X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mom confession: "I never say no to my husband—pagdating sa sex"

5 min read
Mom confession: "I never say no to my husband—pagdating sa sex"

Alamin ang dahilan kung bakit napakahalaga ng pagtatalik sa relasyon ng mag-asawa.

Narito ang kahalagahan ng sex sa buhay mag-asawa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang kuwento ng isang misis na hindi tumatangging makipag-talik sa mister niya.
  • Ang benepisyo at kahalagahan ng sex sa buhay mag-asawa.

Misis, hindi tumatangging makipagtalik sa mister niya

kahalagahan ng sex sa buhay mag-asawa

People photo created by jcomp - www.freepik.com 

“My husband and I enjoy sex. Ever since we became a couple, we do it once or twice a week. Hindi naman sobrang dalas pero hindi lumilipas ang isang linggo na wala. Minsan ako nagyayaya, but madalas yung asawa ko. and I rarely say no to him. Mga 90% of the time, parating yes.

Kahit wala ako sa mood, kahit pagod ako, kahit may period ako, kahit ano pang dahilan ang puwede sana na mag-No na lang, I still say yes. 'Yong times na nag-No ako dahil lang hindi okay ang pakiramdam ko. Hindi dahil malibog ako—although I still find my husband very handsome and yummy. Hehehehe

But early on in our relationship, naisip ko na rin kasi na biologically speaking, kailangan niya kasi 'yon. Napapansin ko rin na kapag wala kaming contact, mas iritable siya at mas stressed sa trabaho. Para sa akin, kung isa 'yon sa needs ng asawa ko, ba't ko naman ipagdadamot sa kaniya.

When we make love, hindi din naman ako parang nakahilata lang. I make sure na ako rin natutuwa sa mga nangyayari. At hindi rin selfish ang asawa ko. He always makes sure na natatapos din ako, para fair!

Madalas din nilalandi ko ang asawa ko. Hinihipuan ko siya nang pabiro. Gusto ko rin kasi na maramdaman niya na I still find him attractive.'Tsaka 'di ba, mas mabuti nang kami 'yong maglandian kaysa sa iba siya lumandi.”

Kahalagahan ng sex sa buhay mag-asawa

Ito ang pagbabahagi ng isang TAP mom tungkol sa kung gaano kadalas ang pagtatalik nilang mag-asawa. At kung bakit hindi siya tumatangging makipagtalik sa kaniyang mister.

Dahil paniniwala ng misis na piniling hindi magpakilala, ang pagtatalik ay napakahalaga sa pagsasama ng mag-asawa. Ito ay hindi lang umano nagiging paraan para makapag-bonding o maging close sila. May benepisyo rin itong naibibigay sa physical at emotional health nila.

Ang paniniwalang ito ng naturang misis ay may katotohanan, Ito ay napatunayan ng marami ng pag-aaral. Base sa pag-aaral, ito ang benepisyong naibibigay ng sex sa mag-asawa at sa kanilang pagsasama.

kahalagahan ng sex sa buhay mag-asawa

People photo created by jcomp - www.freepik.com 

Psychological benefits ng pakikipagtalik

Pagdating sa psychological at emotional na aspeto, maraming benepisyong naibibigay ang sex sa mag-asawa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Ang madalas na pakikipagtalik sa iyong asawa ay nakakapag-boost ng kaniyang self-image at self-esteem. Dahil sa hindi mo pagtanggi sa pakikipagtalik sa kaniya ay nababawasan ang insecurity na kaniyang nadarama at nagiging positive ang tingin niya sa sarili niya.
  • Ito ay nagdudulot ng pleasure o happiness sa inyong katawan.
  • Binabawasan nito ang feeling of irritability at depression sa inyong dalawa. Ito ay dahil sa pakikipagtalik ay nagre-release ng chemicals at hormones ang utak na nakakatulong para pakalmahin ang iyong katawan.
  • Ayon pa rin sa mga pag-aaral, ang pakikipagtalik ay mahusay na stress management technique. Dahil iniibsan nito ang mga stress hormones sa katawan.
  • Nakakatulong din ang sex para magkaroon ng maayos na tulog. Dahil ito sa hormone na prolactin na inire-release ng katawan tuwing nakikipagtalik na nakakatulong sa pagkakaroon ng mahimbing na tulog.

kahalagahan ng sex sa buhay mag-asawa/ happy couple

People photo created by lookstudio - www.freepik.com 

BASAHIN:

Mom confession: Hindi na ako komportable makipag-sex sa asawa ko.

Magkaiba ba ang hilig ninyo ni mister pagdating sa sex? Hindi ito dapat maging problema!

Bakit nangangaliwa ang isang tao – Hindi laging sex ang dahilan!

Physical benefits ng pakikipagtalik

Ang pakikipagtalik ay may naibibigay rin na benepisyo sa ating katawan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Dahil sa ito ay isang form of exercise ito ay nakakatulong na maging fit ang katawan.
  • Ayon sa pag-aaral ay nakakatulong din ito para magkaroon ng better memory performance ang isang tao lalo na ang mga 50-anyos pataas.
  • Pinapalakas din nito ang immune system at nakakatulong para makaiwas sa sipon o trangkaso ang isang tao.
  • Ang hormone na endorphins na inire-release ng katawan tuwing nakikiapagtalik ay nakakatulong para maibsan ang migraine at pananakit ng likod.
  • Nakakapagpayat din ang pakikipagtalik dahil sa kaya nitong mag-burn ng 200 calories sa katawan. Ang brain chemical na inire-release nito ay nakakatulong din para maibsan ang food cravings na sumusuporta sa pagbabawas ng timbang.
  • Nakakababa rin ng blood pressure ang pakikipagtalik. Kaya naman malaking tulong ito para makaiwas sa heart disease at stroke ang isang tao.
  • Sa mga kababaihan ang pakikipagtalik ay nakakatulong para magkaroon ng mas mahinang regla. Pinapaganda rin nito ang balat at ini-improve ang digestion.

Tandaan

Sa kabuuan ang pakikipagtalik ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa mag-asawa. Pero ang pinaka-mahalaga rito ay ang mas pinagtitibay nito ang pagsasama. Ito ay isang paraan para magpakita ng pagmamahal at affection ang mag-asawa sa isa’t-isa. At mas nagbibigay ng security at satisfaction sa relasyon.

Source:

Partner Stories
10 Backpack school essentials for your kids
10 Backpack school essentials for your kids
Brother products win in the 2021 iF Design Awards
Brother products win in the 2021 iF Design Awards
Samsung brings Apple Music to its Smart TVs
Samsung brings Apple Music to its Smart TVs
Get up to 65% off at Tefal’s first-ever Lazada Super Brand Day Exclusive deals are up for grabs this July 20!
Get up to 65% off at Tefal’s first-ever Lazada Super Brand Day Exclusive deals are up for grabs this July 20!

Very Well Mind, Healthline

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Mom confession: "I never say no to my husband—pagdating sa sex"
Share:
  • #TAPMomAsks: "Paano 'pag nahuli mo ang partner mo na may ka-chat na mga babae sa dating apps?

    #TAPMomAsks: "Paano 'pag nahuli mo ang partner mo na may ka-chat na mga babae sa dating apps?

  • Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

    Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

  • STUDY: 5 romantic beliefs na maaaring makasira sa relasyon ng mag-asawa

    STUDY: 5 romantic beliefs na maaaring makasira sa relasyon ng mag-asawa

  • #TAPMomAsks: "Paano 'pag nahuli mo ang partner mo na may ka-chat na mga babae sa dating apps?

    #TAPMomAsks: "Paano 'pag nahuli mo ang partner mo na may ka-chat na mga babae sa dating apps?

  • Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

    Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

  • STUDY: 5 romantic beliefs na maaaring makasira sa relasyon ng mag-asawa

    STUDY: 5 romantic beliefs na maaaring makasira sa relasyon ng mag-asawa

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.