X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Paano matuturuan ang iyong anak ng mga gawaing-bahay? Ito ang ilang tips

4 min read
Paano matuturuan ang iyong anak ng mga gawaing-bahay? Ito ang ilang tips

Narito ang pinaka-effective na paraan na dapat gawin ayon sa isang pediatric psychologist.

Isang malaking challenge rin ba sayo kung paano tuturuan ang iyong anak sa gawaing bahay? Narito ang mga dapat mong malaman.

Pagtulong sa gawaing bahay ng iyong anak, bakit mahalaga?

Ang pagtulong sa gawaing bahay ng iyong anak ay hindi lang basta makakapagpadali sa isang gawain. Ito ay nagiging practice grounds niya rin sa paghahanda sa kaniyang adult life.

Marami ring naituturong skills sa isang bata ang paggawa ng mga household chores. Tulad nalang sa naiimprove nito ang communication skills nila. Sila ay natututong i-express ang kanilang sarili, makipag-negotiate, makipag-cooperate at malaman ang kahalagahan ng team work.

Maliban dito, nagiging responsible rin sila sa kanilang batang edad.  Mas nagiging competent din sila at nakakatulong para mas mapagaan ang trabaho ng pamilya sa loob ng bahay na nakakabawas sa stress.

May isang Harvard study nga ang natuklasang ang mga batang may kusa sa pagtulong sa gawaing bahay ay mas nagiging successful sa kanillang paglaki. Sila rin ay lumaking mabubuting mamamayan o good citizens sa komunidad na kanilang kinabibilangan.

Sa bata nilang edad ay natututo rin silang maging independent at mas naboboost ang kanilang self-esteem. Ito ay dahil nakikita nilang kaya nilang gawin ang nagagawa ng matanda tulad ng mga gawaing-bahay.

Ngayon ang tanong ay kung paano nga ba maituturo sa iyong anak ang gumawa ng mga household chores? Narito ang ilan sa mga approach na ginagawa ng marami sa atin.

pagtuturo sa bata ng pagtulong sa gawaing bahay

Image by lookstudio on Freepik 

Paano maituturo sa iyong anak ang mga gawaing bahay?

  1. Pagbibigay ng task na naayon sa kanilang edad.

Isa sa mga paraan na ipinapayong gawin para maturuan ang isang bata ng mga gawaing-bahay ay ang pagbibigay ng task na naayon sa kanilang edad.

Para sa maliliit na bata ang mga listahan ng gawaing bahay na maaring ipagawa sa kanila ay ang sumusunod:

  • Pagwawalis ng sahig.
  • Pagpupunas ng mesa o mga gamit.
  • Pag-aayos ng kanilang gamit.
  • Paglalagay ng kanilang hinubad na damit sa labahan o laundry basket.
  • Paglalagay ng kanilang hinubad na sapatos sa tamang lagayan.
  • Paglilipit ng kanilang laruan.

Para sa mga batang may kalakihan na maari na silang pagawain ng ibang household chores tulad ng sumusunod:

  • Paglalampaso ng sahig.
  • Paghuhugas ng plato.
  • Pagllilinis ng kanilang kwarto.
  • Pagtutupi ng kanilang damit.
  1. Paggamit ng reward system sa tuwing may matatapos silang task o household chores.

Isa pang paraan na sinasabing makakapagturo sa isang bata sa pagtulong sa gawaing-bahay ay sa pamamagitan ng reward system. Sa maliliit na bata ay maaring magawa ito sa pagbibigay ng star sa kada task na magagawa nila. O kaya naman ay dagdag na allowance o pagsasakaturapan ng request nila sa tuwing gagawa sila ng gawaing-bahay.

Pero ang style na ito ay maaring maging hindi effective sa katagalan. Lalo na kung wala ka ng maibigay na reward para sa iyong anak. May tendency rin na gagawa lang siya ng gawaing-bahay sa tuwing may reward na kapalit. Ang resulta ay wala ay parin siyang initiative o kusa sa pagtulong sa paggawa ng gawaing-bahay.

  1. Pagpapakita sa mga bata ng “natural consequences” sa paggawa ng task o household chores.

pagtuturo sa bata ng pagtulong sa gawaing bahay - batang naghuhugas ng plato

Image by rawpixel.com on Freepik 

Makakatulong rin umano sa pagtuturo sa isang bata ng mga gawaing-bahay ang pagpapakita sa kanila ng natural consequences kung bakit ito ginagawa. Tulad halimbawa ng wala silang kakainang malinis na plato kung hindi sila maghuhugas ng plato at iba pang hugasan. O kaya naman ang hindi paglalaba ng kanilang damit at wala na silang masusuot.

Pero sa panahon ngayon, napakaraming paraan na para ito ay masolusyonan. Maaring bilang kapalit ng plato ay mag-paper plate nalang sila. O kaya naman ay ang dalhin nalang sa laundry shop ang kanilang damit para mapalabhan.

Pinaka-effective na paraan para maturuan ang bata sa mga gawaing-bahay

batang tumutulong sa pagbebake ng kaniyang ina

Image by Freepik 

Ayon sa pediatric psychologist na si Elena Mikalsen ang pagtuturo sa pagtulong sa gawaing bahay sa isang bata ay tulad rin sa pagtuturo ng iba pang skills sa kaniya. At ang pagiging halimbawa ng magulang sa kaniyang anak ang sikreto umano para maturuan itong gumawa ng mga gawaing-bahay.

Pagpapaliwanag ni Mikalsen, mas nagiging effective pa nga ito kung magkasamang ginagawa ng magulang at anak ang mga household chores. Dahil maliban sa ginagaya ng isang bata kung paano nagagawa ang isang task ay perfect way rin ito ng pagbobonding nila.

Kuwento ni Mikalsen, bagamat kung iisipin ay tila mas tatagal ang paggawa ng isang task kung ganito ang set-up mas rewarding naman daw ito katagalan. Dahil sa pakikipagtulungan sayo ng iyong anak tulad ng sa paglilinis o pagluluto ay mas napapalapit siya sayo.

Very rewarding rin para sa kaniya na makitang natutuwa ka sa kaniyang ginagawa. O kaya naman ay ang makitang nakakatulong siya at mas nababawasan ang iyong ginagawa. Sa ganitong paraan ay mas namomotivate siyang gumawa ng gawaing-bahay. Ito ay makakasanayan niya at madadala niya hanggang sa kaniyang pagtanda.

 

Psychology Today, Raising Children

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Paano matuturuan ang iyong anak ng mga gawaing-bahay? Ito ang ilang tips
Share:
  • 12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

    12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

    REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

  • 12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

    12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

    REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.