Mister, may natatanging paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa asawa niya

Narito ang ilang paraan kung paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagmamahal sa asawa ipinapakita ng isang ama sa kaniyang natatangi at nakakatuwang paraan.

Pagpapakita ng pagmamahal sa asawa

Sa pamamagitan ng Facebook post ay ibinahagi ng isang Viatnemese kung paano ipinapakita ng kaniyang ama ang pagmamahal sa kaniyang ina.

Ayon kay Nhi Pham, palaging nagtatalo ang kaniyang mga magulang. Hindi rin daw nagsasabi ng I love you ang kaniyang ama sa kaniyang ina. Ngunit kapag ito ay nasa bakasyon o nasa malayo at hindi kasama ang kaniyang ina ay may isang bagay na laging isinusuot ang kaniyang ama.

Ito ay ang t-shirt na ibinigay ng kanilang kapatid na may larawan ng kanilang ama at ina na magkasama.

Image from AsiaOne

“My dad never said ‘I love you’ to my mom and they always argue. But then when he’s on vacation without my mom, he wears a t-shirt with a photo of them printed on it and I think this is the sweetest thing.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Nhi.

Noong una ay inakala nilang hindi ito susuotin ng kanilang ama, Ngunit ng minsang hindi nakasama ang kanilang ina sa isang family trip, sinuot daw ito ng kanilang ama. Ayon sa ama, ginawa niya daw ito para hindi niya masayadong mamiss ang kaniyang asawa.

Kaya sa ngayon ay lagi ng isinusuot ng kaniyang ama ang t-shirt na may larawan nila ng kaniyang ina kapag sila ay hindi magkasama. Isang natatangi niyang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa asawa niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from AsiaOne

Ikaw paano ka magpakita ng pagmamahal sa asawa mo? Kung hindi ka vocal o magaling sa salita, may ilang paraan kang maaring gawin. Maliliit na bagay lang ito ngunit paniguradong magpaparamdam sa kaniya ng malaking pagmamahal mo.

Iba’t-ibang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa asawa

1. Pag-gawa ng maliliit na pabor sa kaniya.

Ang simpleng pagtitimpla ng kape niya, paghahanda ng pagkain sa trabaho, pagtulong sa kaniya sa gawaing bahay o kaya naman ay pagbili ng libro na gusto niyang basahin ay magpaparamdam na ng pagmamahal mo sa kaniya. Dahil hindi lahat ng asawa ay nagagawa ito, tanging ang mga mayroong malasakit lang at may natatanging pagmamahal ang magbibigay ng oras sa maliliit na bagay na ito.

2. Maglaan ng oras na kayong dalawa lang o magkaroon ng date nights.

Maaring kayo ay lumabas at kumain sa isang restaurant o kaya naman ay manood ng isang pelikula na magkasama. Maari ring gawin ito sa pamamagitan ng pagluluto ng isang romantic meal para sa inyong dalawa. Dahil hindi dapat kayo nawawalan ng oras sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Bigyan siya ng massage.

Ang pagtratrabaho at pag-gawa ng gawaing bahay ay nakakapagod. Kaya naman ang pagbibigay ng mensahe sa iyong asawa ay talagang ma-aappreciate niya. Maari mo siyang masahiin sa kaniyang ulo, kamay, balikat, leeg at pati na ang kaniyang paa.

 4. Mag-effort na magkaroon ng magandang relasyon sa kaniyang pamilya.

Kahit minsan ay may hindi pagkakaintindihan, ang paggawa ng effort para makasundo ang pamilya ng iyong asawa ay malaking bagay para sa kaniya. Kahit na ba minsan o madalas ay may conflict ang mga mag-biyenan, ang hindi pagsasalita ng masama o pagrerespeto sa mga magulang niya ay siguradong ikakatuwa ng iyong asawa.

5. Gumawa ng bagong activities o adventures na magkasama.

Para mapanatiling fresh ang pagsasama ay maaring sumubok gumawa ng bagong activities o adventures na kasama ang iyong asawa. Ito ay maaring sa pamamagitan ng paggawa ng water activities o kaya naman ay sa paggawa ng ilang bagay na maari ninyong pag-eksperimentuhan sa kama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Panatiling mainit ang inyong pagmamahalan.

Kahit na ba busy sa pagtugon ng kaniya-kaniyang responsibilidad sa pamilya ay dapat hindi ka mawalan ng oras sa iyong asawa lalo na sa kama. Dahil ayon sa mga pag-aaral, ang pagtatalik ang isa sa pinakamabisang paraan ng pag-didistress at pag-rerelax. Isa rin ito sa pinakamagandang paraan para iyong maiparamdam ang haplos at init ng iyong pagmamahal.

7. Respetuhin ang kaniyang independence o sariling oras.

Bagamat kayo ay nanumpa na magsasama sa hirap at ginhawa, dapat ay bigyan mo rin ng oras para sa sarili niya ang iyong asawa. Dahil sa ganitong paraan ay hindi mo lang naipapakita ang pagmamahal mo sa kaniya kung hindi pati narin ang iyong tiwala na importante sa bawat pagsasama.

8. Paggawa ng mga bagay na kinahihiligan niya.

Ang pagpapakita ng pagmamahal sa asawa ay pagpapakita rin ng kagustuhan sa mga bagay o tao na mahal niya. Kung may paborito siyang sports, bakit hindi mo subukang manood nito kasama niya. Sa pamamagitan nito ay hindi ka lang nagkakaroon ng quality time kasama ang iyong asawa. Ngunit mas nakikilala mo pa siya na akala mo noong una ay alam na alam mo na.

Ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa asawa ay magagawa mo sa iba’t-ibang paraan. Maliban sa pagsasabi ng salitang “I love you,” ang mga simpleng halik at yakap ay magsasabi din sa kaniya ng iyong nararamdaman, sa paraang kayo lang ang nagkakaintindihan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: AsiaOne
Photo: Pexels

Basahin: Kissing therapy: Ang epekto kapag parating hinahalikan ang asawa