of you know like we’re not delayed in speech and we can think well we have to help the others who cannot, you know who have delays in development or who need help, so that’s why we’re here.'”
“Parang ine-explain ko in ways he can understand na they’re here. Because they need help so we have to use our smarts,” paliwanag nga niya di-umano sa anak.
“That God has given us to help others, mga ganon. So parang you have to also put in your values e, while you’re talking to them, so that they would also understand,” aniya.
“Just because you’re smart, you’re not over and above others, mga ganon,” diin ni doktora.
Social pressure
Paano nga ba ituturo sa bata ang hindi pagkukumpara ng sarili sa iba lalo na kung may social pressure ng kaakibat ang sitwasyon kung asan ang anak?
“You have to instill your values again,” simpleng payo ni Dra. Prudencio.
Halimbawa niya, “For example, they (classmate and family niya) went to Singapore, ‘Oh okay in the future you know, that’s something we can work on. How do you think we can afford that in the future?’ So you make him think hindi pwedeng, hindi naman agad-agad, dahil ano nagpunta sila pupunta ka rin.
Pagpapatuloy niya,
“So if you want to go there, how can we afford it? So if you ask that one then probably mag-iisip na yan on how to make tipid. Mga ganyan, so you’re instilling your values.”
Dagdag pa nito,
“Sometimes our priority kasi is for you to stay in school and have you know good food in the house. Thats not yet our priority, so we have to ano our priorities in the house. We have to work together as a team, as a family, so you understand that? That’s why we’re working.”
Bilin niya muli, “So I guess you also have to say your values also while you’re talking to him na just because he didn’t go to Singapore he’ll feel bad na. He can, but ask him again, ‘How can we afford it, di ba?‘ So that he will think, ‘Not yet,’ ganyan.”
Dagdag pang payo ni Dra. Prudencio, “You should tell them you don’t compare yourself with the others. Cause your own family have your own you know code of honor kumbaga.”
BASAHIN:
6 rason kung bakit nagiging bully ang isang bata