EXPERT: Kapag nasasaktan ang bata, hindi dapat sinasabihan na "maarte" siya

undefined

Maraming paraan ng pagpapalaki ng magulang sa kaniyang anak. Iba-iba kasi ang parenting styles ng mga magulang. Pero ano nga ba ang mga maling pagpapalaki ng magulang sa anak?

Maraming mga paraan ng pagpapalaki ng magulang sa kaniyang anak. Iba-iba kasi ang mga parenting styles ng mga magulang. Pero ano nga ba ang mga maling pamamaraan at mainam na pamamaraan para sa pagpapalaki sa iyong anak?

Ayon sa isang eksperto may mga uring nang pagpapalaki sa mga bata na nali-lead sa isang emotional abuse sa isang bata. Baka maling pamamaraan na pala ng pagpapalaki mo bilang magulang ang ginagawa mo sa iyong anak.

Hindi mo na namamalayan na nakakaranas na pala ang iyong anak ng emotional abuse mula sa kaniyang mga magulang. May malaking epekto ito sa paglaki ng bata. Kung paano siya makitungo sa iba o kung paano made-develop ang kaniyang character. Kaya naman mahalagang malaman ang iba’t ibang parenting style na ito.

Iba’t ibang parenting styles

pagpapalaki-ng-magulang-sa-anak

Image from shutterstock

Authoritative parenting

Ang uri ng pagpapalaki na ito sa mga anak ay nakitaan umano ng mga positibong resulta. Ang mga magulang na may ganitong parenting style ay nakitaan ng balanseng pagtugon sa anak, pagiging responsive, may clear boundaries at, lower permissiveness

Mas maintindihin ang mga ganitong magulang at hindi basta-basta naninigaw. Epekto ba raw ito sa bata. Nagbibigay umano ang mga magulang ng tamang control sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

At nakatutok sa pagde-develop ng isang magandang behavior sa kaniyang anak kaysa kontrolin ang kaniyang anak sa ninais ng magulang.

Nagbibigay umano ito sa isang bata na ma-develop ang kaniyang strong sense of self based in love, natutong magkaroon ng self-control, at social boundaries. Ang mga batang pinalaki sa ganitong paraan ay magiging responsible, self-reliant, at assertive kapag laki.

Authoritarian parenting

Sa ganitong klase naman ng pagpapalaki sa anak. Inuuri ito bilang isang high demand at lower responsiveness. Halimbawa umano ay karaniwang harh ang approach sa bata

. Kaya naman nagli-lead ito sa isang accustomed hanggang negatibong emosyon, at kawalan ng responsiveness sa isang bata.

Halimbawa na lamang nito ang mga magulang na sobrang protective sa kanilang anak. Hindi hinahayaang maglaro sa labas o makipaglaro kung kani-kanino. Mas kontroling ang mga ganitong magulang at tanging sila lamang ang nasusunod.

 

Kaya naman halimbawa kapag sinabihan mong maarte ang anak mo, o masama ang ugali niya kaya dapat niyang baguhin. O pagkontrol sa kaniyang emosyon. Hindi umano ito makakabuti sa kaniya.

Kaya naman hindi nabibigyan ng pagkakataon ang anak na matuto at maging independent. Ang mga bata pinalaki sa ganitong pamamaraan ay kalaunan ay magiging distrusful, discontent, at withdrawn.

Permissive indulgent at neglectful

pagpapalaki-ng-magulang-sa-anak

Image from shutterstock

Kapag pagkontrol sa behavior ng iyong anak ay maaaring hindi ma-develop ang kanilang self-control. Ang uri nang pagpapalaking ito sa bata ay contrast sa authoritarian parenting sa permissive indulgent. Hindi sapat ang control pero mataas ang responsiveness.

Samantalang sa permissive neglectful parenting naman, ito ay contrast sa authoritative parenting, na kulang sa control at responsiveness. Ang mga bata pinalaki sa ganitong pamamaraan ay hindi masyadong na nag-eeplore, self-reliant, at self-controlled.

Iba pang nakakasama sa iyong anak

Hindi rin healthy umano sa mga bata pag-gaslighting sa kanila. Narito ang ilang mga senyales na baka nagagawa mo na ito sa iyong anak

  1. Kapag ine-exaggerate mo ang lahat ng conflict

Nangyayari ito kung lahat na lamang ng bagay na ginagawa o nagawa ng anak mo ay big issue sa iyo. Kaya naman madalas naiinit ang ulo mo sa kaniya.

Halimbawa kung nagsinungaling ang anak mo tungkol sa pagkuha niya ng snacks sa ref. Kaya naman maiisip tuloy ng iyong anak kung may sense o logic ba ang iyong galit sa kaniyang ginawa.

Dahil rito magsisimula ng magtago ng mga bagay-bagay ang iyong anak. Pwede ring hindi na siya magkuwento sa ‘yo dahil iisipin niya na baka magagalit ka na naman sa kaniya.

  1. Kapag ginaya mo ang behavior ng anak mo

Halimbawa na lamang dito. Kung ang anak mo ay gustong pumunta sa park pero malakas ang ulan. Kaya naman umiiyak siya.

Tapos gagayahin mo siya. Hindi maganda ito dahil magiging confuse ang anak mo, malulungkot at magiging highly distressed.

pagpapalaki-ng-magulang-sa-anak

Image from shutterstock

  1. Kung palagi mong ina-assert ang iyong power bilang magulang niya

Bilang magulang nila awtomatikong ikaw talaga ang may control sa iyong anak lalo na kapag siya’y bata pa lamang. Kapag nakakaramdam ka na ang iyong anak ay natututo nang maging independent.

Maaaring makaramdam ka ng takot na hindi ka na kailangan ng iyong anak at wala ka nang halaga sa kaniya.

Kaya naman ina-assert mo ang pagiging magulang mo upang mapigilan ito. Mas kokontrolin mo ang iyong anak upang hindi mo maramdaman na parang hindi ka na niya kailangan.

Matatagpuan mo ang iyong sarili na ina-isolate na iyong anak sa kaniyang mga kaibigan at sa inyong pamilya.

  1. Hindi ka nagso-sorry sa iyong anak

Kahit na sabihin nating ikaw ang magulang at nakakatanda. Hindi ibig sabihin nito ay ikaw na lagi ang tama. Maraming pagkakataon na nasasaktan mo ang iyong anak kapag nagagalit ka.

Nasasaktan mo ang kanilang damdamin. Pero dahil ikaw ay magulang minsan mataas ang iyong pride at ayaw mong humingi at aminin na nagkamali ka sa iyong anak kaya hindi ka humihingi sa kaniya ng sorry.

pagpapalaki-ng-magulang-sa-anak

Image from Unsplash

Tandaan na hindi masamang magpakumbaba sa iyong anak. Mas okay nga ito dahil makakabuo pa kayo ng maayos na komunikasyon at siya rin matuturuan mo na humingi ng sorry kapag siya’y nakakagawa ng mali.

Kaya naman mahalagang malaman ang mga maling pagpapalaki ng magulang sa anak. Upang magabayan at mapalaki ng maayos ang iyong anak.

Bilang mga magulang dapat maging maingat sa mga sinsasabi sa inyong mga anak. Hindi niyo namamalayan na masyado na pala kayong kontrolado at naabuso niyo na ang inyong anak emotionally.

Tandaan na kahit bata pa sila ay may emosyon din ang inyong mga anak. Matatandaan nila ito hanggang sa paglaki at makakaapekto ito sa kanila. Maging maunawaain at palaging mag-adjust sa pangangailang ng iyong anak. Upang magpalaki mo siya ng maayos.

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!