TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ganito karaming oras ang kailangan ilaan sa asawa sa isang linggo, ayon sa experts

5 min read
Ganito karaming oras ang kailangan ilaan sa asawa sa isang linggo, ayon sa experts

Narito rin ang mga activities na maari ninyong gawin para sa mas matibay at masayang pagsasama ninyo.

Paglalaan ng oras sa relasyon napakahalaga ayon sa isang relationship expert. Ang oras na inilalaan sa iyong asawa, dagdag pa niya ay hindi umano dapat bababa sa 4 na oras kada linggo. Narito ang paliwanag niya kung bakit.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit mahalaga ang paglalaan ng oras sa relasyon.
  • Ilang oras dapat ang inilalaan na oras sa iyong asawa kada linggo.

Bakit mahalaga ang paglalaan ng oras sa relasyon?

Busy sa trabaho o kahit anumang bagay na pinagkakaabalahan mo? Ayon sa professor at relationship expert na si Dr. Gary W. Lewandowski Jr., mahalaga na maglaan ng oras sa iyong asawa.

Hindi naman umano kailangang maraming oras ang ibibigay sa kaniya pero payo niya ito ay hindi dapat bababa sa apat na oras. Sa mga oras na ito sa iyong asawa, ikaw ay hindi dapat naiistorbo at committed sa kaniya.

Sapagkat paliwanag ni Lewandowski, ang pagsasagawa nito ay may benepisyo sa inyong relasyon. Nakakatulong ito para ma-build o mas maging malapit ang koneksyon ninyo sa isa’t isa.

Paliwanag naman ng isang pag-aaral, ang paglalaan ng oras sa iyong asawa ay mas nagbibigay ng oportunidad sa inyong tumawa o maging masaya ng magkasama.

Ang mga karanasang ito ay nakakatulong sa pagkaroon ng closeness at exclusivity sa inyong relasyon. Mas doble nga raw ang happiness ng mga mag-asawang nag-spend ng oras sa isa’t isa.

Ganoon din ang mga activities na ginagawa nilang magkasama ay mas nagiging meaningful at nakakabawas ng stress sa kanilang buhay.

paglalaan ng oras sa relasyon at iyong asawa

People photo created by tirachardz – www.freepik.com 

Hindi dapat bababa sa apat na oras sa loob ng isang linggo ang dapat inilalaan na oras sa iyong asawa

Dagdag na paliwanag ni Lewandowski, ang 4-hour rule na sinasabi niya sa isang relasyon ay maaari naman umano hatiin sa araw-araw sa loob ng isang linggo.

Katulad ng panonood ng Netflix ng 30 minuto kada gabi o ang simpleng pagde-date ninyo tuwing weekend. Pero pagdidiin niya at base na rin sa pahayag ng mga mananaliksik, mas mabuti umanong gumawa ng mga activity kasama ang iyong asawa na makakatulong rin sa iyong self-expansion.

Ang top 5 self-expansion activities na maaari ninyong gawin na hindi lang makakabuti sa inyong relasyon kung hindi pati na rin sa iyong self-development ay ang sumusunod:

  • Sex o pakikipagtalik.
  • Pagpapakita ng affection tulad ng paglalambing, pag-akbay, pagyakap o paghalik sa iyong asawa.
  • Pagtawa ng magkasama.
  • Pag-iisip sa kinabukasan tulad ng pagplaplano sa lugar na susunod ninyong pagbabakasyunan.
  • Paglabas ng magkasama tulad ng pagkain sa isang restaurant o panonood ng sine.

Ang mga nabanggit ay ang top 5 activities na maaaring gawin ng mag-asawa na makakatulong sa self-expansion nila. Pero maliban sa mga nabanggit, may iba pang activity na maaaring gawin ang magkarelasyon na siguradong makakatulong na mas patibayin pa ang pagsasama nila. Ang mga ito ay ang mga sumusunod.

mag-asawang naglalakad sa park

Photo by mentatdgt from Pexels

BASAHIN:

Magkano ang dapat gastusin para sa regalo sa asawa? Ito ang sabi ng experts

Hindi naa-appreciate ng asawa? 6 senyales na hindi balanse ang effort sa relasyon

Madalas mag-argue? Mabuti ‘yan para sa inyong relasyon, ayon sa expert

Mga activity na maaaring gawin ng mag-asawa na magkasama

mag-asawang sumasayaw sa kusina

Food photo created by tirachardz – www.freepik.com 

Tulad ng paglalaro ng mga board games at pag-take ng art classes na ayon sa isang pag-aaral ay nakakatulong para pataasin ang level ng oxytocin sa katawan ng mag-asawa.

Ang oxytocin ay kilala rin sa tawag na cuddle hormone na mas nagpapatibay ng bonding ng mag-asawa at nagbibigay sa kanila ng dagdad na assurance at support sa isa’t isa.

Magandang activity rin na gawin ng mag-asawa ang panonood ng romantic movies. Sa ganitong paraan kasi ay mas nagkakaroon sila ng mas magaan na paraan para pag-usapan ang mga relationship issues na kinakaharap nila.

Nakakatulong din ito para magkaroon sila ng positibong outlook sa kanilang relasyon. Base nga sa isang pag-aaral na ginawa ng University of Rochester, ang mga mag-asawang palaging nanonood ng romantic movies na magkasama ay mas mababa ang tiyansang maghiwalay.

Pero hindi lahat ng romantic movies ay ipinapayong panoorin ng mga mag-asawa. Mas mabuti raw ang tungkol sa falling-inlove movies para maipaalala sa kanila ang tamis ng kanilang pagmamahalan noong ito ay nagsisimula pa.

Pwede rin naman ang mga movies tungkol sa couple retreat na nagpapakita kung paano nalampasan ng mag-asawa ang isang problema.

Dagdag pang payo ni Lewandowski, magandang ideya rin ang paglabas o pag-spend ng oras kasama ang iba pang couples o mag-asawa.

Sa ganitong paraan kasi ay nakakapagpalitan kayo ng karanasan. Nagkakaroon din nang bagong ideya para mas gawing exciting ang inyong relasyon. Pero siyempre dapat siguraduhin na ang inyong makakasama ay may maibibigay na positibong epekto sa inyong pagsasama.

Tandaan!

Nakakapag-spend ka ba ng quality time sa iyong asawa sa loob ng 4 hours a week? Kung hindi, mas mabuting mag-adjust ka na ng schedule mo para sa ikakabuti ng inyong relasyon at pamilya. Tandaan, dapat gawing i-priority ang iyong asawa at pamilya, higit sa ano pa man.

Source:

Psychology Today, Time.com

Partner Stories
Refresh your eyes on the go with Rohto
Refresh your eyes on the go with Rohto
Mary Kay Ultra Stay™ Lacquer Kit: The ultimate power tool to show your #BeautyBehindTheMask
Mary Kay Ultra Stay™ Lacquer Kit: The ultimate power tool to show your #BeautyBehindTheMask
Five ways to celebrate Christmas in the time of COVID-19
Five ways to celebrate Christmas in the time of COVID-19
Ermenegildo Zegna Group redefines masculinity
Ermenegildo Zegna Group redefines masculinity

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Ganito karaming oras ang kailangan ilaan sa asawa sa isang linggo, ayon sa experts
Share:
  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

    Usapang Mag-Asawa: This Is Why Paikot-Ikot Yung Argument Niyo

  • Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

    Away-Mag-Asawa? How to Resolve Conflict Mindfully, Even When Kids Are Around

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko