Yummy pa ba ang asawa mo? 24 funniest answers ng mga moms

Sigurado makaka-relate ka sa mga nakakalokang sagot nila tungkol sa kanilang mga asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagnanasa sa asawa, nararamdamin mo pa rin ba ito kay mister?

Mababasa sa artikulong ito:

  • TAP mommies na umaming mayroon paring pagnanasa sa asawa nila.
  • Mga paraan kung paano pananatilihing exciting ang relasyon ng mag-asawa.

Pagnanasa sa asawa

People photo created by cookie_studio – www.freepik.com 

Ilang TAP moms ang umaming hindi pa rin nawawala ang pagnanasa sa asawa nila. Ito ay sa kabila ng ilang taon na nilang pagsasama at kahit sila ay may anak na.

Ang pag-amin nilang ito ay kanilang ginawa sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na “Yummy pa ba ang asawa mo?” Ang isa sa pinaka-bagong topic na pinag-uusapan ngayon sa TAP After Dark sa theAsianparent app.

Sa tanong na ito ay maraming TAP moms ang walang alinlangan na sumagot na oo at araw-araw na yummy ang kanilang mister.

May isang mommy nga na sobrang yummy ng kaniyang mister ay hindi mapigilan ang kaniyang sarili. Ito ay sa kabila ng takot niya na masundan agad ang kanilang maliliit pang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Yung ako natatakot din masundan ulit mga anak ko kasi maliliit pa, Pero ‘di kasi mapigil talaga kasi yummy nga.”

May isang mommy naman na kahit super yummy daw si mister ay pinipiling magtiis para hindi agad masundan ang baby nila.

“Yes super yummy delicious. Kaso takot masundan si baby, kaya tiis muna siya. ”

Pero ang isang mommy hindi na napigilan at buntis ulit ngayon dahil sa pagiging super yummy daw ng kaniyang mister.

“Super hahaha. Mas lumala nung pagka tapos kong manganak sa panganay, here I Am I’m pregnant again.”

Aminado naman ang isang buntis na misis na mas lalong naging yummy si mister sa paningin niya ngayon.

“Yes as always, la lang bet ko lang talaga lalo partner ko lalo ngayon buntis hahaha.”

BASAHIN: 

Mom confession: “Nagkaroon ako ng vaginal tear dahil sa rough sex with my husband”

Mom confession: “I never say no to my husband—pagdating sa sex”

8 na dahilan kung bakit mahalaga sa mag-asawa ang “eye contact” sa pagtatalik

Mayroon naman mga mommies na ang linya ay habang tumatagal ay mas sumasarap ang mister nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Always yummy ‘yon since high school pa kami. Lalo pa siya naging yummy nung nag-gym kami. And siyempre ako rin. Hehe. 18 years old na eldest namin and now I’m 7 months pregnant kay bunso.”

“Yes kung kelan mag-30yrs old saka mas nagiging yummy.”

“Yummy as always. I think our sexlife is getting better as years go by.❤”

May mga misis naman ang nagsabi na kahit nagbago na ang hugis ng katawan ng mister nila ay wala paring kupas ang appeal ng mga ito para sa kanila.

“Oo yummy ang asawa ko sa paningin ko haha kahit pawisin kahit dadbod yummy siya!”

“Yes na yes, kahit payat si hubby may 6 pack abs naman siya.. hehehe kakagigil ehh.”

“Yes po. Kahit medyo tumaba siya. Hahaha.”

Say naman ng ibang mommies, sa sobrang yummy ng kanilang mister ay marami pa ring umaaligid dito. Habang may ilan naman ang nagsabi na hindi nila pagsasawaan ang yumminess ng kanilang mister at sa katunayan ay lagi parin nilang pinapantasya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

May mga mommies naman na ang ginawang batayan sa pagiging yummy ni mister ay ang pagiging malinis nito sa katawan.

Pero para sa isang mommy kapag mahal mo ang mister mo ay hindi mawawala ang kilig effect at appeal niya sayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Yes naman kasi kung mahal mo ang asawa mo kikiligin ka palagi sa kaniya.”

Pero hindi lahat ng mommies na may yummy na mister ay masaya at may mainit na experience sa pakikipagbakbakan sa kama. Tulad ng isang mommy na nasa ibang bansa ang mister at nag-tratrabaho. Bagamat buwelta niya naghahanda na siya sa pagbabalik-Pinas nito.

“Sobrang yummy ng asawa ko. Miss na miss ko na nga eh. Kaya pag-uwi nya ng pinas, need na ng pills mahirap na baka masundan agad si baby.”

Ang sad story naman ng dalawa misis na ito ay kahit yummy pa si mister ay wala silang ganang makipag-sex. Kaya naman hanggang lambing at yakap nalang muna sila.

“Yummy pa kung sa yummy pero ‘di ko alam sa katawan ko bat hindi ko trip makipag-sex.”

“Yes naman. Kaso after kong manganak parang nawalan na ako ng ganang makipag-do. Gusto ko tabi lang kami matulog. .Hanggang cuddle na lang. 😂😂😂”

Naka-relate ka ba sagot ng mga mommies na ito? Ikaw naman ang sunod na mag-share ng point of view at experience mo. Tumutok at sumubaybay sa TAP After Dark tuwing Miyerkules ng gabi kung saan may bagong topic at chika kaming nakahanda para sayo theAsianparent app.

People photo created by lookstudio – www.freepik.com 

Tips para mapanatiling exciting at interesting ang pagsasama

Samantala, kung tulad ka naman ng dalawang mommies sa huli na umaming walang ganang makipagtalik kahit yummy ang kanilang mister ay narito ang ilang tips na maaari mong gawin para maging interesting at exciting parin ang relasyon ninyong mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pag-usapan ang inyong mga desires o ang mga gusto niyong gawing mag-asawa lalo na sa pagtatalik.
  • Magsaya ng magkasama sa pamamagitan ng paggawa ng mga new experiences. Ito ay para ipaalala sa inyo kung paano ang pakiramdam noong kayo ay nagsisimula pa lang. Lumabas kayo, mag-date, manood ng sine o bumalik sa lugar na nagpapaala kung paano nagsimula ang love story ninyong mag-asawa.
  • Huwag kalimutang hawakan ang kamay ng iyong asawa. Pati na ang haplusin at yakapin siya.
  • Makipagtalik kahit pakiramdam mo ay ayaw mo. Dahil minsan sa ganitong paraan mo maalala na gusto mo pala itong gawin. Sa tulong ng sex ay magti-trigger ang mga hormonal at chemical responses ng iyong katawan na magse-set ng iyong mood.
  • Magbigay ng oras sa pakikipagtalik sa iyong asawa kahit gaano ka pa ka-busy at gawin itong priority.
  • Huwag kalimutang mag-I love you sa iyong asawa. Maaari mo ring iparamdam sa kaniya sa pamamagitan ng actions tulad ng pagyakap o paghalik sa iyong asawa. O maipakita ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagtimpla ng kape para sa iyong asawa sa umaga. Ang pagtetext sa kaniya o pagtawag para kumustahin siya habang malayo kayo sa isa’t isa. Ika nga action speaks louder than words. At ang iyong pagmamahal ay hindi lang dapat sa salita kung hindi pati narin sa gawa.